"Tara sa clinic," pinatayo kami pero ayaw bumitaw ni Joshua sa yakap niya, as if he doesn't want these guys see his teary eyes.

"Shua, bitaw muna," tinapik siya ni Jun.

"Shua," tawag din ni Jeonghan. "Hong Jisoo,"

Ako na ang nag-angat ng ulo niya. I smiled and wiped his tears. Umamo naman siya at nagpadala na rin sa pagbangon namin.

"Walang ibang makakaalam nito--" hindi na nila pinansin ang director at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo," naiiritang sambit ni Jun habang inaalis ang polo niya. Binalot niya ito sa buong braso ko.

Dinala nila kaming dalawa sa clinic, pero sa pagpasok namin ay walang tao sa loob. Pinaupo nila kaming dalawa sa higaan.

Nagtingin-tingin sila sa paligid, pero karamihan ng mga gamit sa clinic ay nasa drawer na naka-lock. "Tanginang mga nurse 'yan, sandali lang, bibili ako ng mga gamot," sambit ni Jun.

"Sama ako, bumili na rin tayo ng pagkain," suhestyon ni Jeonghan.

"Hindi Han, dapat may magbantay sa kanila," he pointed at us.

"Okay lang kami, 'wag kayong mag-alala," nakangiti kong sambit.

Napataas ang kilay ni Jeonghan. "At sa tingin mo maniniwala kami sa'yo na muntikan nang putulin ang sariling kamay?"

Napayuko ako't tumingin sa braso kong binalutan ng polo ni Jun. Nagiging pula na ang damit niya. Ganoon na ba kalala ang pagkasugat ko sa sarili ko?

But somehow, I felt satisfied when I cut myself. Parang gusto kong ulitin 'yong sakit kasi nakakalimutan ko lahat ng bagay na gumugulo sa akin, at ang iisipin ko lang ay ang hapdi ng sugat na ginawa ko.

Mali ito, unti-onti ko nang naa-adapt ang kagustuhan ni Joshua na saktan ang sarili niya!

"Okay lang ako, babalik naman kayo, 'di ba?" Pagpapakampante ko sa kanila.

"Sigurado ka?" Jeonghan asked.

I nodded. "Sure,"

Hesitant man, umalis din silang magkasama. Nang makaalis sila ay tumingin ako kay Joshua. He's just sitting on the side of the bed, silently sniffing and preventing his hiccups. Sumandal ako sa headboard at tumingin sa braso ko. Nakakatakot, hindi ko alam na kaya kong gawin ito sa sarili ko para lang makumbinsi ko siyang desidido akong sumama sa kaniya.

"Halos wala pang isang linggo no'ng huli nating pagkikita, may kumatok sa bahay ko," I suddenly started storytelling.

"Simula no'n, hiniling ko na palagi na sana okay ka lang sa malayo, sana, bumalik ka na," I chuckled.

Napalingon siya sa gawi ko nang marealize niyang nagsisimula na akong magkuwento ng nangyari sa akin habang wala siya. I should feed his curiosity. Pilitin ko mang isikreto sa kaniya ang lahat, hindi kakayanin ng konsensya kong maging dahilan pa 'yon ng pagkawala niya.

"Dalawang tao 'yon, binanggit nila 'yong pangalan ng papa ko, sabi ko "Wala na po si papa, patay na," nagulat sila no'n kasi ang alam daw nila ay walang anak si papa. Sinabi ko meron, ako,"

Umiling ako sa sarili kong kuwento, "Ay mali, tatlo pala sila, Joshua. 'Yong isa parang driver? Nakatayo lang siya sa nakaparadang kotse. Parang look out? Hindi ko alam,"

"Kahit sinabi ko nang patay na ang papa ko, nagpumilit silang pumasok. Tinulak ako ng isa para lang makapasok sila. Ang gulo ng bahay, hinalughog nila, pinipilit nilang tinatago ko lang daw ang papa ko. Pinagtatakpan ko raw kasi hindi niya kayang magbayad ng utang,"

No ShameWhere stories live. Discover now