“nilibre kita ng bagnet, ‘wag kang ano.” sabi niya.

Patuloy pa rin silang nagtalo hanggang sa makalabas sila ng hotel.


“hirap seguro ng trabaho mo, ‘no?” tanong niya.

“Sobra, mahirap na nga ang pagdodoctor, pa’no pa kaya pagdoctor ka na.” sabi nito.

Tumango nalang siya sabay inom ng beer sa mismong bote.

“pero sanayan lang yana eh, malaki naman sweldo.” sabi nito sabay tawa sa dulo.

Ngumiti naman siya.

“hirap din seguro ng trabaho mo, puyatan din.” sabi nito sabay inom ng beer.

“wala naman seguro trabahong madali, lahat mahirap.” sabi niya.

“mahirap pero masaya. Yung kahit dalawang oras lang yung tulog mo pero excited ka pa ring bumangon para mag trabaho, kasi mahal mo ang ginagawa mo.” sabi nito.

“sakin nga madaling araw na ako nakakatulog.” sabi niya sabay tawa sa dulo.

Tumawa na rin si Chelsea. Wala nang nagsalita ulit sa kanila. Nakaharap lang sila sa dagat habang nakatingin sa kawalan. This scene remind her of past, days where she and Kenzo was still together, and days where the squad are still solid. Chelsea, Jackson, Cristine, Kenzo and her, the friendship was solid but after she left, she don’t know what happen. Nawalan na siya ng update, wala nang nagchat, text o tawag man lang.

“i really thought na mag e-engineer ka.” pagsasalitang muli ni Chelsea.

“civil engineering lang ang course na meron dun sa probinsya, kaya wala akong choice kundi mag teacher nalang. Yun lang din kasi ang kaya nila mama, sabi niya no’n kailangan daw maging praktikal.” sabi niya.

“masaya kaba sa trabaho mo?” tanong nito.

“no’ng una hindi, pero nasanay na rin. Unti unti ko nang minamahal ang trabaho ko.” sabi niya.

Tumango tango naman si Chelsea. Ilang sandali pa ay may tumawag sa telepono ni Chelsea kaya umalis muna ito. Maingay ang dagat at naguumpisa ng dumami ang nag kukumpolang tao malapit sa stage, ilang sandali nalang seguro ay may kakanta na.

The scene reminds her of college days. Palaging La Union ang pinupuntahan nila. Minsan pa nga ay tumatakas siya sa ina para lang makakanta sa music festival. Palaging kompleto ang squad nila, gagawa ng paraan ang lahat para lang makasama. Mga nakaraan na kay sarap balikan.

Nagmamadaling bumalik din agad si Chelsea.

“Anong problema?” tanong niya.

“Nagpapatulong kasi yung kaibigan ko. Nagback out daw kasi yung isang performer nila.” sabi nito.

“ngayon na ba kakanta?” tanong niya.

Matagal na rin ng huli siyang kumanta sa mga ganitong event, wala namang masama kung kakanta ulit siya.

“Mamayang gabi pa.” sagot nito.

“anong oras yung sound check?” tanong niya.

“ngayong 5:00” sabi nito.

“anong oras na ba.”

“4:50.” sabi nito sabay tingin sa relo na pambisig.

“Sige ako nalang, nakakamiss din kasi kumanta sa harap ng crowd.” pagbolintaryo niya.

“nice! Be ready nalang for sound check, puntahan ko lang yung friend ko.” sabi nito.

“Sige, punta muna ako sa hotel.” sabi niya.

Nagthumbs up lang si Chelsea habang lakad takbo patungo sa kaibigan na naghihintay malapit sa backstage.

MAIKLING short at sando na puti ang suot niya, nagdala rin siya ng jacket na nakatali sa beywang at ang buhok niya ay nakabagsak lang.

Tapos na ang sound check at nage-enjoy lang sila ni Chelsea sa gitna ng crowd habang may kumakanta ng rocksong sa stage. Habang sumasabay sa pagkanta ay kinalabit siya ni Chelsea kaya humarap siya rito. Pagkaharap niya ay tinuro nito ang babae na nasa gilid namin.

“Karyl, ready kana? Ikaw na sunod.” sabi ng babae na kaibigan ni Chelsea.

Ngumiti at tumango siya. Pagkatapos ng kanta ay umakyat na siya sa stage. Kinuha na niya gitara at upuan na nasa stage na mismo. Pinatong niya nag paa sa upuan para matugtog ang gitara ng maayos.

“Sana ako na lang ang tepo mo,
Sana ako na lang ang nagpapasaya sayo,
Sana ako na lang ang gusto mo,
Sana ako nalang ang mahal mo,
Para may happy ending,
ang tayo”

Sumabay sa tugtog ang drum at electric guitar.

“Pwede ba,
‘wag na siya, ako na lang,
Tayo na lang kasi,
Ako na lang kasi,
Para may happy ending,
ang tayo.

Ilang beses ng nagbigay motibo, nagmumukha ng loko,
Ilang beses ng nagpapansin ngunit hindi pa rin pinapansin,
Nageffort na’t lahat lahat ngunit wala pa rin,
Ano bang dapat ko’ng gawin para ako naman
Ako naman, ako nalang kasi, tayo nalang kasi,

Pwede ba,
‘wag na siya, ako na lang,
Tayo na lang kasi,
Ako na lang kasi,
Para may happy ending,
ang tayo.

Pagkatapos ng kanta ay naghiyawan ang crowd, ngumiti lang siya habang naglalakad pababa ng hagdan. Hinanap niya agad si Chelsea, nasa gilid ito ng stage.

“Beer?” tanong ni Chelsea sabay abot ng isang boteng beer.

“thanks.” sagot niya sabay tanggap ng inumin.

Umakyat na ang sunod sa kanya na kakanta. Nakatingin lang sila sa stage habang umiinom ng beer. Nagsimula na itong kumanta, malungkot na kanta ang kinanta niya kaya tahimik ang crowd.

“Nandito ang Into 5.” bulong ni Chelsea.

Umawang ang labi niya at nanlaki ang mata.

“anong ginagawa nila dito?” tanong niya.

“kakanta syempre, ano pa ba?” sabi ni Chelsea.

“ang yaman huh, afford ang Into 5.” sabi niya.

Tumawa lang si Chelsea, “Mamaya pang 9:00 sila kakanta, maghihintay ka?” tanong nito.

Nagkibit balikat lang siya.

“maiwan muna kita huh.” sabi nito.

Nilingong niya ito at pinanliitan ng mata. “naghunting ka nanaman ‘no?” tanong niya.

“Bye, see yah.” nakangisi nitong sabi sabay lakad paalis.

Sinundan niya ito ng tingin. Patungo ito sa lalaki na naghihintay ‘di kalayoan sa crowd, matangkad ito at may pagkamistiso. Umiling na lang siya, wala siyang balak maghunting, loyal siya kay Kenzo. Choz.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Into My ExWhere stories live. Discover now