Chapter 2

1 0 0
                                    

Chapter 2
Celebrity

NAKASAKAY na kami sa eroplano't lahat lahat ay di ko pa rin makalimutan ang mga nakita kong karumal dumal na krimen dun sa kotse.

'Oo, karumal dumal yon para sakin.'

Mula kanina ay nakatulala ako dahil sa nakitang pangyayaring yon. OA na kung OA pero di talaga ako makakamove on don! Grabe! Di ako makapaniwala! Sa gitna ng traffic nagawa pa nilang gawin yon? Psh! Ano sila? Aso? Kung san san na lang nagtitirahan?

Pumikit ako ng mariin at pilit na inalis sa isip ko yon. Buti na lang at di ramdam ang pag-andar ng eroplano kaya di ako nahihilo. Di ko pa naman katabi si nanay para sandalan. Nagkahiwalay kami ng upuan dahil kami ang huling pumasok sa pila. At ang natira na lang na upuan ay yung nandun sa bandang unahan at itong inuupuan ko malapit sa dulo.

"Excuse me Ma'am, what do you want to have? coffee? tea? juice or water?"

Namulat ko ang mata ko sa pagkabigla sa nagsalita. Napatingin ako sa side ko kung saan nakatayo ang isang lalaking flight attendant.

Tiningnan ko siya. Matangkad, moreno at medyo payat na lalaki ang kumausap sakin. Hindi siya ganon kagwapo pero ma-itsura naman. Maayos ang itsura at tindig habang matamis na nakangiti sakin.

Tumikhim ako tsaka maliit na ngumiti. "No thanks. Thank you." lalo siyang ngumiti.

"Alright Ma'am. Enjoy your flight." nakangiting sabi niya. Di ko alam kung guni guni ko lang ba yon o kumindat talaga siya?

Bahagya siyang tumango sakin bago bumalik sa mga kasama nyang flight attendant na noo'y parang nanunukso ang tingin sa kanya.

Napakurap-kurap ako. Baka mali lang ako ng nakita. Napailing ako sa sarili tsaka pumikit na lang at bumawi ng tulog.

Di ko alam kung gano ako katagal natulog pero nagising na lang ako na lalanding na ang eroplano. Napaayos ako ng upo at napasulyap kay nanay sa unahan. Sakto namang nakatingin siya sakin at sumenyas ng kung ano.

'Bababa na ata kami.'

Inayos ko na ang sarili ko pati ang nagulong buhok. Bahagya akong napasulyap sa mga katabi ko at nakitang naghahanda na rin sila sa pagbaba.

Maya maya ay nagbigay na ng permiso na maaari na kaming bumaba. Tumayo na ko at naglakad papunta kay nanay. Medyo nahirapan pa ko dahil siksikan.

Nakasimangot akong nakarating kay nanay tsaka kumapit sa braso nya. Medyo nahirapan pa ko dahil mas maliit siya sakin pero di ako bumitaw.

Nakataas ang kilay nyang tumingin sakin. "Bakit ganyan ang muka mo, anak?"

Lalo akong napasimangot at umiling na lang. Sabay kaming naglakad papunta sa pinto palabas ng eroplano. At dahil masikip ay ako ang nagsilbing shield ni nanay sa mga tao dahil mas matangkad ako sa kanya. Napailing na lang ako.

"Thank you Ma'am and Sir!" nakangiting bati ng mga flight attendant sa unahan sa mga pasaherong bababa na. Lahat sila ay ang bright ng muka at magaganda ang ngiti.

"Siya nga pala Leyza, kontakin mo nga ang tatay mo o kaya ang tiyo henry mo, sabihin mo ay nandito na tayo." utos sakin ni nanay habang papalapit kami sa pinto.

Tumaas ang kilay ko habng nakatingin sa kanya. "Nay, sa tingin mo makukuha ko cellphone ko sa bag habang ganto kasikip?"

Kumunot ang noo nya kaya lalong nadepina ang katandaan niya. Amba nya akong hahampasin kaya umiwas ako habang ngumingisi.

Pikunin talaga 'tong si nanay. San kaya ako nagmana? Pikunin din naman si tatay.

Napailing ako tsaka lalong ngumiti. Nag-aasaran kami ni nanay hanggang sa makalapit kami dun sa mga flight attendant. Namukaan ko pa yung lalaking nagtanong sakin kanina. Nakangiti ito sakin kaya para di mapahiya ay ngumiti lang din ako pabalik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ignoring the Light (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon