Napabuntong hininga rin ako. Inayos ko muna ang gown kong suot. Backless siya, kulay asul. Ayokong magkulay pula at pantayan ang gown ni Aevie baka ako pa ang pagkamalang may debut kaya simple lang ang aking suot. Narinig kong bumusina sa labas ni Brooks kaya bumaba na ako.

Pagkalabas ko, nakita ko na sila ni Blue na naghihintay sa akin. Black tuxedo ang sunod ni Brooks while naman si Blue ay blue formal suit. Paborito niya talaga ang kulay asul. Pakiramdam ko si Blue ang partner ko rito. Kinuha ni Brooks ang aking kamay at ginaya papunta sa passenger seat. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang umupo. Nasa backseat si Blue, si Brooks ang driver.

Tahimik lang kaming tatlo, walang nagsasalita habang nasa biyahe. Tiningnan ko si Blue mula sa front mirror, seryoso lang ang mukha nitong nakatingin sa bintana. Ito namang si Brooks ay abala sa pagmamaneho. Hindi ko kinakaya ang ganitong pakiramdam, para kasing may mali sa dalawang ‘to.

“May problema ba?” Tanong ko sa kanila. Kahit nagsalita ako, hindi ko pa rin nakuha ang kanilang atensyon. “Hoy, may problema ba?!” Sumigaw na ako roon. Kunot noo akong tiningnan ni Brooks, si Blue naman ay nagtataka.

“Problema?” Sinandal ni Blue ang ulo niya sa car seat pillow. “Hinahanda ko lang ang aking sarili sa mga pagkain. Siguradong mapapalaban ako.” Sa kaniyang sagot, binato siya ni Brooks ng mineral bottle. Natawa ako dahil doon. Kung ganito sila lagi, edi hindi ako magtatanong, duh.

Nang makarating na kami sa venue, agad akong bumaba. Ang daming tao sa entrance, pansin ko ring may red carpet. Agad akong humiwalay kila Brooks baka kasi nandiyan lang sa paligid sila Thrale. Humarap ako sa kanila nang makatapak ako sa red carpet, sumenyas silang pumasok na ako sa loob. Maglalakad na sana nang magvibrate ang aking cellphone. Tiningnan ko iyon, may mensahe.

‘You look lovely tonight.’

— Mr. X

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Agad kong nilibot ang aking mga tingin. Napayakap nalang ako sa aking sarili dahil pakiramdam ko may isang lalaking nakatitig sa akin. Muling nagvibrate ang aking phone, nanginginig akong tiningnan ito.

‘Even if you don’t look at my face, I can still see your beautiful face.’

— Mr. X

Napatingin ako kila Brooks, nagtataka ang kanilang mga tingin. Binalik ko ang atensyon ko sa cellphone, tinawagan ko ang cellphone number nito pero can’t dial. Sino ‘tong lalaking ‘to? Tumingin muli ako sa kanila, sumenyas muli silang pumasok na ako pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Ngumiti si Brooks sa akin, sumenyas siyang kakausapin niya ako pagkatapos niyang puntahan si Thrale.

Gumaan ang aking loob, pumasok na ako. Pinakita ko ang aking invitation sa isang staff. Hanging gardens nga ang venue ni Aevie, sobrang ganda. Naglakad akong mag-isa dahil wala naman akong kasamang pumasok. Nilibot ko ang aking mga mata, may kaniya-kaniya silang grupo sa pakikipag-usap. Umupo ako sa isang lamesa na ako lang ang mag-isa. Kumuha ako ng drinks sa isang waiter at ininom iyon.

Napatingin ako sa mga naglalakad, nakita kong magkasama sila Brooks at Blue. Hindi sila dumiretso sa akin, dumiretso sila sa table nila Thrale. Sa table na iyon, nandodoon sila Gio, Elkhurt, Ryke, Brooks, Blue, Thrale, Arella at Anissa.  Sa kabilang gilid ko naman, nakita ko sila Faru, Nafe at Isla, inbitado pala sila. Napahinga ako nang malalim, may nararamdaman akong kalungkutan pero hindi ko iyon pinansin.

Tiningnan ko nalang ang spot light, kung saan-saan kasi iyon tumututok. Hindi pa kasi nag-uumpisa, sa pagsunod ko ng tingin. Napunta iyon kay Thrale, halos masamid ako dahil nakatingin pala siya sa akin. Umiwas ako ng tingin, kumuha ng tissue at pinunasan ang bibig. Kumalma ako nang makita kong kausap niya na si Arella.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now