Kung mayroon man siyang pinaka-iingatan sa bawat taong malapit sa kanya, iyon ang kanilang tiwala na itinatanim sa kanya. Bihira ang mga taong ganoon, kaya naman sobra niya iyon kung pakaingatan niya.

Kumunot ang noo ni Kelly. "Bakit? Ano bang nangyayari? Hindi mo ako sasamahan?" Sunod-sunod na tanong ni Kelly, parang nataranta pa.

Mahina namang tumawa si Alex, hindi pinapahalata na pilit lamang iyon. "Ako ba ang jowa? Ako ba ang magsu-surprise?" Napangiwi si Kelly sa ideya na iyon.

"Ako!" Maagap niyang tugon, sumama ang mukha niya kay Alex. Hindi niya nagustuhan ang tanong nito.

"Iyon naman pala! Tsaka baka kapag ako ang pumunta roon. Sumama lang ang loob niya! Ako ba naman ang haharap sa kanya, 'di ba?" Hindi niya naiwasan na maging sarkastiko ang kanyang tono.

"Pero galing ka na sa taas, 'di ba?"

Napalunok si Alex, kita niyang tutok sa kanya si Kelly. Tumikhim siya, bago niya sinagot si Kelly. "Oo... pero hindi ko siya nakita."

Nagkasalubong naman ang kilay ni Kelly, puno iyon ng pagtataka. "Bakit ka galit na galit? Pinipilit mo pa na umuwi na tayo?"

Sa isipan ni Alex, kinukwestyon na niya kung bakit maraming tanong si Kelly sa kanya? Bakit hindi na lang siya umakyat!

Napakamot sa ulo si Alex. "Ah... iyon ba? May nag-aaway kasi sa taas nang umakyat ako, ayaw ko lang na ma-stress ka... at masaktan, lalo na't nagkakagulo kanina." Isa iyong kasinungalingan, pero iyon lang ang tangi niyang naiisip na dahilan kay Kelly. Lalo na't naging matanong na siya.

"Baka hindi pa sila tapos..."

Napaiwas ng tingin si Alex. Hindi na niya kinakaya ang kanyang ginagawa. Napakainosente ni Kelly, para tratuhin niya ng ganoon. "May pumigil naman na kanina, bago ako bumaba."

"Sige... akyat lang ako, hintayin mo ako." Doon nakita ni Alex na nasa mood na ulit si Kelly, nakangiti na iyon bago pa tumalikod sa kanya. Iyon lang din ang pagkakataon kung saan nakahinga ng maluwag si Alex. "Huwag mo akong iwan, ha!" Nagbanta pa nga.

Natatawa lang na tumango si Alex, mas lalo namang wala siyang balak na gawin iyon!

PAGKASARADO pa lang ng pinto ng elevator, hindi maiwasan na kabahan ni Kelly. Hindi niya mawari kung bakit niya iyon nararamdaman.

Minuto lang ang itinagal nang bumukas muli iyon senyales na nasa ikalabing limang palapag na siya ng building. Halos hirap siyang maihakbang ang kanyang mga paa. Normal naman iyon na mamangha siya sa lawak ng building, kaya normal din ang nararamdaman niya.

Nagtataka siya kung bakit halos wala namang mga empleyado. Akala ba niya may mga nagtatalo kanina? Sa pagkakaalam kasi siya, malabo na mangyari iyon. Lalo na kung sa palapag na kung nasaan ang opisina ng CEO.

Napaisip si Kelly dahil pamilyar sa kanya ang lugar. Malabo man sa kanya ang pangyayaring iyon, pero kahit katiting na tsansya alam niya na itong palapag kung saan siya dinala ni Adam noong gabing mangyari ang isang insidente na hindi niya inaasahan dahil sa nakainom siya ng tubig.

Sa pag-aakala na tubig lamang iyon, kaya nalagok niya lahat nang gabing iyon. Iyon pala hindi lang normal na tubig.

Bumalik sa kanya ang araw na iyon, kabado siya tuwing naaalala dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung sino ang may pakana, o ano ang balita sa lalaking sumubok na may gawing masama sa kanya.

Pero dahil sa pangako ni Adam, panatag ang kanyang kalooban. Ang pangyayari na iyon, ay malabo ng mangyari o maulit pa.

Tumigil si Kelly sa tapat ng opisina ni Adam, wala ang sekretarya niya dahil lumabas iyon kanina. Kaya panigurado na mag-isa lang ni Adam sa loob.

Humugot si Kelly ng lakas ng loob, bago hinawakan ang hamba ng pintuan at dahan-dahan iyon na binuksan.

Halos manlamig ang buong katawan ni Kelly sa pagkakatayo, dahil sa sitwasyon na nadatnan niya. Mabuti at nakahawak siya sa hamba ng pintuan, kung hindi kanina pa siya natumba sa sobrang panghihina ng kanyang katawan dahil sa nararamdaman.

Hindi na rin nakaiwas ang pagbuhos ng kanyang luha, gusto niyang lisanin ang building na iyon.

Ang ideyang mag fiance si Adam at Noreen, ang kasinungalingan na ipinaliwanag ni Adam sa kanya. Natanggap pa niya!

Pero ang reyalidad na nakatapong si Noreen sa ibabaw ni Adam na nakayakap pa, payapa. Walang ibang iniisip, iyon hindi kailanman niya kayang tanggapin.

Bago pa siya makita ng dalawa, dahil ayaw din naman niyang makita siya o maabutan siyang nakikita silang dalawa. Kahit anong panghihina ng kanyang paa, ginawa pa rin niya iyon na ihakbang para makaalis sa palapag na iyon.

Hindi pa rin tumigil ang luha niya, habang habol ang kanyang hininga. Hanggang sa makalabas siya ng elevator, doon pa lang mas lalong hindi na niya napigilan ang sarili na humagulgol at sinalubong ng mahigpit na yakap si Alex.

"T-Tama ka... h-hindi makakabuti sa akin ang lugar na 'to..."

To Be Continued...

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now