Pumasok ako sa coffee shop at hinanap si Mr. Santiago ng makita ko siya ay lumapit ako.

''Goodafternoon po sir. Nalate po ba ako? Sorry po.'' Sabi ko sakaniya.

''Ah. No, no, hija. You're not late. Napaaga lang siguro ako. Take a sit.''

Umupo naman ako at nilagay ang body bag ko sa lap ko.

''So, how are you?'' Tanong niya.

''Okay lang naman po.''

''Good to hear that. How about your parents?''

''Ayos lang din po sila. Pero nasa Davao po sila ngayon. Inaasikaso po 'yung sa building na itatayo.''

''Ohhh, I really miss bonding with your Dad. You know, we're childhood friends.''

''Ganun po ba? I'll tell Dad that you wanna see him again.'' Nakangiti kong sabi.

Tumango siya at sumipsip muna sa kape niya bago tumingin sakin muli.

''Tinatrato ka naman ba niya ng ayos?''

Napakunot noo naman ako. ''Opo.''

Tumango siya. ''Do you love him that much?'' Tanong niya.

''Po? Siyempre naman po.''

Tumawa naman siya. ''What kind of questions am I asking? Of course you love your Dad. He's your Dad after all.''

Ngumiti ako at tinawag ang isang waiter at umorder ako ng Frappe.

''So, I want to ask you, kamusta naman si Vanessa? Kinakanti ka pa din ba niya?''

Napatingin naman ako sakaniya. Magsisinungaling ba ko? O hindi?

''Uhh, hindi na po. Hindi ko na nga po siya masiyadong nakikita sa EU.''

''Good to hear that. Akala ko binabagbag ka pa din niya. I'm really sorry for what my daughter did to you."

Ngumiti ako. "It's okay sir. Matagal na din po 'yun at mabuti na lang po hindi niya na po ako ulit pinagt-tripan."

Tumango siya. "I'm happy because she changed." Aniya.

Ngumiti ako at nagkwentuhan kami ng ilang oras doon. 4pm nang matapos kaming magusap. Nagpasundo ako kay Kuya at si Mr. Santiago naman ay bumalik sa office niya dahil may meeting pa daw siya.

"What did you talked about?" Tanong saakin ni Kuya habang nakatuon ang mata sa daanan.

"Business. School and Vanessa." Simple kong sagot at sinandal ang ulo ko sa bintana.

Tumango si Kuya at nang makarating kami sa bahay ay naglaro lang kaming tatlo ng Monopoly.

**

~ Monday ~

Umupo ako sa upuan ko at nasulyapan ko ang isang sticky note na nakadikit sa desk ko.

Sis, goodmorning! :) don't make kalokohan okay? Hehehe. Conyo eh :) my eyes are on you.

- Ate

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis na ba ako sa note na binibigay nitong tao na 'to saakin nang biglang may nagflash back saakin.

Papunta na ako sa locker ko nang may nakita akong babae na nasa tapat ng locker ko at may ididikit na sana.

"Hoy! Teka!" Sigaw ko sakaniya.

Agad niyang ibinaba ang kamay niya at hindi siya gumalaw ng ilang segundo ng bigla siyang tumakbo.

"Teka lang! Ate!"

Campus QueenWhere stories live. Discover now