“wala. pakilabas nga niyan at titignan ko.”

at yun nga, alipin ehh --- syempre nilabas niya. alangan naman ako pa ang maglabas ako na nga ang customer. type ko ‘tong sing sing na ‘to, may malaking blue na diamond sa gitna. saka purong gold siya ha? ang ganda, napakagorgeous sa kamay ko.

daliri pala ! hahaaha.

“ang ganda po di ba? so kukunin niyo?”

“hmmmmnn. tutal satisfied naman ako sa luxury shop na ‘to.. gagawin ko nang 4 billion ‘tong singsing. pakihatid nalang sa address na ‘to.”

inabot ko yung papel at yung number at yung card ko sa alipin nang shop.

“4 billion ho?!”

“kelangan ko pa bang ulitin? kelangan ko pa bang isigaw diyan sa eardrums mo?!”

“ah-eh...p-pasensya na po..”

“dalian mo jan.. akin na at pipirmahan ko na.”

tapos ay iniabot niya sakin yung papel at ballpen para pirmahan ko. binigay ko na din ang address nang hacienda ko. siguro naman ay alam na nila iyon, sikat kaya ang Victoria’s Hacienda.

“ikaw ho pala si Senyora?!”

“hindi, picture lang ‘to ni Oprah? duhh. makaalis na nga.”

naglakad ako palabas nang luxury shop na iyon. himala ata at wala pa yung diyosang ipokrita? di niya ba ako nasundan? owww, how poor -__-.

pumunta na ako sa sikat na parlor world. magpapaayos na ako. mukhang matatagalan din ‘to. kelangan kong maghanda para sa gaganaping engrandeng celebration, kelangan ako ang magstand out.

“facundo, Yung black evening gown ko. ihanda na!”

“masusunod senyora.”

“mabuti.”

pagpasok ko nang parlor, as usual bakla ang humarap sakin.

“papaparlor po?”

“hindi, kakain ako. nasaan ang menu?!”

duuuuhhh. ano bang dapat gawin sa parlor? kumain?! grrr, nakakainit lang nang ulo -__-.

“ay pasensya na po.”

hindi ko na siya pinansin at umupo na ako sa upuan at kumuha nang magasin.

“ano pong ipapagupit?”

“yung leeg mo! akin na yang gunting at ako ang gagawa?!!”

geez :// nakakairita na talaga ‘tong baklita na ‘to! ano bang pinapagupit? syempre buhok! alangan namang pumunta ako dito at magpahaba?!

“PWE!”

sinimulan na niya ang pag aayos sakin. It takes three hours ata ang pag aayos sa Senyora’s hair ko. matapos maayos nang buhok ko, next ko namang pinaayos ang make Up sa mukha ko.

it takes 2 hours din para maayos ang beauty ko. pagkatapos kong maayusan ay humarap ako sa salamin. oh shocks! what a beautiful face am I seeing?! too beautiful! I’m looking Gorgeous.

“ang ganda mo talaga senyora.”

“thanks for the compliment. here’s the tip.”

sabay abot ko nang 1 million check dun sa nag make up sakin. sinabihan ko na din siyang huwag nang mag ingay. maganda kasi ang pag kakaayos niya sa mukha ko.

pumunta na ako sa counter at dun na binayaran ang mga debt ko --- charot! payments pala.

“facundo. ang private airplane, ipadala na dito. hindi ako pwedeng mag commute, masisira ang undying beauty ko.”

“di niyo ho ba nadala yung ferrari niyo senyora?”

“bakit? kung nadala ko ba ipapadala ko pa sayo ang private jet ko dito?! wag ka ngang mang mang facundo! pwe!”

“masusunod senyora.”

--

sakay sakay sa private Jet ko with facundo. what a sweet moment! hahahaha. chaka ko talaga. habang nakasakay kami sa jet, tumingin ako sa bintana. nakita ko na ang palasyo nang mga samaniego. ito na siguro ang oras para mag harap harap ang mayayamang pamilya! haha! magpapaulan ako nang 10 billion mamaya!

at sisiguraduhin kong ako, at ang nagiisang ako lang ang dapat mag stand out ang suot mamaya! bwahahahahaa!

NEXT ENTRY 2.3 >>>>>

COMPLETED: SENYORA (Vice Ganda) - Ian Joseph Barcelon (EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora