Nakita kong natatawa siya at bakas pa rin ang pagkamangha.

"I just wanted to make sure that she's home safe." Kumunot ang noo ko.

"Bakit nga po?" he chuckled.

"I'm her friend. She knows me," hindi ako kumbinsido.

Base sa nakita kong iyak ni Tita Kilari ay alam kong hindi lang siya basta kaibigan. Duda ako sa kilos niya. Kaya sino ba 'to?

"Friend? Walang kaibigan si Tita Kilari bukod sa 'kin na pamangkin niya. Kaya sino ka... po?" 

Natigilan siya at parang napaisip. Nagawa pa nitong kumamot sa likod ng kanyang ulo tila hirap na mag-explain sa akin.

"I'm Payton," ngumiwi ako.

"Ang weird ng pangalan niyo... po." Humalakhak siya at tuluyan ng hindi naitago 'yon.

"Yeah... ang mama ko ang nagpangalan sa akin niyan. Kilari also said that. And Payton sounds cool. So I'm cool," ngumiwi akong muli.

"Pero bakit nga hinahanap mo si Tita Kilari... po?" bigla siyang sumeryoso.

"I wanted to talk to her but it looks like this is not the right time. I badly want to talk to her and tell something about us..." tuluyan na akong nagkaroon ng interes sa kanya.

"Boyfriend ka niya? O, hindi... po?" alam kong nagiging matapang na ako ngayon.

Gusto ko lang protektahan si Tita Kilari. Dahil sa mga nagdaang taon ay siya ang pumo-protekta sa akin. Ang lalaki sa harap ko ay hindi naman mukhang masamang tao at may gagawin na hindi ko magugustuhan. 

Masyadong magaan ang presensya niya ngunit masasabi kong brusko ang pangangatawan nito... at mabango rin!

"I want to tell it to you, but I know that Kilari should tell it to you first. I'm not in the right position," malumanay niyang sabi. "Gusto ko lang talaga malaman kung nakauwi ba siya ng maayos. And I guess, she is..." 

Nilingon niya pa ang likuran ko ngunit hindi naman naaalis ang tingin ko sa kanya. May kamukha siya pero hindi ko lang matandaan kung sino. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Hindi ko maitatanggi na guwapo ang lalaking nasa harapan ko. Mayaman. Malinis. Mabango. At... mukhang mabait. Pero base na rin sa nakita ko kay Tita Kilari, nabanggit niya na nasasaktan siya. Is this because of this man in front of me?

"So... I should go first. It's nice to meet you... Milada." 

Ngumiti siya ngunit hindi ko na nagawang suklian 'yon. Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko at sinundan ko lang 'yon ng tingin. Even if he told his name, hindi pa rin ako mapanatag. 

"Sino 'yon?" 

Nilingon ko ang nagsalita at nakitang si Amadeus 'yon. Kunot ang noo at sinundan na rin ang dinaanan ng sasakyan ni Ms. Payton.

"Si Mr. Payton," tipid kong sabi.

"Bakit? Anong kailangan niya? Why did he go here?" sunod-sunod niyang tanong 

"Si Tita Kilari ang sadya niya. Mukhang manliligaw ng tita ko," kibit balikat kong sabi.

Kunot pa rin ang noo niya kaya niyaya ko na lang ito papasok sa loob ng bahay. Hindi na rin naman bumaba si Tita Kilari kaya ako na lang ang gumawa ng meryenda namin ni Amadeus.

Habang naglalapag ako ng pagkain sa center table ay busy naman si Amadeus sa pagsusulat. Mukhang iyon ang pasasagutan niya sakin mamaya. Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na kami.

Mariin akong nakikinig sa kanya lalo't kailangan na talagang magseryoso. Sa susunod na linggo na ang exam namin at nagpapasalamat ako dahil hindi man lang napagod si Amadeus sa 'kin. Sa hirap ko ba naman turuan ay nagawa niya pa rin akong pagtiisan.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now