Kabanata 7: Tira-Tira

471 4 0
                                    

EVERLEIGH

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

EVERLEIGH

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Inabot 'ko ang aking kamay na agad naman niyang tinanggap. Nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng magdikit ang aking mga kamay. Tila kilala na niya ako sa kaniyang mga titig.

"Salamat dahil pinili mo ang school namin para tuparin ang iyong adbokasiya." sambit 'ko sa kaniya. Iba ang pakiramdam 'ko sa babaeng ito dahil na rin siguro sa kaniyang mga titig na hindi 'ko malaman ang dahilan.

"Salamat din po at tinanggap niyo." tugon niya at sabay kaming napatingin sa likod dahil sa pagbukas ng pinto. Pumasok dito ang kaniyang mga kasama na tila nahihiya pa dahil sa biglang pagpasok.

"Maupo muna kayo para mapagusapan natin ang mga activities." sambit 'ko at bumalik na ng upo sa aking swivel chair. Ang babae at ang aking co-teacher  ay naupo sa upuan na nasa aking harapan samantalang ang iba nilang kasama ay sofa nalang naupo.

Sinimulan na naming pagusapan kung paano ang magiging takbo ng kanilang gagawin. Sila ay pupunta sa bawat classroom upang ipaliwanag sa mga estudyante ang hindi mabuting dulot ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa isang paaralan.

Hindi naman kailangan na nandoon ako habang ginagawa nila iyon. Ang kailangan lang nila ay ang aking permiso.

"Salamat po ma'am, mauna na po kami." sambit ni maxine. Nalaman 'ko na ang kaniyang pangalan dahil sa kaniyang pagpapakilala.

Lumabas na sila ng aking opisina upang simulan na ang kanilang gagawin. Gagawin nila ito ng dalawang araw dahil hindi naman nila pwedeng igugol ang buong oras nila sa paaralan. Naghanda na rin ako upang pumunta sa classroom na aking tuturuan. Habang naglalakad ako ay may narinig ako ng ingay mula sa computer laboratory kaya agad akong sumilip sa bintana.

Nakita 'ko ang isa sa aking mga estudyante na nakaupo sa sahig habang nakatingin sa grupo ng mga babae. Faith ang kaniyang pangalan. Ito 'yung estudyante 'ko na madalas nagiging absent dahil sa paghihiwalay ng kaniyang magulang.

"Kaya siguro pinalitan ng tatay mo ang nanay mo dahil mukha na siyang losyang." sambit ng babae sa aking estudyante. Nais 'ko silang pigilan ngunit napaisip ako sa kaniyang sinabi. Gano'n ba talaga kababaw ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag asawa?

Nanlaki ang aking mata ng biglang sampalin nang babae ang aking estudyante. Agad akong pumunta sa pintuan at mabilis na pumasok sa loob.

"Anong section kayo!" sigaw 'ko sa mga estudyante na kita mo ang gulat sa mga mukha dahil sa aking biglang pagpasok. Alam 'ko na mas masakit ang salita ngunit mas sumasakit kapag sinasaktan ka na ng pisikal.

Hindi nila ako pinansin at agad na nilagpasan. Tumakbo ako papunta kay faith kahit nakasuot ako ng mataas na sapatos. Tinulungan 'ko siyang tumayo at nakita na hindi niya ako matignan.

"Nasaktan ka ba?" tanong 'ko sa kaniyang habang hinahagod ang kaniyang buhok. Tinitigan 'ko ang kaniyang mukha at nakita na wala manlang siyang luha.

"Sanay na ako sa kanila." seryoso niyang saad. Tama ang aking hinala, hinahayaan na lang niya na gawin sa kaniya ito dahil sa tingin niya tama ang kanilang sinasabi.

Hindi na niya na ako pinagsalita at agad iniwan sa lugar. Kinalma 'ko ang aking isip at mabilis na pumunta sa aking classroom. Nagsimula na akong magturo at hindi maiwasang mapatingin kay faith ngunit agad din naman siyang umiiwas sa tuwing nakikita akong nakatingin.

Narinig 'ko na ang bell hudyat na break na ng mga estudyante. Lumabas na ako ng classroom upang bumalik sa aking opisina. Malayo pa lang ay kita 'ko na si maxine na nagaabang sa harap ng pintuan ng aking opisina.

"May kailangan pa kayo?" tanong 'ko sa kanila. Hirap talaga kapag nakapangako ka sa isang bagay, dapat mo itong gawin sa ayaw at sa gusto mo.

"Kukuha lang po kami ng ilang litrato para sa document." sambit niya at tinanguan 'ko lang siya. Binuksan 'ko ang pintuan at naunang pumasok. Sumunod sila sa akin sa loob at bago pa lang ako uupo sa aking swivel chair ay narinig 'ko na may tumatawag sa aking cellphone. Kinuha 'ko ito sa aking bulsa at napayuko dahil sumama ang lipstick na kulay pula na mabilis bumagsak sa sahig. Dinampot 'ko ito at napatingin sa mukha ni maxine.

Napansin 'ko ang gulat sa kaniyang mukha na tila alam niya kung kanino ang lipsick na ito. Pinatong 'ko ito sa lamesa at sinagot ang tawag. Mula ito sa paaralan ni nathalia at kailangan ako doon para sa paparating na meeting. Nagsimula na sila sa pagkuha ng litrato at ang iba ay kasama ako.

"Mahilig din po pala kayo sa ganiyang lipstick." tanong ni maxine dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. Ang kaniyang mga kasama ay tinitignan ang mga litrato na kanilang kinunan.

"Sa totoo lang hindi ako mahilig sa pula, kaya nga itatapon 'ko na 'to." saad 'ko at kinuha ang lipstick na nasa lamesa at agad na tinapon sa maliit 'kong basurahan. Nakita 'ko ang pagbabago sa ekspresyon ni maxine. Mukhang mahilig siya sa pulang lipstick.

"Sayang naman, favorite brand 'ko pa naman 'yan." tugon sa akin ni maxine. May mga tao talaga na magaan ang ating pakiramdam sa tuwing nakikita natin ngunit itong si maxine ay naiiba ang aking pakiramdam.

"Bakit gusto mo bang gamitin ang nagamit 'ko na?" seryoso 'kong tanong sa kaniya. Maari niyang sabihin na favorite niyang brand iyon ng lipstick ngunit mali na sabihin niya na sayang dahil nangangahulugan ito na nais pa niyang gamitin at pakinabangan.

"Syempre ayaw naman natin sa tira-tira." natatawa niyang sambit kaya natawa na rin ako. Mukha lang kaming nagbibiruan ngunit tila may bala ang bawat salita na aming binibitiwan. Nakakilos ako ng maayos ng umalis na sila sa aking opisina. Babalik pa sila bukas kaya panibagong pakikisama na naman ang aking gagawin.

The President's Mistress [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora