[STWHB] Step 6

17.4K 363 21
                                    

Paano yan, Navarro? It’s GAME OVER. Talo ka. You didn’t win her back. I said to myself, accepting my own defeat. Ang gago ko kasi. Ang bilis kong sumuko. Ngayon wala na talaga akong magagawa kundi ang makita kung paano siya maging masaya sa piling ng iba. 

“Tangina!” napamura ako nang biglang may humawak sa’kin habang binubuksan ko ang sasakyan ko. Inilagay nila sa likod ang mga kamay ko at naramdaman ko ang malamig na bakal na ikinabit nila.

“Pasensya na, Insan. Pero kailangan mong sumama sa’min.”

“Gago ka, Hyatt! Pakawalan mo ‘ko.” nagpumiglas ako pero lalo lang akong nasasaktan dahil sa mga posas. “Tangina mo. Humanda ka sa’kin pag nakawala ako dito.” ilang beses ko siyang pinagmumura lalo na nang takpan niya ng piring ang mga mata ko.

“Isakay mo na yan.”

Lalong kumulo ang dugo ko nang mabosesan ko si Ace. “Putang ina niyong dalawa!” malutong kong mura at tinawanan lang nila ako. Akala yata nila ay nagbibiro ako. Nananahimik ako tapos bigla na lang nila ‘ko idadamay sa kalokohan nila.

“Sorry, Dude, gusto lang din namin na maging masaya si Chastine kaya namin ‘to ginagawa.”

“Kung iniisip niyo na mangugulo ako sa kasal niya, tangina niyo. Wala akong balak manggulo. Tangina naman, oh! Kailangan niyo ba talaga akong lagyan ng blindfold at posas?!” I asked exasperatedly.

“Hindi naman. Naninigurado lang.” sagot ni Hyatt.

“Kalagan mo na yan. Baka lalong magwala yan. Sumasakit na tenga ko sa kakamura ng gagong yan.” Ace

“Tanga ka ba? Edi binugbog tayo nito kapag pinakawalan ko.”

“Tutukan mo ng baril.” seryosong sagot ni Ace.

“Mga gago!” sigaw ko. Nakakairita ‘tong mga gagong ‘to. Mga bakla yata. “Tangina niyo talaga. Kapag hindi niyo ko pinakawalan ngayon ililibing ko kayo ng buhay kapag nakawala ako dito.”

“Bumabalik na naman pagiging mainitin ng ulo mo, Insan.” sabi ni Hyatt habang inaalis ang posas sa mga kamay ko.

Kaagad kong inalis ang blindfold nang matanggal ang posas ko saka ko siya kinuwelyuhan at sinapak.

“Mga gago kayo, ‘wag niyo kong idamay sa mga kalokohan niyo!”

“Chill lang, Bro.” sabi ni Ace na nagddrive.

“Akala ko ba pupunta ka ng Cebu?” singhal ko.

“Oo nga. At isasama ka namin.” seryosong sabi niya.

“Ihinto mo ‘to. Bababa ako. Wala akong panahon sa mga kagaguhan niyo.” madiin kong sabi.

“Tanginang ‘to! Ikaw na nga tinutulungan mananapak ka pa.” reklamo ni Hyatt saka ako sinuntok. “Paganti lang bago ang kasal mo.”

“Anong pinagsasabi mo diyan?!” galit kong tanong. Iniinsulto yata ako ng gagong ‘to.

“Manahimik ka na nga lang diyan at sumama ka sa’min. Para kang babaeng di mapaanak.”

Nang makarating kami ng Cebu ay isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa’min. Yung gagong lalaki ni Chastine. Nakuyom ko ang mga kamao ko at huminga ako ng malalim.

“Anong kalokohan ‘to?” tanong ko sa dalawa kong kasama.

“Ang bobo naman nito, oh. Pinsan ba talaga kita?” Hyatt.

“Ipinapaubaya ko na sa’yo si Lira.” sabi nung Nate kaya natigilan ako sa akma kong pagsuntok kay Hyatt.

“Anong sabi mo? Pakiulit nga!” imbes na matuwa ay lalo akong naasar sa kanya. Gago pala talaga ‘to, eh. Siya na nga yung pinili ni Chastine tapos isusuko niya ito ng ganun ganun lang? Tangina. Hindi ba niya alam kung gaano ko pinangarap ang kinalalagyan niya ngayon?

“Pareho nating mahal si Lira. At pareho din nating alam kung sino ang makakapagpasaya sa kanya, Mr Navarro. Ikaw yun. You deserve her more than I do.”

“Eh, tarantado ka pala talaga, eh! Alam mo bang masasaktan lang siya diyan sa gagawin mo?! Malinaw na ang lahat sa’kin. Ikaw na ang mahal at hindi ako! At gusto kong maging masaya siya kahit hindi sa piling ko. Naiintindihan mo ba?!” hinawakan ko siya sa kwelyo. “H’wag mong paiiyakin si Chastine, dahil kung hindi, ako mismo ang huhukay sa libingan mo.” seryosong banta ko saka ako umalis.

Nakakagago lang talaga ang buhay. May mga tao na hindi alam kung ano ang meron sila at hindi ito pinahahalagahan. Hindi nila alam na marami ang naghahangad ng bagay na iyon tapos sasayangin lang nila.

Kahit gusto kong patulan ang sinabi ng gagong yun ay hindi ko ginawa. Chastine wants me out of her life. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko. May mga bagay talaga na kahit anong pilit mo kung hindi ito para sa’yo hinding hindi ito mapapasayo.

Baka mamaya ay bigla na lang siyang tumakbo palayo kapag nakita niyang ako ang naghihintay sa kanya sa may altar. Ayokong sirain ang pinakamasayang araw sa buhay niya kahit ito na ang pinaka masakit sa’kin.

I wanna go back to the way we used to be

I wanna feel your skin, your lips so close to me

I wanna go back when I called you mine all the time

Every smile, and every moment

If I only have a time machine

I watched painfully as she started walking down the isle. Sana nga ay mayroon akong time machine at pwede akong bumalik sa panahon na akin pa siya. Sana noong unang beses ko pa lang siyang nakita ay pinakasalan ko na siya kaagad. I shouldn’t have wasted any time. I was too confident back then that she will never leave me. Kung pwede ko lang talagang ibalik ang nakaraan, I’ll make sure that we will never say goodbye. I wish I can still make her mine.

 Ano bang ginagawa ko dito? Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang bigla siyang huminto. Saktong sa tapat ko pa. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan pa ng matagal ang maganda niyang mukha sa huling pagkakataon.

Ang ganda ganda niya ngayon. She’s the most beautiful bride in the world. I felt my heart clenched as realization hit me. Oo nga at napaka ganda niyang bride, ang kaso she’s not my bride. Hindi ako ang lalaking naghihintay sa kanya sa may altar dahil isa akong malaking gago.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo nang may narinig ako na nagpatigil sa’kin at gumising sa’kin sa kagaguhan ko.

“Mukhang hindi masaya yung bride.” komento ng isang guest.

“Jusko. Naloka nga ako kanina dahil iyak ng iyak habang inaayusan ko.” sagot naman ng katabi nitong bakla.

Tinignan ko ulit si Chastine na nakatayo pa rin kung saan siya huminto. Parang nagdadalawang isip ito kung tutuloy sa paglalakad o hindi. Just stop there, Chastine. Hiniling ko na sana ay magbago ang isip niya at tumakbo na lang palayo saka ko siya hahabulin para akin na lang siya ulit. Ngunit bigla akong nanlumo nang ihakbang niya ang paa niya para magpatuloy sa paglalakad. Napailing ako. Ano pa bang inaasahan ko?

Nabigla ako nang may humila sa’kin at bigla akong sinuntok. Gaganti pa sana ako kaso natigilan ako nang makita ko kung sino ito. Si Guiraud.

“Hindi ko alam na duwag pala ang taong minahal ng Ate ko.” sabi niya at sinapak ulit ako. Hindi na lang ako gumanti. I deserve it. Actually, I deserve more than that. I’m an asshole.

“Ipinagkatiwala ko sa’yo si Chas dahil akala ko seryoso ka sa kanya at kaya mo siyang ipaglaban. Pero nagkamali ako.” he sighed.

“Hindi mo ba nakita na hindi siya masaya?!” galit na tanong nito.

“Ano? Tatanga ka na lang diyan at ipagpapatuloy ang pagiging gago?”

“I don’t deserve your sister. She doesn’t love me anymore.” I sadly replied. I expelled a heavy breath as I turned on my heel and walked away.

“Yeah, you’re right. Chas doesn’t deserve a stupid asshole like you.”

27 Steps to His Bed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon