Chapter 18

1.2K 73 4
                                    

══════◄••❀••►══════
Chapter 18

Asteria Lein Y Credieu


Halos hindi ko maigalaw ang aking mga paa dahil sa lalaking nasa aming harapan. Talaga namang napakahitik ng nagawa naming kamalian para magresulta sa ganito! Nakaramdam ako ng lukso ng dugo mula sa nakakatanda naming kapatid, nakatingin na ito kay momma para itanong kung sang-ayon ba siya na oobserbahan kami ng prinsepe.

"Ipagpaumahin niyo po kamahalaan, ngunit hindi ako natitiyak sa seguridad ng aking mga anak. Lalo't na at may kamalian sa pamamalakad ng pampublikong paaralan ng S.U.I. Mas mapapanatag ako at ang mga kapwa magulang, kung iimbestigahan niyo ang mga nangyayaring kapamahakan sa bantog na paaralan na iyon. Kaysa sa aking mga anak, na itinulak ng puting kabanalan na ipagtanggol lamang ang kanilang sarili." Aniya ni momma na nagpanganga sa akin, mukhang siya ang makakapagligtas sa amin mula sa kamay ng kapatid namin.


"Kung gayon hayaan mong pag-aralin muna ang iyong mga anak dito habang nasa proseso kami ng pagiimbestiga. Nakakatiyak akong hindi sila mapapahamak." Hindi talaga magpapatalo tong kapatid namin, pinagmasdan ko siyang mabuti. Kumirot ang puso ko, napakagwapo ng kuya ko. Nangilid ang aking mga luha dahil ang mga mata ko ay hindi ko mai-alis sakanya. Para siyang araw, napupuno ng liwanag habang kami ni Neil? Nananatili kami sa isang lugar na tanging kandila lamang ang nagsusuporta sa liwanag na mayroon kami. Ngayon, naagaw namin ang kanyang atensyon. Anong mangyayari sa amin ni Neil, kapag nalaman ng lahat na isa kaming anak ng emperador sa labas? Pag-iinitan kami ng kasalukuyang empresa, si Empresa Ruby. Bakit? Mukhang mas lalo kaming napapalapit sa kapamahakan at gulo?

"Magiging libre ang kanilang pag-aaral dito, isasailalim ko iyon sa aking pangalan. Yun ay kung makakapayag ka." Tumingin sa amin si Momma, wag kang pumayag ma. Wag mo kaming ilapit sa gulo.

"Kung bibigyan niyo sila ng proteksyon, hindi ako makakatanggi diyan mahal na prinsepe." Bumilis ang tibok ng puso ko, naniniwala ang mama sa kasinungaling ginawa namin ni Neil. Na pinag-initan kami ng isang konsehal. Kaya sumang-ayon ito sa proteksyon na inaalok ng prinsepe. Pero bakit? Naglandas ang aming mga mata namin ng prinsepe. Anong nagtulak sa iyo para magkainteres sa amin ng ganito?

-

Naka-upo ako sa isang mahabang couch katabi ko si Neil, bakas ang pagkastress sa mukha ni Neil kaya naman nginitian ko siya. Magiging okay lang kami, andiyan si Momma. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa amin kahit pa malaman nitong anak kami ng isang emperador. Isa pa, hindi na rin namin kayang magsinungaling pa sakanya. Sa pinakamabilis na panahon, sasabihin na namin ito sakanya. Nang makagawa kami ng hakbang papalayo sa kalupaang ito.

"Mula kayo sa kaharian ng Finchester, kalupaan ng Humnville. Nakasaad dito sa record niyo Countess Rouch, na isa kayong ampon ng mga Rouch. At nakasaad dito na hindi kayo ikinasal sa anak ng mga batang to?" Kausap ni momma ang headmaster habang kami ay naka-upo sa sofa. Kausap din ni Lady Hanina ang headmaster. Samantalang ang prinsepe ay umalis na agad pagkatapos kaming ihatid.

"Neil..." Pagkausap ko gamit ang telekinesis.

"We will be fine." Sagot niya, ngumiti na lamang ako. Sana nga hindi kami nakilala. Lalo't na at pinapahanap parin kami ng emperador upang ipapatay. Natatandaan ko ang pagtakas namin sa Emerald Palace, kung hindi kami nakatakas malamang ay pugot na ang ulo namin. Kagaya ng sinasabi sa amin ni Mathilda, na walang pakialam sa amin ang Emperador at mas pipiliting patayin kami upang mawala ang banta sa kanilang pagkakaluklok. Kung hindi nga lang talaga banta si Mathilda, na isusumbong at ipapakalat ito sa buong emperyo noon. Malamang wala na kaming buhay, ang mas malala pa'y namatay si Mathilda. Kaya malakas ang loob ng Emperador na patayin ang mga pesteng katulad namin.

Naninindig parin ang balahibo ko tuwing naaalala ng impyernong dinanas namin sa kamay ni Mathilda. Kasalanan niya kung bakit maraming peklat si Neil sa likod, naaalala ko pa, pinaso niya ng nagbabagang kahoy si Neil sa likod. Si Neil ang sumalo ng hampas na kahoy na iyon para sa akin. Nangilid na naman ang luha sa mga mata ko at hinigpitan ang paghawak sa aking saya.

Para siyang isang demonyong, bubuksan ang pinto ng aming silid habang nakangiti. Mas nakakatakot kapag nasa katinuan siya, kapag lunod siya sa alak ay pagsasalitaan lang kami ng masasakit na salita. Pero kapag nasa katinuan siya, malala ang ginagawa niya. Minsan niya na akong bitinin patiwarik, habang tumatawa.

Napalunok ako, napakasama niya! Napahawak ako sa aking dibdib ng sumikip na naman iyon ngunit naramdaman ko ang paggulo ni Neil sa aking buhok dahilan upang mapabalik ako sa katinuan.

Nginitian ko siya ng pilit at isinandal ang aking ulo sakanyang balikat.

"Nwil..."

"Hmm?"

"Gusto ko ng tangewin."

"Bibigyan kita ng maraming tangerine, sa panahong maayos na ang lahat." Bulong niya na nagpangiti sa akin. Napapagod na ako, pero hindi ako susuko. Kase andiyan si Neil, may momma kaming mabait.

Hindi na kami nag-iisa ni Neil, nakapagpatayo na kami ng Panaderya. Hindi na ako magnanais pa ng sobra, mas gusto ko ang normal na pamumuhay.

Tumayo si mama at nakipag-kamay sa Headmaster, lumapit ito sa amin at ipinantay ang kanyang ulo. Ngumiti siya na nagpagaan sa loob ko.

"Wag kayong mag-alala, proprotektahan ko kayo sa sinumang magbibigay sa inyo ng kapahamakan. Hindi kayo nag-iisa okay?"
Hinawakan nito ang mga kamay namin, napapabulong lamang siya upang hindi kami marinig ni Lady Hanina at Headmaster na ngayon ay nag-uusap.

"Magtiwala lang kayo sa proseso, makakamit niyo rin ang hustisya sa mga magulang niyo. Sa ngayon, mas mapapabuti pang maging ligtas muna kayo sa ilalim ng paaralan at kapangyarihan ng prinsepe. Mas mapapanatag ako." Hinaplos nito ang mga pisngi namin kaya niyakap namin siya ni Neil ng mahigpit. Nangingilid na naman ang luha ko. Hindi na ako astig.

"Salamat po Momma." Ani ko, napakasuwerte ko at nakilala namin siya. Siguro nga ay tama siya, kailangan namin magtiwala sa proseso. Ngayon ay napalabas namin ang aming mga kapangyarihan at katangian.

Ngayon ay mas mahirap ang mga magdadaang pagsubok sa amin. Nakahanda na ako para don.

༺═────────────────────═༻

•『 🍊 』•  Hello everyone! 🥺 sinisipag po ako magsulat lalo na kapag may mga sumusubaybay sa kaganapan na nangyayari sa magkambal. 🥺💗 pagbigyan niyo na ako dito. I'm going to call The Emperor's Twin readers as tangerines 🍊✨
Thank you so much for reading this far! 💗

The Emperor's Twin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon