🖤 CHAPTER 12 🖤

Começar do início
                                    

Tumalikod na lamang ako para simulang umalis ngunit saglit akong nabigla ng bigla na lamang tumambad sa paningin ko Ang Queen bee nila.

Naka yuko Ito at hindi maka tingin sa akin at ganon din ang mga alipores nya. Napangisi na lamang ako saka umalis sa bungad ng pintuan ng kanilang silid-aralan.

"Pumasok na kayo." I use my husky voice to them. Kita ko Ang pamumula ng mga mukha nila ng iangat nila Ang kanilang tingin sa akin Lalo na ng kanilang queen bee.

Palihim naman akong napangisi ng makita ko Kung paano Ito umiwas ng tingin sa akin habang namumula.

"A-Ahmm..." Akmang may sasabihin Ito kanya hinintay ko Kung ano man Ang gusto nyang sabihin ngunit lumipas ang ilang sigundo ay hindi na ito umimik.

Nagkibit balikat na lamang ako saka ibinulsa ang dalawa kong kamay sa suot Kong pants.

Akmang maglalakad na sana ako paalis ng biglang may kamay na humawak sa braso ko.

At ng tingnan ko ito ay nahihiya pa itong tumingin sa akin saka dahan dahang binitawan ang braso ko. Napakunot-noo naman ako dahil sa ginawa ng queen bee na ito.

"A-Ahmm g-gusto s-sana kitang y-yayaing m-mag l-lunch mamaya." Pahina ng pahina Ang boses nito habang lalong namumula ang buong mukha. Napa ngiti naman ako ng maliit saka Napa tawa ng mahina kaya't napatingin Ito sa akin habang nanlakaki ang mga mata maging ang kanyang  mga alipores. Ramdam ko rin ang tingin ng kanilang mga kaklase mula sa loob ng kanilang silid-aralan.

She's cute.

Nginitian ko ito kaya't bigla itong napasinghap at muntik pang matumba, agad ko namang pinulupot ang aking braso sa kanyang baywang saka aga hinila palapit sa akin upang bigyan aga ng suporta. Ramdam ko Ang panghihina ng tuhod nito kaya lalong humigpit Ang pagkaka-hapit ko sa kanyang baywang.

"A-Ahh... S-Sorry..." Napa iling iling nalang ako dahil sa mahina nitong boses na halatang nahihiya sa akin.

Hinawakan ko baba nito sa itinaas upang maka-pantay ng mukha ko. Pilit nitong iniiwas Ang tingin ko kaya't muli akong napa-tawa ng mahina.

"Okay. I will have lunch with you later." Saglit pa itong Napa tulala nawaring di maka paniwala sa narinig.

Pansin ko ring nakaka agaw na kami ng atensyon ng iba lalo na ang mga dumadaan sa direksyon namin pati na rin ang mga estudyante sa kanilang silid lamang.

Lumayo na ako rito saka ginulo ang buhok nito bago ako lumisan sa harap nila.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo ngunit rinig ko na kaagad ang tilian galing sa direksyon nila kaya Napa iling iling na lamang ako.

Naka pamulsa akong naglakakad habang nakangisi patungong silid-aralan ko.

---------------

"Makinig kayo. Nakikita nyo ba ang dalawang boteng nasa harap ko?. Upang ipaalam ko sa inyo, Isa dito ay lason at ang isa naman ay lunas."

Bagot akong naka pangalumababa habang nakikinig sa sinasabi ng maestro sa harapan.

Nakalimutan ko na ang pangalan nya at wala rin Naman akong pakealam.

Seryusong nakikinig ang mga kasama ko sa iisang silid ngunit ramdam ko rin ang kanilang pagka-bagot.

Pinagmasdam Kong mabuti Kung paano kumuha ng dalawang halamang naka-paso ang maestro saka Ito inilapag sa lamesa nya katabi ng dalawang bote.

Pinagmasdam ko ng mabuti ang bote. Base sa nakikita ko masyadong mataas ang mahikang nakapaloob sa mga bote kaya't di mo makikita Kung ano ang kulay ng mga likidong nakapaloob dito. At di mo rin malalaman Kung nasaan ang lason at panlunas sa dalawa.

Reincarnate To Be Her (REVISING)Onde histórias criam vida. Descubra agora