Chapt. 13

371K 3.3K 636
                                    

“Anong ginagawa mo kasama si Bryan?” , nakakatakot ang way ng pananalita nya ngayon. Paano nya nalaman yun? Eh diba busy naman sya nung araw nay un kaya di maaaring sumunod sya sa amin. “Angela, sumagot ka!” , nabigla ako sa pag sigaw nya.

“Ah-eh ano kasi –“ , agad nya naman pinutol yung sasabihin ko.

“Hindi lang ako nakasama sayo pagtataksilan mo agad ako?! Wag mo naman sana akong lokohin! Kasi ni minsan di ko nagawa sayo yun!” , puro sigaw nalang ang naririnig ko. Andito kami ngayon sa condo ko. Nagtext kasi sya sakin na kailangan daw naming mag-usap na dalawa kaya pinapunta ko nalang sya dito.

“Hon sorry.” , yan nalang ang lumabas sa bibig ko.

“Wag mo ko tawaging hon! Wala kang karapatan para tawagin akong hon! Manloloko ka! Mang-gagamit ka pa! Napaka –“ , di ko na sya pinatapos sa pagsasalita nya at nasampal ko na sya ng di oras. Masyadong masakit yung mga binibitiwan nyang salita. Mahal ko si Bryan oo, pero ni isang beses di ko sya ginamit dahil lahat ng ipinapakita ko sa kanya totoo!

“Ang sakit mo magsalita! Wala kang alam! Hindi kita ginamit at mas lalong hindi kita niloloko! Lahat ng ginawa ko kasama ko totoo yun! Nagpakatotoo ako sayo!” , sagot ko sa kanya. Grabe ang sakit ng dibdib. Ang bigat masyado!

Nabigla ako ng bigla nyang hawakan yung magkabila kong pisngi. Pero tinanggal ko din agad yung pagkakahawak nya. Sa sobrang sama ng loob ko di ko namalayan na naiyak nap ala ako.

“I’m sorry AG honey.” , sabi nya sabay yakap sakin ng mahigpit. “Nabigla lang ako. I’m sorry. AG honey.” , pagsusuyo nya sa akin. Pero kumalas din ako sa pagkayakap nya.

“Umalis kana. Ayoko muna ng may kasama.”

“Hon wag ka naman ganyan. Sorry, ayoko lang kasi ng may kaagaw sayo. Gusto ko akin ka lang AG.” , dirediretso nyang sabi. Hindi ko nalang sya pinansin at dumiretso nalang ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto.

Nahiga nalang ako sa aking kama at sa di ko namalay ay nakatulog na din ako. Nagising ako ng mga 2:24am upang mag-cr. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Kleo nasa sahig tulog.

“Abnormal! Pinapauwi ko hindi pala umuwi.” , sabi ko sa sarili ko. Dumiretso muna ako sac r pagkatapos ay ginising ko sya.

“Kleo! Gising.” , agad naman itong nagising ng tawagin ko ito.

“Hubarin mo muna sapatos mo.” , utos ko sa kanya at agad nya naman itong sinunod. Halata sa kilos nya na antok na antok sya.

“Tayo jan. Dun ka sa kwarto ko matutulog.” , sabi ko sa kanya. Since nakatabi ko na naman sya noon wala ng problem ngayon. At ang loko parang nagising ang diwa.

“Talaga hon?” , tuwang-tuwa nyang sabi. “Wag kana puro dada jan at matulog kana dito.” , sabi ko sa kanya at agad naman syang sumunod sa akin.

“I’m sorry AG.” Bulong nya sakin tsaka nya ako niyakap.

Nagising ako ng matamaan ng sinag ng araw yung mukha ko.

My Hot Professor (SPG) -- "COMPLETED"Where stories live. Discover now