Chapter 16: Absence

Start from the beginning
                                    

"Maganda. Good choice of color," pauna niyang wika. "So far, maganda naman, pero may nakikita akong uneccesary details na nagpaparumi sa art. 'Di ito mapapansin ng mga ordinaryong tao pero sa mata ng isang artist na kagaya natin, marami. Ito. Ito. Ito rin. Ito pa," dugtong niya pa at tinuro ang bawat mali kong nagawa bagay na akin naming tinanguan. "Next time, improve mo ito. Maganda istilo ng pagpinta mo, Hendrix. Pinagmamasdan kita kanina knowing some of your works were always on bid. Maganda, maganda."

"Thank you po, Prof."

"You're welcome."

Sa pagtakbo ng oras ay tuluyan na kaming natapos lahat. Pinag-break na kami para kumain. Buong akala ko nga ay makikita ko si Foreigner guy rito pagkababa ko subalit wala siya at sina Tyson at Ryker lang ang nakita ko. Tinanong ko pa sila kung pumasok si Lorenz at hindi nga raw kaya naman nagkibit-balikat na lang ako.

Hindi nga siya pumasok. Nakokonsensiya tuloy ako. Geez.

***

"That's all for today, class. Thank you and you may now leave."

Bitbit ang aking bag at case ng art materials, nakisabay na ako sa mga kaklase kong nagsisilabasan na para umuwi. Kagaya rin kahapon ay maaga akong nagising para pumasok. Sinabi ko sa sarili ko na makikinig ako nang maigi pero siguro hindi muna ngayon dala ng pag-aalala ko. Absen pa rin kasi hanggang ngayon si Lorenz kaya magdamag akong binabagabag. Hindi ako mapakali kanina pa.

Habang naglalakad sa kalagitnaan ng quadrangle ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kung kaya agad ko itong kinuha. Nag-message si Lauren.

Lauren Belle Delos Rios

Lauren
Cuz, maaga kaming nag-dimiss. Sabay tayo umuwi.

Destiny
San ka na ba?

Lauren
Nasa baba na rin ako. Sa RW

Hindi na ako nagtipa ng reply at nagmadaling naglakad papunta ro'n. Nang matanaw si Lauren sa 'di kalayuan ay dali-dali akong tumungo sa kaniya. Nakatayo siya sa may isang gilid habang nakatutok sa kaniyang phone.

"Lauren," tawag ko sa kaniya.

"Sis!" tugon niya pabalik at basta na lang ako sinunggaban ng mahigpit na yakap. "Cuz, ang tagal na nating 'di nagsabay." Kumawala na siya sa pagkakayakap at umaktong parang bata.

Nanatili lang payak ang ekspresyon ng mukha ko. Hindi ko alam kung sa'n ako magsisimula ng usapin namin ni Lauren.

"Parang malungkot ka yata?" tanong niya.

"Ha?"

"Ba't parang ang lungkot mo? May nangyari ba?" pag-uulit niya sa kaniyang tanong.

"W-Wala, ah. Pagod lang ako," iling ko namang sagot.

"Buti naman. Akala ko meron, eh. O siya, tara na't umuwi na tayo," aniya pa't tinanguan ko na lang.

Nagpatiuna si Lauren sa paglalakad na sinundan ko naman. Hawak ko ang laylayan ng aking bag habang nakatuon sa ibaba ang tingin sa kalagitnaan ng paglalakad. Geez. I can't stop thinking about him. I'm very worried. Kahapon pa siya absent.

"Wait lang, Cuz," pag-agaw atensyon sa 'kin ni Lauren. "Kahapon saka ngayon, 'di ko nakita si Lorenz. Absent ba siya?"

Mabilis namang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang tinanong niya. Kaagad na umangat ang tingin ko sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy ay umurong ang dila ko. "Ewan ko."

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerOn viuen les histories. Descobreix ara