Chapter 4

5 0 0
                                    

Chapter 4

"Kailangan ko ng mag handa maiwan na kita dyan, Ash una na ako." Paalam ko sa kanya dahil ako na ang sasalang sa assessment at kailangan kong kalabanin ang isa sa mga Elite's.

"Calling for Mr. Zekestein Fortee please come in the arena" tawag sakin ng commentator sa gitna ng arena.

Eto na, kailangan ko lang ipakita ang mga napag-aralan ko nitong mga nakaraan pagsasanay ko. Naglalakad na ako paakyat sa stage ng mapansin ko kung sino ang makakaharap ko.

Blaster isang magi, kapareho lang sya ni Al parehas silang magi. Magi ang tawag sa mga magician na kayang mag kontrol ng dalawa o higit pang kapangyarihan. Flame and Earth magic ang kayang kontrolin ni Blaster, medyo tricky ang kakayahan nya dahil para syang Vulcan pa minsan minsan dahil mabilis mag init ang ulo nya.

"Ahmm sir pede po akong gumamit ng equipment para makipag laban di po ba?" Tanong ko sa commentator na nasa harapan ko ngayon.

"Oo pwede naman dahil isa kang alchemist hindi kayo pinag-babawalan gumamit ng mga equipment para sa inyo." Sagot ng commentator sakin.

"Kailangan mo pa ba talaga ng ganon Zeke? Ang alam ko kaya mo naman mag materialize ng element mo di ba?" Tanong sakin ni Blaster.

"Ano bang pinag sasabi mo dyan Blaster? Nakalimutan mo na ba Beginner class parin ako hanggang ngayon kaya impossible na magawa ko yung kaya nyong mga High class katulad mo." Nilabas ko na lang yung espada ko na mayroong inscription sa katawan, galing sa belt bag ko.

"Hoyy ang duga mo naman may inscription ata yung katawan ng espada mo."

"Well you're a High class already so how do you expect me to fight you huh?" Sabay lagay ng magic espada ko, nag focus ako sa daliri ko at doon nilagay ang magic na kakailanganin ko para mapagana ang inscription na nakalagay dito.

Pinadaan ko ang daliri ko sa mga inscription at agad na nag ilaw ito isa isa.

"Seriously alam ko naman na magaling ka sa hand to hand combat pero ang dinig ko halimaw ka daw pag gumagamit ng espada." Sabi nya habang umiiling pa, "Binalaan na ako nila Al na wag ka daw papa-gamitin ng espada, but look at you were not even starting but your already using one."

I chuckled at what he say and, "Well di ko naman alam na naalala pa nila ang pag gamit ko ng espada, sa totoo lang akala ko pati iyon nakalimutan na nila." I said while remembering the past.

Then the commentator started the countdown. "Baksbi! Smoke!" Sabi ko kay Baksbi ang aking Familiar Golem.

Kinuha naman agad ni Baksbi ang botelya na may lamang usok, ang usok na laman neto ay hindi normal na usok dahil isa itong usok na gawa sa magic, hindi ito basta basta na nawawala kapag hinawi mo lang.

When the commentator reach one, i drew another sword which shock Blaster. Pinag sangga ko pa ang dalawa kong espada bago sumugod sa kanya.

Inilagay ko ang pwersa ng magic sa dalawa kong paa, para pabilisin ang aking pag takbo, at ng iwasiwas ko na ang aking espada inilagay ko naman ang pwersa sa dalawang kamay ko na may hawak ng espada.

Yun ang ikinagulat ni Blaster kaya nawalan sya ng balanse at tumalsik patalikod. Bigla namang natahimik ang mga nanonood samin.

Nang makatayo si Blaster pina ulanan nya ako ng Fire ball, isa sa mga basic na kakayahan ng mga Flame user magician.

Kaya inilagay ko na ulit ang pwersa ng magic ko mula binti hanggang paa ko para mas mapabilis ko pa ang kilos ko at makalapit ulit sa kanya. Nang makalapit naman ako, tumalon ako paatras dahil may naramdaman akong kakaiba sa paanan ko.

Di nga ako nag kamali dahil may lumabas na apoy mula sa kinatatayuan ko kanina.

"Tama nga sila, meron kang natural na abilidad na makaramdam ng mga magic sa paligid mo." Nakangisi nyang sabi saakin.

"Well didn't expect that you also know about my natural ability." Nakangisi ko ring sabi sa kanya, "But one thing you guys didn't know while your away." Mas lumapad ang ngisi ka pag katapos kong sabihin yun.

"Baksbi now!!" Sigaw ko kaya binitawan ni Baksbi yung botelyang may usok kaya kumalat ang usok na laman ng botelya.

"This is where the true show begins," sabay smirk sa kanya bago pa sya mawala sa paningin ko.

Pinakiramdaman ko naman ang magic sa katawan ni blaster para malaman ang posisyon nya, at nang malaman ko na pinahina ko ang magic na napakaloob sa espada ko at inilagay iyon sa paa ko para bumilis ulit ang aking kilos ko, ng makalapit ako kay Blaster tinarak ko ang isang espada ko sabay talon papunta sa kabilang gilid nya.

Pagka landing ko sa kabilang gilid nya agad kong nilipat ang magic sa parehas na kamay ko at hinawakang parehas ang handle ng espada ko gamit ang dalawang kamay ko at inihampas ko paitaas ang espada ko, pero di ko pinatama ang talim ng espada ko upang hindi sya mahiwa.

Pagka palipad ko sa kanya kinuha ko ulit ang isa ko pang espada at binato palipad ulit sa kanya. Tumama ito sa kanang braso nya, pero nakapag palipad parin sya ng tatlong mag kakasunod na Fire ball kaya di ko na naiwasan iyon.

Eksakto namang nawala ang usok pagka bagsak ni Blaster kaya nakikita narin nya ako. "Ano kamusta ka naman sa ere?" Tanong ko sa kanya sabay smirk, hinugot nya naman ang espadang ibinato ko sa kanya na tumarak sa braso nya.

Pumwesto naman sya ng istilo ng pag gamit ng espada at nag salita, "Let's end this game, paubos narin naman ang magic ko sa katawan." Kaya pumwesto na rin ako para tapusin ang laban na ito.

Sa isang iglap lang tumumba na si Blaster ng may malaking hiwa sa katawan at mainit-init pa. "Nakalimutan ata nilang sabihin sayo Blaster, na hindi ako nagpapatalo pag dating sa pag gamit ng espada lalo na kung ito'y nanggaling din saakin." Natawa na lang ako dahil sa itsura nya.

Gising pa naman si Blaster kaya natawa na lang sya, kinuha ko na agad ang espada kong nasa kamay nya at tinggal ang isang inscription doon na nag bibigay ng pagka kilanlan ko sa espada at muling itinarak iyon katabi ni Blaster.

"Lagyan mo na lang ng dugo yan para magamit mo ng maayos, meron kasing inscription yan na hindi magagamit ng maayos hanggat di ako ang gumagamit kaya ka na talo." Mabilis na akong umalis sa arena dahil alam ko naman na dudumugin ako ng mga estudyante pag nakita pa nila ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fantasia The World Of Magician'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon