Chapter 11: Sorry? Talaga?

1.3K 71 0
                                    


Chapter 11: Sorry? Talaga?

Chris' POV

Kinwento ko sa kanila kung bakit nawala ako ng tatlong taon, nagulat nga sila eh at ito ang sinabi nila.

"Chris, bakit mo naman hindi nireplayan ang mga messages sayo ni Vivian tsaka yung tawag niya"

"kasi kung magrereply ako baka hindi na ako maka-alis at baka magalit sakin si Mommy"

"eh kahit man lang isang reply mo kay Viv sana ginawa mo, pero hindi eh..kaya ayan nasaktan siya ng sobra" Amethyst

"kailangan mo ng sabihin sa kanya ang lahat para malinawan na siya at mapatawad ka na" Sofia

"oo nga Chris, habang maaga pa at habang hindi pa huli ang lahat" Amethyst

Tama sila, kailangan sabihin ko na kung bakit ako umalis at kung bakit ko siya iniwan na lang ng basta basta.

Kailangan makaharap ko na siya, matagal na akong nakapag-ipon ng lakas ng loob para kausapin ko siya at handa na rin ang sarili ko sa mga sampal na ibibigay niya sakin.

Kailangan sa lalong madaling panahon makausap ko na siya ng kami lang dapat makaisip ako ng paraan kung paano kami mag-uusap.

"sorry girls medyo natagalan, nakipagkwentuhan pa kasi yung ibang kaibigan natin" sabi yan ni Vivian.

I really miss her voice and her smile..

Oh I wish.. I could turn back the time when we where still a couple.

"okay lang yun Marishe, ay wait, babanyo lang kami ni Sofia" sabi ni Amethyst at hinatak palayo si Sofia sa table namin.

So, kami na lang, ito na ba yung tamang panahon na sinasabi ko?

"uh.. Viv" sabi ko sa kanya

Tumingin siya sakin "bakit?" walang ganang sabi niya

"sorry" natigilan siya sa sinabi at tumingin ulit.

.

.

.

**

Vivian's POV

Sandali, tama ba yung narinig ko? humihingi siya ng tawad?

Huh! sinasabi ko na nga ba eh, hindi siya nagka-amnesia.

"sorry for what?" walang ganang tanong ko

"for lying, dahil hindi naman talaga kita nakalimutan eh, sadyang ginawa ko yun para kahit konti magkalapit pa rin tayo, dahil kung hindi ko yun ginawa, siguro hindi pa rin tayo nagkikibuan"

Ayun! nasapol niya! eh kahit siguro hindi niya ginawa ang pagpapanggap na hindi niya ako kilala, hindi talaga kami mag-uusap ng ganito.

"ayun, lumabas din.. siguro nga talaga kung hindi mo yun ginawa, malamang sa alamang hindi tayo magkatabi at nag-uusap ngayon" inis na sabi ko.

"I know, sorry for that Vivian"

Sorry, sorry!

Yan na lang ba ang maririnig ko?

Puro sorry!? tapos kapag pinatawad ko..gagawin na naman niya.

Ayoko ng marinig ang salitang sorry!

Kasi nanlalambot ako eh, sa tuwing maririnig ko yan sa kanya.

"hahaha, Oo sorry nga naman!" inis na sabi ko at tumayo lumapit ako sa balcony ng hall.

Magpapahangin lang, may nalanghap kasi akong masamang hangin eh.

Habang tinatanaw ko ang magandang view, biglang may tumulo sa pisngi ko na galing sa mata ko.

Teka...umiiyak ako?

Pinunasan ko yun at sinabi ko sa sarili ko na "he's not worth of my tears"

Hindi naman talaga siya worth ng mga luha ko!

"bakit ba kasi ako nagmahal pa?!" inis na sabi ko.

"nakakainis!? di sana, hindi ako ngayon nasasaktan!"

"tama nga sila na kapag nagmahal ka andiyan ang salitang masasaktan ka"

"nakaka-p*ste naman oh! sa lahat pa naman ng babaeng masaktan ng sobra..ako pa!"

"bakit ba kasi ako pa ang pinana mo kupido dun sa lalakeng yun!?"

"bakit kasi siya pa?! pwede naman sa iba ako mainlove eh! di sana masaya ako ngayon, walang problema!"

"destiny naman kasi eh!"

"sabi ko na nga ba, walang forever! dahil kung meron man, bakit andaming sawi sa pag-ibig.. mga taong iniwan, hiniwalayan at pinaasa!"

"I really really hate you LOVE!"

"remember this.. from now on I will never love again! sapat na yung nasaktan na ako at sapat na ang sakit na nararamdaman ko ngayon" sabi ko yan, habang tumutulo ang luha ko.

.

.

.

.

"oh Viv, anong nangyari? umiyak ka ba?" Flynne

"hindi.. napuwing lang ako kanina"

Lumapit siya sakin "Viv, tell me the truth.. bakit ka umiyak?"

"napuwing nga lang ako" ang kulit!

"Viv..alam ko ang pagkakaiba ng napuwing sa umiyak..kaya sabihin mo na ang totoo"

Hay! no choice! eh di sabihin!

"Oo na umiyak ako, at kung magtatanong ka kung sino? yung taong sinaktan ako"

"ano? si Chris? bakit ano bang sinabi niya sayo?"

"nag-sorry lang naman siya about dun sa pagpapanggap niya na hindi ako kilala"

"yun lang ba?"

Tumingin ako sa kanya "Oo"

"Viv, sabihin mo na kung meron pa..kasi hindi ka naman iiyak ng sobra kung yun lang ang sinabi niya"

"Oo na, meron pa..sa tuwing magsosorry siya sakin nanlalambot ako, kasi sa tuwing nagsosorry siya parang lahat ng mga ginawa niya bigla ko na lang nakakalimutan pero pinigilan ko ang sarili ko at umalis na lang sa table natin at nilabas ang mga hinanakit ko sa balcony"

"so..ano feel better na?"

"medyo"

"bakit? masakit pa ba?"

"Oo eh, sa tuwing nakikita ko siya bumabalik pa rin ang sakit.. gusto ko na ngang umalis dito eh"

"ha!? no! dito ka lang.. promise hindi na namin kayo ipagtatabi, pangako yan Viv" sabi ni Amethyst habang nakataas ang kanang kamay niya.

Ngumiti ako ng pilit "sabi mo yan ah"

"Oo naman...kaya huwag ka ng umiyak.. last mo na yan.. okay?"

Tumango na lang ako, siya naman niyakap ako.

Basta, simula ngayon hinding hindi na ako magmamahal muli, wala na akong balak na makipagbalikan kay Chris, at wala na rin akong pakialam kung ipagpilitan niya ang sarili niya na makipagbalikan sakin.

----------

a/n: so sorry for not updating.. kasi naman po under maintenance ang smart para makapag-update ako. Sana maintindihan niyo.

~Winx_38

SF 2 : Please, Be Mine Again [JaDine]Where stories live. Discover now