Ngumunguso pa iyon at iparirinig sa akin ang peymus line niyang, "Hmp! Hindi mo na ako lab! Galit ka na sa akin forever!"

Imagine-in ninyo 'yong boses, ha? Tapos tatalikod pa iyon sa akin nang magka-krus ang mga braso.

Utang na labas! Aliw na aliw ako kapag ganoon na siya.

Ending, ako ang naglalambing tapos magbe-baby talk pa iyon at maglalabas kuno ng feelings niyang valid naman palagi para sa akin.

Hindi ko siya tinatanong, "Bakit ka ba ganiyan?"

Hindi tamang itanong iyon sa isang tao dahil parang ini-invalidate mo ang nararamdaman niya. Ang pagkatao niya.

Pinili nating pakisamahan o mahalin ang isang tao kaya wala tayong karapatang magreklamo kung bakit ganoon siya.

Sa amin ni Adria, aminado akong marami rin akong pag-uugali o ginagawang hindi naaayon sa kagustuhan niya. Siyempre, magkaibang tae kami, eh.

Una sa lahat, madalas akong magbiro.

Aliw na aliw naman siya sa mga patutsada ko pero naiinis din iyon kapag hindi ko naseseryoso o sineseryoso ang ibang bagay kasi palagi ko raw idinadaan sa ka-kengkoy-an.

Ang immature daw ng mga galawan ko minsan. Ang laki-laki ko raw na tao pero parang timang naman. Hindi ako na-o-offend doon kasi sanay na ako sa mga side comments niya. Tinatawanan ko nga palagi.

Eh kupal ako. Matigas din ang ulo ko. Kaya ayon, sa kabilang kuwarto ako natutulog minsan. At least hindi sa labas ng bahay. 

Pangalawa, masyado siyang mabusisi sa mga gamit kong nakakalat pero kapag iyong gamit niya ang nadadatnan ko kung saan-saan, wala naman siyang naririnig sa akin.

May oras na iirapan ako n'on tapos sasabihing, "Ginagawa mo naman akong katutels here. Ayusin mo rin kaya mga fings mo."

Katutels = katulong

Fings = things

Ganiyan talaga siya magsalita sa totoong buhay, mga p're. May sarili kaming diksyunaryo sa loob ng bahay.

Todo sunod naman ako kasi ayaw kong nanlalaki ang mga butas ng ilong ni Kumander.

Para rin siyang si Mamme—maasikaso sa akin at sa bahay.

Sa umaga, mas nauuna siyang magising. Maghahanda siya ng pagkain namin. Kape at pandesal lang, katalo na.

Pero may oras na nagsasangag siya n'ong natirang kanin o 'di kaya magsasaing nang panibago tapos magpiprito ng itlog, hakdog o kung ano mang abeylabol. Minsan kinakain na lang din namin ang bawat isa before werk.

Pagkaligo ko, makikita ko na lang na nakalatag na sa kama iyong mga isusuot kong damit. Alam na alam na niya ang pormahan ko pati paborito kong kulay ng brip at boxers (itim o gray lang naman palagi).

Minsan nga matatawa pa iyon at aasarin ako. Mukha raw kasing paulit-ulit ang damit ko.

Aba'y masisisi niya ba ako kung puro earth colors ang makikita sa kabinet ko?

Kung hindi putiitim, gray, dark blue, dark blue na medyo kupas, dark green na parang lumot, dark na dark na green, maroon, dark na dark na maroon, basta puro dark.

Kung may striped man o printed, sobrang bihira ko lang bumili at magsuot no'n. Bilang lang sa kamay.

Mukha na rin daw akong model ng Tide kasi palaging puti ang naiisipan kong isuot.

Bakit ba? Iyon ang presko, eh. Saka para mukhang good boy.

Kupal na nga ang itsura ko, pati pormahan kupal din? Huwag ganoon.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Onde histórias criam vida. Descubra agora