My Oxygen Boy

13 0 0
                                        

Mr. O

Grabe!!! 2 hrs, (you've read it right) 2 hrs na akong naghihintay dito sa internet cafe na pinuntahan ko at dalawang oras na din akong nakatunganga dito sa harap ng computer na ni-rent ko at up to now, hindi pa rin nagpapakita yung mga inaantay ko!!!! Woooh ang hirap pahabain ang pasensya lalo na kung nagmumukha kang shonga. Di'ba?? Nakakaasar kaya!! Nagrent ka ng computer sa isang internet cafe tapos wala ka namang gagawin kundi ang tumunganga! Yeah tunganga talaga kasi saglit lang ako nagcheck ng fb tas wala na, tinamad na magnet. Kaloka, sayang ang binabayad ko. Nagsisimula na akong maasar sa dalawang yun ahh. Sayang ang ganda ko, pinaghihintay nila. Wanna know the story? Ganito kasi yun..

I was busy texting sa tita ng tutee ko about sa tutorial namin dahil medyo nagkaroon ng conflict sa schedule ko kasi nga na-move daw yung Periodical Exam nila, at yan ay thanks kay Glenda (note the sarcasm) grabe, ang ganda ng timing ehh, naka-ayos na schedule ko ehh.. When suddenly....

*BEEP*

From : Bebe Yza (+63930*******)

Hey yow, san ka?

---

Aha bakit na naman kaya. Sa pagkakaalam ko nasa school to at may inaasikaso ahh.

---

Ako : Nasa bahay, bakit?

Siya: Tara punta ka dito sa ****** naayos ko na yung grade ko,libre ko. May time ka pa para maligo, mag-ayos at bumiyahe. Dali.. :D

Ako : Ayy naku, di ako papayagan ni mama , baka tanungin ako kung ano gagawin ko eh wala naman kayang pasok.

Siya: Sige na. Tara na. Minsan lang ako manlibre. Sige antayin ka namin ahh. Ingat :*

---

*END OF FLASHBACK*

At yun nga ang nangyari kung bakit hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa kanila. Aba mahirap kayang tumanggi sa grasya haha at syempre date na din naming tatlo yun. Anyways, nakalimutan ko magpakilala. Ako nga pala si Nix, 19 years ng nabubuhay sa mundong ibabaw. Yun lang haha ayaw ko ng madaming sasabihin. Lels haha

Kakatext lang nila sa akin na malapit na daw sila matapos kaya nman konting tiis nalang daw. So eto, I'm still waiting. Wooh sana naman matapos na sila. Nag-uugat na mga daliri ko sa-

*BEEP*

1 message received

From : Bebe Yza

Hey Punta ka na sa Mcdo, Papunta na kami.

---

Haay! After 123456789 minutes, natapos na din sila. *stretch, stretch* Grabe nakakapagod talaga humarap sa computer lalo na kung ganun katagal nakipagtitigan kay mr. computer. Nagutom na tuloy ako, panigurado kulang pa ang ililibre nun. Oooops! wag kayo magtaka, eating is one of my favorite hobbies hehehe ^^

So as I was saying, naglakad na ako pagpunta sa Mcdo since malapit lang naman yun sa pinuntahan ko. Tinext ko na din sila kung saang banda sila nakaupo. Nagreply naman na, sa may bandang loob daw sila nakaupo. Kaya naman pumasok na ako at madali ko naman silang nakita. Pagkaupo ko i turned on *Less Talk BUtton* which is totoo talaga kapag naiinis ako o galit. Ayaw kong nagsasalita kasi baka kapag nagburst out baka kung ano pa yung masabi ko kaya naman mas pinipili ko nalang manahimik. So yun nga, kinamusta naman nila ako at nagkwento kung ano daw yung naranasan nila habang nasa pila. Syempre ang lola niyo, tahimik at panay tango lang. Tinatanong nga nila kung ano daw problema ko dahil tahimik na naman ako. Kesyo may problema daw sa school, sa bahay o kay crush. Duuuhhh! Manhid-manhidan sila, alam naman kaya nila yung rason :3 Hindi pa din ako nagsasalita kahit umorder na sila. Nawili lang ako sa mga batang slang sa kabilang table na nag-uusap using foreign language. Waaaaa I'm bleeding hahaha chos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Oxygen BoyWhere stories live. Discover now