"E, itong Instagram mo? Ano 'to?" tanong ko.

"To heart your posted pictures?" tuluyan na akong hindi nakapagsalita at kaunti na lang talaga ay bibigay na ako sa lalaking 'to.

Tumikhim ako at kinuha ang cellphone ko sa may lamesa. Hindi naman masama na ang babae ang mag-first move, 'di ba?

Sa halos mga araw na magkasama kami ni Amadeus ay tuluyan na ngang bumalik ang fourteen years old version ko. Iyong gustong-gusto si Amadeus na wala ng pakialam kung ako pa ang mag-initiate ng lahat. Dahil naiisip ko noon na hindi naman dapat lalaki lagi ang mag-first move. It should be the girls too.

Wala ng babae babae. Kapag gusto mo i-grab mo na!

But I think it's still depend on the person. Kapag malakas ang loob mo ay baka nga magawa mo 'yon. Not all people have the courage to tell their feelings to the person they like. 

Yung iba torpe, nahihiya at marami pang ibang dahilan ng hindi nila pag-amin. Siguro isa lang talaga ako sa sinuwerte na may lakas ng loob para umamin noon sa kanya.

"Give me your number," lakas loob kong sabi at nilahad sa kanya ang cellphone ko.

Wala siyang ibang sinabi at agad naman 'yon tinanggap. Pagkatapos ay siya naman ngayon ang nag-abot sa akin ng cellphone niya kaya nilagay ko na rin ang number ko roon. We exchange our cellphone numbers.

"You want us to be textmate?" napahalakhak ako sa tanong niya.

"Gusto mo ba?" tanong ko pabalik sa kanya.

"If you want..." kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahan na tumango sa kanya.

Nagpalipas pa kami ng oras doon hanggang sa naisipan na namin bumalik lalo't nilalamig na rin ako. Amadeus walked me in to our room door. Nasa ibang floor ang kwarto nila pero nagawa niya pa akong ihatid.

"Thank you..." I sincerely said.

"Hmm..." I bit my lower lip and looked at him again.

"Good night, Amadeus..." he nodded.

"Good night," aniya.

Dahan-dahan akong pumasok na sa loob ng kuwarto ng hindi man lang napuputol ang aming tinginan. Nang tuluyan ko ng maisara ang pinto ay walang boses akong tumili at napatalon-talon.

"Gosh! Milada! You're crazy!" I muttered to myself.

Kinabukasan ay nagising ako na wala si Tita Kilari. Kinusot ko ang mata ko at nagpasya ng bumangon. Nilibot ko ang tingin at walang kahit anong bakas ni Tita Kilari. Pasado alas-singko pa lang pala ng umaga. Mas'yado yata akong nagising ng maaga.

Naligo muna ako bago nagpasyang hanapin si Tita Kilari. Sigurado ako na hindi siya bumalik sa kuwarto. Dahil kung oo ay sana nakita ko na ang mga gamit niya roon. I go to the lobby to check if she's there. But I found nothing. Sunod kong pinuntahan ang hall at swimming pool pero wala pa rin.

"Nasaan na ba siya?" sinubukan ko siyang tawagan ang there! She picked up the phone.

"Tita, where are you?" 

[Milada, this is Payton. Ah... tulog pa si Kilari...]

Bumilog ang mata ko at agad na sinigurado kung number nga talaga 'yon ni Tita Kilari. And I was right!

"A-Anong... nasaan siya? Bakit na sa 'yo ang cellphone ni tita... po?" halos hindi ko na mabigkas ang tamang salita dahil sa pagkataranta.

Si tita tulog? Kasama si Mr. Payton? 

Operation: Secret GlancesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora