•Oh Sehun•

Biglang tumahimik. Tumingin ako kay Luhan. Kaya pala, natulog na ang usa ko. Ito na yung chance ko para mahawakan ng matagal ang kamay niya.

Ang sarap niyang pagmasdan. Pati ba naman ang pagtulog niya, ang ganda pa rin sa paningin ko. Lakas talaga ng tama ko dito. Sabagay, wala naman talagang dahilan para hindi mo siya magustuhan. Mabait, matalino at sobrang sipag. Hindi marunog gumanti sa mga umaapi sakanya. Kaya nga, nagbago ako bigla.

Binago niya ako.

Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya. Kung hindi ko siguro naalam na nage-exist siya hindi ko makikilala yung sarili ko. Hindi ko maa-alam na pwede pala rin akong magbago. Thanks to him. Thanks to you, Luhan. Nang dahil sa'yo naturuan yung puso ko na magmahal.

Kahit na slow ka, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit...mahal kita ngayon.

"Hoy, Sehun!"

At alam niyo ba yung feeling na nasa kalagitnaan ka na ng pagmo-moment mo biglang may eentra at eepal?

"Sehun!"

At tulad ng inaasahan ko. Si putanginang Chanyeol lang naman ang pumutol sa ka-dramahan ko.

"Ano bang kailangan mo?! Tangina!" Pabulong kong sigaw. Syempre, ayokong magising usa ko.

"Hinahanap ka na ni Kuya mo. Tsaka ano bang nangyari kay Luhan?"

Binitawan ko muna kamay ni Luhan saka ko hinila palabas si Chanyeol.

"Tangina naman, Chanyeol. May sakit si Luhan. Ang taas ng lagnat niya. Sabihin mo na lang kay Kuya."

"Gano'n ba? Oh sige, sasabihin ko na lang. Ikaw naman kasi 'di mo sinasabi kung anong nangyari, akala tuloy 'di ka pumunta."

"Sige na, sige na, istorbo ka eh. Sabihin mo na lang kay kuya." Tinulak ko siya hanggang sa makaalis siya.

Nang makabalik ako sa loob. Nagising si Luhan. Sabi na nga ba at magigising 'to eh. Nyeta talaga si Chanyeol.

"S-sehun.."

"Bakit? May kailangan ka ba? Nagugutom ka? Aish! 12 na pala. Lunch na. Teka lang. Diyan ka lang. Humiga ka muna. Bibili muna ako ng pagkain."

"T-teka.."

"Luhan, 'wag na matigas ang ulo." Wala naman siyang nagawa. Nahiga na lang din siya. Sigurado ako masama pa ang pakiramdam niya.

Dumiretso ako sa canteen. Sumingit na nga ako sa pila eh. Wala silang masasabi sa'kin dahil ako ang may-ari ng academy na 'to. Subukan lang nila mag-reklamo, kick-out sila agad.

"Sehun? Ang dami niyan, ha? Para kanino?" Tanong ni Kuya Kyungsoo nang makasalubong ko siya.

"Para kay Luhan, Kuya. May sakit siya."

"Ano?!"

"Teka, dadalhin ko sakanya 'to. Nagugutom na 'yon eh. Sige na. Bye!"

Agad akong nakadating sa clinic. Pero agad na bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko si Suho. Bakit siya nandito?!

"Okay ka na ba talaga? Ito oh. Pagkain." Nakita ko na meron siyang dinalang pagkain para kay Luhan. At parang lumabas pa siya para lang bumili non.

"Nako, salamat. Pero kasi--!"

"Luhan, 'wag ka nang madaldal. Kumain ka na lang."

Bigla namang dumako ang tingin sa'kin ni Luhan. Pero ako umiwas na lang ng tingin. Wala na akong nagawa kundi lumabas na lang.

Baka sumabog na lang ako bigla at nasuntok ko na si Suho. Ayokong matakot si Luhan sa'kin. Ayokong kamuhian niya ako.

Kaya ito, umupo na lang ako sa bench na nasa harap ng clinic. Binato ko na lang at sandamakmak na pagkain na binili ko para kay Luhan. Nakakainis!

"Sehun.."

Napalingon naman ako sa tumawag sa'kin. Si Xiumin.

"Sayang naman yung pagkain.." Sabi niya tapos umupo sa tabi ko. "Bakit mo tinapon?"

"Wala na rin namang makikinabang eh. Naunahan nanaman ako. Lagi na lang ako nauunahan."

"Si Luhan nanaman." Hindi na lang ako sumagot. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Sehun, basta nabigay mo ang effort mo para lang maparamdam sakanya na mahalaga siya, okay na 'yon. Hindi mo kailangan mauna nang mauna lagi. Dahil hindi lahat ng una, nagsa-succeed. Kadalasan ang huli ang nakakatanggap ng totoong tagumpay."

Napatingin naman ako sakanya. "Talaga?"

Ngumiti naman siya sa'kin. "Oo. Kaya, ikaw? Kung seryoso ka talaga sa bestfriend ko, patunayan mo. Hindi yung nakikipag-unahan ka lagi. Iwasan mo 'yon. Basta nabigay mo effort mo, sapat na 'yon."

"Thank you, Xiumin." Ngumiti ako sakanya.

"Mabait ka naman pala eh. Kailangan mo lang talaga si Luhan para maipakita 'yang kabaitan mo. Tama nga si Kyungsoo, iba na ang tama mo kay Luhan." Napangiti lang ako. Mabait si Xiumin. Kasing-bait ni Luhan. No wonder naging mag-bestfriend silang dalawa.

•Xi Luhan•

Nag-aalala ako kay Sehun. Alam kong dinalhan niya ako ng pagkain. Ayon nga dapat ang sasabihin ko kay Suho pero wala na akong nagawa dahil pinilit niya ako. At huli na dahil umalis na si Sehun.

Alam kong nag-effort si Sehun para lang bilhan ako ng pagkain. Pero sinayang ko lang.

Bumangon agad ako. Wala na si Suho, kanina pa umalis. Pupuntahan daw muna niya si Chen. Kaya wala nang pipigil sa'kin.

Kahit medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko, hinanap ko pa rin si Sehun. Kailangan ko siyang hanapin. Kailangan kong mag-sorry sakanya.

"Sehun, nasa'n ka na ba?" Sambit ko habang naglalakad at hinahanap siya. Asa'n na ba kasi yung bulol na 'yon?

"Luhan?"

Napalingon naman agad ako sa likod ko. Nakita ko si Sehun habang nakatago ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.

Tumakbo naman ako sakanya at niyakap siya agad. "Sorry, Sehun. Sorry talaga. Alam kong marami ang binili mong pagkain kanina. Nasayang lang pera mo nang dahil sa'kin. Sorry talaga."

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "Stupid."

Humiwalay ako sa yakap. "Bakit nanaman?"

"Mas inisip mo pa talaga yung pera kesa sa naramdaman ko, Luhan?" Napakunot naman noo ko. "Alam ko hindi mo nanaman gets. Luhan, wala lang sa'kin yung pera. Kung gusto mo nga bilhin ko lahat ng pagkain na gusto mo eh. Pero alam mo kung ano yung masakit? Yung naunahan ako.."

"Naunahan ka?"

"Oo. Naunahan nanaman ako ni Suho. Dapat ako 'yon, Luhan eh. Dapat ako 'yon. Yung kasalo mo kanina habang kumakain. Yung nakikipag-kwentuhan sa'yo habang kumakain. That should be me, Luhan."

Niyakap ko naman siya ulit. "Sorry na, Sehun. Promise, babawi talaga ako sa'yo. Promise talaga!"

---

He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon