Prologue

6 2 1
                                    


"Hi, ate! Can I take a selfie?"


Ngumiti ako at pumayag na makipag-selfie sa kanya. Tinignan ko siya bahagya. Mukha pa siyang bata, parang sampung taon pa lang. Nginitian ko siya bago siya umalis. Hindi ko alam bakit parang tumatalbog puso ko hanggang ngayon. Siguro naninibago pa rin ako.


Nilibot ko ang tingin ko sa buong park, ang dami pa lang pinagbago dito. Ang daming memories na nangyari sa Aroyale Park. Tinignan ko ang orasan ko, alas-onse pa lang ng umaga. Hinanap ko kung saan pumunta iyong batang nakipag picture sa akin kanina, kaso hindi ko na makita. Umuwi na lang ako sa bahay dahil mukhang uulan.


"Oh, umuwi ka na agad?"


Bungad ng bestfriend ko na si Arin. Naamoy ko ang niluluto niya, tinignan ko kung anong niluluto niya, pritong hotdog lang pala.


"Oo, parang uulan kasi." Ani ko.


"Pupunta raw sila Yeri dito, kasama sina Vernon at Shua." Sabi niya. Hinanda niya na ang mga plato sa la mesa.


"Dito ba sila matutulog?" Tanong ko. Sa tagal ko nang hindi nakakasama mga friend ko, miss ko na ang mga mukha nila.


"Oo, mag s-sleep over daw sila dito." Sabi niya pa. "Pasensya na, hotdog lang ulam natin ngayon kasi hindi pa rin ako marunong mag luto." Dagdag niya.


"Tanga, favorite ko naman ang hotdog, kaya oks lang." Ani ko. 27 na si Arin, habang ako naman ay 25. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya marunong mag luto, siguro tinatamad na lang siya matuto. Kumuha ako ng kanin at ng ulam. May narinig naman akong busina sa labas. Mukhang sila Yeri na 'yon. Bumukas ang pinto at unang pumasok si Vernon at Shua. Sumunod naman si Yeri.


"Tangina, nandito na pala si Dayne? Kailan ka pa nandito?" Gulat na tanong ni Shua.


"Noong isang araw pa iyan nandito, Shua! Ayan hindi mo alam kasi nandoon ka lagi sa Cavite binibisita mo jowa mo!" Sabi ni Arin.


"Kahit kailan ang takaw mo pa rin," Rinig kong sabi ni Vernon. Alam kong sa akin niya 'yon sinabi, kaya nag react ako.


"Sino ka ba? Hindi kita kilala." Sabi ko kay Vernon.


"Sino?" Ani Vernon.


"Ikaw-" Putol niya sa sinabi ko.


"Kausap mo?" Dagdag pa ni Vernon. Inirapan ko na lamang siya at binaling ang mata ko kay Yeri.


"Oh, Yeri? Kumusta ka?" Tanong ko. Alam kong busy siya sa buhay niya ngayon dahil sa business niya.


"Bakit ako tinatanong mo niyan? Dapat ikaw tinatanong namin niyan, kumusta ka na, Dayne?" Ani Yeri.


Hindi ko alam pero parang bumalik ang lahat ng mga ala-ala kong binaon ko na sa limot. Ala-alang kahit anong gawin ko, hahabulin at hahabulin ako. Inaalala ko kung paano ako sumuko sa lahat ng problema ko, paano ako iniwan ng taong mahal ko. Lahat ng ala-ala, akala ko limot ko na. Parang habang buhay na rin 'to nasa isip ko. Araw-araw binibisita ako ng taong mahal ko sa panaginip ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NEOLOGY Series #1: She Will Be Loved (Jeong Jaehyun au) | On-goingWhere stories live. Discover now