I didn't mean to burst out like that but it feels so frustrating and tiring. Kinakain ako ng takot ko na baka pag nahuli ako, hindi ko na siya makita ulit at mawala ng tuluyang sa akin. Hindi ko kayang makita siyang duguan ng ganoon. Nagulat ako nang malakas na tinanggal ni Mikaela ang kamay ko sa braso niya at umiiyak na tumingin sa akin. Her eyes is full of sorrow and hatred, it was emotions that I've never seen before.

Hatred for whom? It wasn't for me, right? Alam kong minsan gago ako pero hindi ko kayang manakit ng ibang tao. Or I may have done it unintentionally.

"Adonis? Mikaela? Anong nangyayari?" tanong ni Ate Zea na kakapasok lang at sumunod din pumasok ang pamilya namin

Parang naging hangin lang sila sa paligid dahil nakatuon ang atensyon ko kay Mikaela na umiiyak. My heart hurts so much while looking at her. It was my fault, I made her cry again. I hurt her again, I'm such a jerk.

"Stop trying to remember everything! Forget it and forget me too! Just forget everything! If you can't remember it, then it only means that you're not meant to remember it!" she yelled in a voice full of anger

Mabilis siyang tumalikod at binuksan ang pintuan para lumabas. Pero agad ko siyang napigilan sa braso at hinarap muli sa akin. I wanted to punch myself when I saw her pained expression and her face full of tears.

Dahang-dahang bumaba ang kamay ko at pinakawalan ang braso niya. Nanghihinang napaluhod ako sa sahig at nararamdaman ko ang luha ko na nagbabadyang tumulo. Wala akong pakialam kung makita niya akong ganito, mahina at gago. All I want is to hear the truth from her.

I tried my best to speak clearly but I failed, halos hindi ko makilala ang sarili kong boses na halos nagmamakaawa, "P-Please, baby. Tell me why I'm having those memories. Tell me who was the reason you did that. A-And just tell me you're not doing that anymore."

I looked at her when I heard her sobs, "Adonis, I'm sorry. I should've let you go and stayed away from you when we broke up."

Tumalikod siyang muli at mabilis na lumabas sa silid.

"Mikaela! Mikaela!" malakas na tawag ko sa kanya

Tumayo ako para sana ay habulin siya pero parang nanlalambot ang mga tuhod ko dahil napaupo ako sa sahig. Agad akong dinaluhan ni Ate Zea at ni nanay.

"Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong ni nanay

"Tatawag lang ako ng nurse. Yung kamay mo kanina pa dumudugo!" nag-aalalang aniya ni Ate Zea

Ano bang nangyayari? Please, end my agony. I want to remember everything. I want to know everything. Mahigpit akong napakapit sa dibdib ko, hindi ako halos makahinga sa sakit. Parang mababaliw ako kapag hindi ko nalaman ang lahat. Bakit ang sakit?

I felt a tap on my shoulder. I looked up and saw Kuya Enrique.

"Buddy, my offer still stands. Do you want me to find out what happened?"

I bawled my fist and thought about his offer. He offered me help na ipa-imbestigahan ang tungkol sa amin ni Mikaela pero tumanggi ako dahil parang pambabastos iyon sa dati kong nobya. At gusto kong malaman lahat ng iyon dahil bumalik ang alaala ko hindi dahil pina-imbestigahan ko.

"Van, you can't do that to Mikaela! You will be invading her privacy!" mabilis na apela ni Ate Zea

Kuya Enrique shrugged his shoulders and gave me a knowing look.

Hindi ako nakaimik dahil may pumasok ng nurse na gumamot sa kamay ko at nagkabit ng bagong swero sa kabilang kamay ko. May dumating na doktor at sinabing makakalabas na ako pag naubos ang IV fluid ko. Nirekomenda din niya na magpatingin ako sa psychologist para ma-obserbahan ang pagbabalik ng ilang alaala ko.

Killing CupidWhere stories live. Discover now