" Aiana, anak , " nag-aalalang boses ni mama ang sumalubong sa akin.

"Po?" bahagyang nakaramdam ako ng kaba.

" Pwede bang umuwi ka na dito? Let's have dinner together, " she replied in a nervous tone.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ay parang may masamang mangyayari. Bakit ba kasi ganoon ang tono ng boses niya?

Nevertheless, I answered. " Pauwi na po ako. "

Pagkababa ko ng tawag ay nauna na si Gray papunta sa sasakyan. Marahil alam na niya na kailangan naming umuwi.

Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam na ako kay Gray . Hindi ko alam kung bakit masama ang pakiramdam ko at hindi makapagdesisyon kung papasok na ba ako sa loob at hindi.

And when I finally entered, I realized why I was feeling bad.

Sumalubong sa akin sina mama at papa na may nag-aalalang mukha. Sa likod nila ay naroon si Caspian at may babaeng nakayakap sa braso niya. And if I wasn't mistaken, it was the woman I saw at the hospital.

Ayoko mang mag-isip ng kung ano ngunit hindi ako tanga upang hindi malaman kung ano ang meron sa kanilang dalawa. Pero kailangan ba talaga niyang iuwi sa pamamahay namin ang kabet niya? Wala manlang ba siyang natitirang respeto para sa asawa niya?

The four of them went to the dining table so I followed them quietly. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Magagalit ba ako? May karapatan rin naman siguro akong magalit diba?

We started eating quietly and I could feel the tension building between us. Dikit ng dikit ang babae sa asawa ko na parang linta.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara, pinipigilan ang sariling sumabog. The woman even smirked at me like she was trying to say that I'm a loser. While mama and papa were just quietly eating .

Nang matapos kaming kumain ay saka na sila nagsalita. Mama and papa were sitting on the sofa while the three of us were standing.

" About the uh- divorce..." Hindi alam ni mama kung paano niya iyon sasabihin . Namataan ko ang divorce paper na nakapatong sa lamesa.

I bit my lower lip, trying to stop myself from crying. Alam ko na kung saan papunta ang usapang ito.

" Aiana, please sign the divorce paper right now. " Caspian interfered. He held the woman's hand. " Wala naman tayong ibang rason para manatili sa isa't isa, " usal niya.

I remained silent.

" I'm inlove with another woman, " he confessed.

Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya.

Being cheated on hurts, but its the thought of him loving another girl hurts even worse.

" Why? " my voice cracked. I keep on asking him the same question. Why doesn't he love me anymore? Why did he find another woman?

But I know that his reasons won't change anything.

Hinawakan ni mama ang balikat ko ngunit tinabig ko lamang ang kamay niya.

" M-mama..please..I don't want to sign the divorce paper, " I pleaded. " B-baka pwede pa n-naming ayusin .. baka pwede pa kaming magsimula ulit..mama, " halos hindi ko na mabigkas ang mga salita .

Tears were already streaming down and I couldn't do anything to stop it.

Papa sighed heavily. Tulad ni mama, hindi rin niya alam kung ano ang gagawin niya.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa asawa ko at ginawa ko ang bagay na hindi ko aakalaing gagawin ko.

Lumuhod ako sa harapan niya at halos yakapin na ang kaniyang paa. Napatayo na rin si mama nang makita niya kung anong kahibangan ang ginagawa ko.

" Love, let's try it one more time, hmm? " I pleaded.
" Kahit isang beses nalang. "

I watched how Caspian's eyes softened but it disappeared immediately. The woman beside him just rolled her eyes on me.

Wala akong pakealam kung magmukha na akong tanga at desperada. I can't afford to lose my husband. He was my everything. This is my last resort.

" Please..." Halos halikan ko na ang mga paa niya para lang hindi niya ako iwan.

" Anak, tumayo ka na riyan.." Hinila ako ni mama patayo ngunit nagpumiglas ako.

Caspian's jaw clenched. " Get up , Aiana. Even if you kneel a hundred times, I won't choose you, " his voice was very cold. Parang hindi ko na kilala ang taong nasa harapan ko ngayon.

Gone was the loving husband who cherished me like I was the most important woman in the world.

Tuluyan na akong napahagulgol. I'm breaking down in front of them and I don't even give a damn about it.

Nagulat nalang ako nang biglang tumama sa mukha ni Caspian ang kamao ni papa. Siguro ay nawalan na siya ng pasensiya.

" T-rantado ka , Caspian! " dumagundong ang boses niya sa buong sulok ng bahay. " Bago mo siya pinakasalan, tinanong kita ng paulit-ulit kung sigurado ka na ba sa kaniya, " he said. " Sabi mo, sigurado ka! Sinabi mo sa akin na hindi mo siya sasaktan! Nangako ka! Nangako kayo sa isa't isa sa harap ng Diyos!" galit na galit ang kaniyang tono.

Kahit ako ay nagulat rin. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito. Kadalasan ay tahimik lang siya at hindi palasalita.

Nang lumingon sa akin si Caspian ay nakita ko ang galit na galit niyang mata. And his eyes were bloodshot.

And what he said next broke my heart more. Hindi ko alam na pwede pa palang masaktan ang pusong matagal ng patay. Na maaari pa palang mabasag ang pusong matagal ng basag.

"Call me whatever you want, father, " he said. " But I fell out of love! I don't know what happened. Gumising nalang ako isang araw, hindi ko na siya mahal." Bahagyang nabasag ang kaniyang tinig.

" I will take any punishment,father. But please, don't ever force me to stay with her," he pleaded that broke my heart.

I cried harder.

" i want her out of our lives,father. "

Galit na tumingin si papa sa kaniyang anak. " One day, you're going to regret this, son. Pagsisisihan mo ang gabing ito na pinaalis mo siya sa buhay mo. Darating ang araw na paulit-ulit mong sisisihin ang sarili mo, at wala ka nang ibang magagawa dahil sa panahong iyon, hindi ka na niya mahal, " he said. " I've told you that the painful thing in our life is regret."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang pananakit. Pakiramdam ko ay naging manhid na ang buong katawan ko. Nagulat pa nga ako dahil nakayanan ko pang tumayo .

Nagtungo ako sa lamesa at pinulot ang ballpen roon. Nanginginig man ang kamay ko ay nagawa ko paring pirmahan ang papel na tatapos sa amin .

A single tear dropped on the divorce paper as I signed it.

I looked at mama who was silently crying. Papa was also about to cry but I knew he was trying to stop himself from crying. I looked at Caspian who was also looking at me and I realized something.

He was as wrecked as me. But why?

" Anak.." Mama sobbed. Gone was the strong woman who didn't cry at least once.

I just smiled at her to assure her that I am okay, even though I'm not.

Nagtungo ako sa aking kwarto at nagsimulang mag impake. Kinuha ko lang ang mga damit ko at iniwan ko na ang mga hindi ko masyadong nagagamit.

Hawak ko na ang dalawang maleta nang bumaba ako sa sala. Nasa ganoong posisyon pa rin sila.

Walang pasabing naglakad ako paalis. Siguro, sa susunod na araw ko nalang kakausapin sina mama at papa. Wala na akong lakas para magsakita. Pagod na pagod na ako.

Posible pala talagang maghiwalay ang dalawang taong pinagtibay ng panahon. Posible palang iwan niya ako kahit ilang beses niya nang ipinangako na ako lang ang pipiliin at mamahalin niya.

The hardest thing I'll ever do is walk away still loving him.

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now