“Angela please.” , pagmamakaawa nya.

“Bryan please lang din. Masyado pang masakit ang lahat.” , sabi ko sabay alis ng rooftop. Mahal ko si Bryan, mahal na mahal ko si Bryan. Hindi ko niloloko si Kleo dahil gusto ko din sya pero kahit balibaliktarin pa natin yung situation si Bryan pa din ang mas lamang dito sa puso ko.

“Hon bat ka naiyak?” , si Kleo bay un? Pag tingala ko si Kleo nga. Napayakap ako sa kanya ng sobrang higpit. “AG may umaway ba sayo?” , nag-aalalang tanung ni Kleo.

“Walang umaway sakin hon. Wala to, ok lang ako.” , sabi ko sa kanya. “Are you sure?” , paninigurado nya at tumango nalang ako sa kanya bilang tugon. “Bat ka nga pala andito?” , pag-iiba ko ng topic. “Miss na kasi kita eh. Dito na nga pala ako mag-eenroll next sem para makasama na kita!” , nakangiting sabi niya.

“Kleo, may itatanung ako sayo.”

“Ano yun AG?”

“Iiwan mo ba ako pag sinabi ko sayo na hindi na ako birhen?”

Natawa naman sya sa tanung ko. Tinaasan ko nga ng kilay. Ang seryoso ng tanung ko tatawanan nya lang ako. Ano sya hilo?

“Chill! Syempre hindi! Hindi naman ako ganung klase ng lalaki eh. Basta ba ako yung huli mo mas happy ako dun!” , sabi nya sakin sabay pat ng ulo ko.

“Girl! San ka ba nagpunta kanina? Inaantay kita sa classroom pero di ka naman dumating!” , tanung ni Paula. “Ah kasama mo pala si tropa. Ikaw Kleo ah! Wag mo naman turuan mag-cutting si Angela! Mahalaga pa din ang education ano! At ikaw naman Angela, wag ka agad magpapauto jan sa pinsan ko.” , suway ni Angela samin.

“Opo nanay!” , pang-aasar naman ni Kleo at dinilaan sya ni Paula.

“Pinsan!” , hay nakoo eto na naman si Kev! “Hi!”

“Omg! Kiara!” , tili ko. Si Kiara yung kambal ni Kevin.

“Kiara meet Kleo and Paula.” , pagpapakilala ko sa kanya. “Hi! Nice to meet you all.” , bati naman ni Kiara sa kanila.

“Sis ang gwapo naman ni Kleo! Bagay kayo ah!” , bulong sakin ni Kiara at ang babae eto kilig na kilig!

“Kain na tayo! Puro kayo daldalan eh.” , pagmamaktol ni Kev. “Isip bata ka! Et opera ibili mo kami.” , pagtataray ng kambal nya. “Eh! Bat ako?!” , angal naman ni Kev. “Ikaw nag-aaya na kumain na eh. Edi ikaw bumili!.”

“Taray! Tara Kleo samahan mo ko bro!” , sabi ni Kev.

“Hon ok lang ba?” , paalam ni Kleo. “Under ka pala bro? Hahahaha! Wag ka matakot jan! Tara bar tayo mamaya!” , kantyan ni Kev na nagging rason upang tignan ko sya ng masama. “Joke lang. Peace!”

“May nakalimutan pala ako hon.” , sabi ni Kleo. “Ano yun?” , litong tanung ko. “Eto oh!” , sabi nya sabay kiss sa lips ko. Smack lang naman.

“Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiie!” , tili nung dalawa. “Sarap naman nun!” , saad pa ni Kiara.

==

“Done na class ko hon!” , sabi k okay Kleo. “Tara mall tayo.” , pag aaya ko sa kanya.

“Sorry hon. Aasikasuhin ko pa mga files ko para sa pag transfer ko dito next sem eh. Pwede next time nalang?” , sabi niya na halata naman sa tono ng boses nya na nalulungkot sya.

“Babawi ako sayo promise!” , dagdag nya pa.

“Ok lang ano ka ba! Kung kelan ka lang naman pwede.” , sabi ko sa kanya. “Sige una na ako hon ah.” , paalam ko sa kanya.

“Sige hon.” , sabi nya at nagkiss naman ako sa kanya sa lips.

Naglakad na ako papunta sa parking lot para makasakay at maka uwi na ako sa condo ko. Ayoko naman kasing mag-mall mag-isa. Ang boring kaya nun, plus ayoko magmukhang loner! Si bff matagal ko ng di nakakausap kasi nabbusy na sya masyado kaya di ko naman siya mayaya mag-mall kasi gusto ko na mag focus din muna sya sa studies nya.

“Alam mo kung ako yun sasamahan kita kahit ano pa man mangyare.” , yang boses nay an. Kilalang-kilala ko kung kanino yan eh!

“Ako nalang sasama sayo!” , prisinta nya. “Baka makita pa tayo ni Paula, kaya wag nalang.” , pagtatanggi ko sa kanya. “Edi dun tayo sa malayo. Please? I want to date you.” , pagmamakaawa nya. Gusto ko sanang humindi kaso masyadong traydor tong dila ko at nag-sabi agad ng sige! Kaya ang ending eto kami sa kotse ko magkasama. Feeling ko tuloy nagtataksil ako kay Kleo kahit na hindi ko pa naman sya boyfriend.

“Don’t worry. No one will notice us.” , sabi nya sa akin. “Just chill.” , dagdag nya pa.

---------------------------------------------------------------------------------

THANK YOU SO MUCH SA MGA VOTES AND COMMENTS NYO! :) Sana ipagpatuloy nyo lang po ang pag support sa story. May bago akong book na ang title ay BEING BULLIED. Sana magustuhan nyo din sya pero mas inuuna ko kasing tapusin to kaya ayun. Hahahahaha! 

My Hot Professor (SPG) -- "COMPLETED"Where stories live. Discover now