4

24 5 0
                                    

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G


Vien's Pov:

Dahan-dahan kong iminulat ang aking kanang mata bago ko tuluyang imulat din ang aking kaliwang mata. Nais kong makasigurado sa mga bagay na nangyayari. Sinisigurado ko lamang na walang kaluluwa sa paligid. Hindi pa ako lubusang nakababawi sa nangyari kahapon.

Pasalamat na nga lamang din ako, dahil hindi nagkaroon ng anumang mga katanungan ang mga kaibigan ko. Marahil ay inisip na lamang nila na maaring may pinagkakaabalahan na naman ang aking isipan.

Hindi ko na alam pa kung ano ang mga bagay na nangyayari sa akin. Naguguluhan na ako ng lubusan at mas lalong dumarami ang katanungan na nabubuo sa aking isipan.

Alam ko na may espesyal akong kakayahan at iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mga normal na tao. Normal din naman ako, ngunit kakaiba lamang kumpara sa napakaraming tao sa mundo. Hindi na sa akin bago na makakita ng mga kaluluwa, hindi na sa akin bago na sundan nila ako, o kausapin man. Ngunit itong panibagong kaluluwa na nagpapakita sa akin ay tunay na kakaiba.

Makailang beses na siyang nagpakita sa akin, ngunit hindi niya pa ako ginawang kausapin. Lumalapit siya ngunit hindi sapat ang lapit na iyon upang mabasa ko siya. Wala akong isang ideya man lamang kung ano ang pakay niya. Maliban sa nagpapakita lamang siya at hindi nagsasalita ay masasabi ko na hindi niya ako sinusundan. Kundi, ako ay kaniyang hinihintay.

Ayaw ko man husgahan ang kaniyang wangis, ngunit nagiging isa itong aspeto upang hindi maging maganda ang pakiramdam ko. Ngunit sabi nga nila, huwag tayong humusga sa kanilang panlabas na kaanyuan dahil may posibilidad na iba ang kanilang nararamdaman o kaugalian.

Ipinagtataka ko lamang na sa dami ng mga kaluluwa na nakita ko simula ng bata pa ako hanggang sa kasalukuyan, siya lamang ang natatanging kaluluwa na ninanais kong kausapin. Oo, nais ko siyang kausapin upang sa gayon ay malaman ko kung anong nais niya, kung anong kailangan niya.

Sa patuloy na pagdaan ng mga araw, sa patuloy na pagdaan ng mga gabi nahihirapan na akong makatulog. Nahihirapan na akong ipikit ang aking mga mata sa tuwing nanaisin kong matulog, binabagabag ako ng sarili kong takot at pangamba. Takot sa mga bagay na maari at puwedeng mangyari at pangamba sa mga bagay na hindi ko rin mawari kung ano.

Ayaw kong pairalin ang aking kyuryusidad ngunit wala akong magawa dahil marami akong katanungan. Kaya kahit hindi ko gusto wala akong ibang magagawa kundi ang patuloy na maghanap sa mga katanungan na hindi ko magawang bigyan ng kasagutan.

Patuloy pa rin akong naguguluhan ngunit mayroon na akong desisyon sa aking isipan. Kailangan kong malaman at hanapin ang katotohanan. Napakarami kong katanungan at napakarami rin ang kasagutan ang kailangan kong mahanap.

Ginulo na ako at ginambala ng kaluluwang iyon kaya ang tanging magagawa ko na lamang ay pasukin ang lugar niya at alamin ang tunay niyang katauhan.

Desidido na ako, desidido na akong tulungan siya sa abot ng makakaya ko, ngunit hindi ko sinabi na desidido ako na magtiwala. Tutulungan ko siya ngunit hindi ko ibibigay ang tiwala ko.

Kung kailan niya ako nais kausapin at kung wala naman siyang balak, kung kinakailangan na komprontahin ko siya ay gagawin ko.  Kailangan niya ng tulong alam ko at nararamdaman ko. At wala akong balak ipagkait ang tulong na maaari ko naman ibigay.

Fake Words ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon