Pangarap Na Bituin

153 11 6
                                    

Batid kong mahirap
Ang daan tungo sa pangarap
Subalit hindi ito dapat hadlang
Upang abutin ang inaasam

Minsan ikaw ay mapapatid
Kahit sa lansangang matuwid
Ngunit sa bawat pagbangon
Dala-dala'y pag-asa ng kahapon

Hindi man maiwasan ang suliranin
Ito ay malalagpasan din
Dahil sa rurok ng iyong mithiin
Masisilayan ang ningning ng mga bituin

Kaya nama'y kahit gaano pa kalayo
Magpatuloy ka't huwag susuko
Sapagkat ang tamis ng tagumpay
Doon sa dulo'y naghihintay.

Sentiments...Where stories live. Discover now