PROLOGUE

7.1K 85 1
                                    

Prologue

"SIR Eu, may bisita po kayo." Napaangat nang tingin si Eujinn mula sa pagbabasa ng magazine nang magsalita ang kanilang katulong at nakakunot-noo niya itong tiningnan.

Wala siyang ene-expect na may bibisita sa kanya unless ang kanilang family attorney. Kakalibing lang kasi ng stepmother niya.

"Who?" he asked his maid.

"Hazel Vergara po raw ang pangalan niya, Sir."

Bigla na lamang lumakas ang kabog sa dibdib niya ng malaman kung sino ang bisita niya ngayon.

Unexpected visitor.

"Ano na naman kaya ang ginagawa ng babaeng iyon sa pamamahay ko?" anang isip niya at sa isang idlap pa ay bumalik lahat ang galit, sakit na pilit niyang kinalimutan noon sa dalagang minsan na siyang niloko nito.

"Why are you here?!" pagalit na tanong niya sa dalaga na may bitbit na dalawang naglalakihang maleta.

"I know, hindi mo eni-expect na pupunta ako rito," nakangiting wika nito sa kanya.

"Oh God! Bakit siya ngumingiti!" anang isip na naman nya.

"Then answer me, why are you here in my territory?!" muling tanong niya, bakas pa rin ng galit, pagkapoot at sakit ang mukha niya.

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin na welcome? Instead na magalit ka sa akin, Jin?"she asked.

"Cut that Jin! Never called me like that bitch!"pagalit na bulyaw niya sa dalaga at kitang-kita niya ang paglaho ng matatamis na ngiti nito at napalitan ito ng seryosong mukha at tila bang nakakatakot ito.

"I'm here, not because, I am your visitor. I'm here, because rito na ako titira. You know what? I am the heiress of Montefalcon's Family. See? I am the heiress of your family, Eujinn Montefalcon. Whether you like it or not dito na ako titira, and you can't stop me to staying here in your mansion. Because ang kalahati nitong mansion ay nakapangalan na sa akin and if you don't want na makasama akong manirahan dito. You can go out of here, you can leave, pack your things, everything, 'wag kang magtira ng mga gamit mo. Dalhin mo at sa labas ka titira at malalaman mo rin na lahat ng kayamanan ng pamilya mo ay ako ang magmamana. Kahit ni isang kusing ay wala kang makukuha. Ows, ang kalahating mansion lang pala ang nakuha mo. kaya kapag aalis ka lugi ka naman n'on. Kaya kung ako say--" hindi na niya ito pinatapos sa mahabang linya nito at sinampal na niya ito ng kaylakas-lakas.

"Oh yeah, I don't deserve that," wika nito while touching her red cheek at tila naman nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya.

"YOU DESERVE THAT BITCH! HOW DARE YOU, GOLDDIGGER!" pagalit na wika niya sa dalaga na hanggang ngayon ay seryoso pa rin itong nakatitig sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ito pala ang magmamana ng ari-arian ng pamilya niya at sa babae pang minsan na siyang sinaktan nito. Ang babaeng una niyang minahal at ang babaeng una ring dumurog sa puso niya.

"You know what, Eujinn Montefalcon? Kaya kitang tanggalan ng karapatan sa mansyong ito! Hindi ka ba nanghihinayang na mawalan ng kalahating mana mula sa mansion ng namatay mong ama? Ito na lang ang mayroon kang alaala. I know you are too rich at hindi mo naman kailangan pa ang legacies ng pamilya mo but sad to say sayang naman kung ganoon kasi imbis na ikaw ang tagapagmana ay napunta pa sa iba na katulad ko lang na mahirap at GOLDDIGGER, ang suwerte ko naman kung ganun. At oo nga pala isa ka lang palang STEPSON ng step mom mo at walang kuwentang anak-anakan. Kaya mamili ka? Titira ka kasama ako at ikaw pa rin ang tagapagmana ng kalahati o aalis na walang makukuha na kahit isang kusing?" mala-demonyong saad nito at tama nga naman ang dalaga, ang mansion na lang ang mayroon siyang alaala mula pa sa namatay niyang magulang. Mayaman naman siya, kaya niyang buhayin ang sarili niya without that wealth.

"Fine, I'll stay," bored na wika niya at kita niya ang malawak na ngiti nito.

"Good choice, honey," anito at nakipagtitigan ito sa kanya.

No choice siya kundi manirahan kasama ang babaeng ito at ang ex-girlfriend niya.

She's the Montefalcon's Heiress (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon