Chapter 1

5 0 0
                                    

Chapter 1

*Zekestein 8 years old*

"Zeke bilisan nyu na!" Sabi sakin ni Al habang inaalalayan nya si Ella.

"Teka nga lang kasi! Eh kung tulungan mo din kaya ako dito?!" Pababa galing sa matarik na bundok ng mga bato.

Habang naglalakad sa kakahuyan may nakatisod saking malaking bato.

"Ahhhh ang sakit naman neto!"

"Ano na namang kalampahan yan Zeke?" Sabi sakin ni Al

"Ano ba Al tutulong ka ba o tutulong ka?"

Inabot ni Al ang kamay nya habang tawa parin sya ng tawa. Pagkatayo ko tinignan ko yung nakatisod sakin.

"Oy Al alam mo ba kung ano toh?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa bato na nakatisod sakin.

"Ayy wala toh Ella naumpog na ata yung ulo at naging tanga na. Hahahaha" naki tawa na lang rin si Ella dahil sa kanya. Lumapit ako sa bato para tignan ng mabuti iyon.

"Woy Zeke tara na kailangan na nating maka uwi baka mapagalitan pa tayo ni ate Sof." Sabay lakad paalis.

Tumayo na agad ako para humabol sa kanila. "Woyy hintayin nyo naman ako."

***

Pagkarating namin malapit sa bahay nakita ko na agad si ate Sof na nag aabang sa bakuran namin. "Hi ate Sof-"

"ZEKESTEIN FORTEE!! Saan ka na naman galing!!" Sigaw na bungad samin ni ate Sof.

"Hala nag paalam naman po ako ahh"

"Kanino!?" Halos may lumabas ng usok sa ilong ni ate Sof sa sobrang galit nya.

"Kay kuya Art!" Sabay sabay na sigaw naming tatlo sabay turo kay kuya Art na kakarating lang.

"ARTHUR BLAKE!!" Baling nya dito habang galit na galit.

"Heyy chill nag paalam lang naman sila sakin, tapos ang sabi ko sasabihin ko muna sayo kaso tinakasan ako eh" palusot na paliwanag ni kuya Art kay ate Sof.

Si ate Sof ang ang kapatid ko at si kuya Art naman ang kuya ni Al, may kapatid din si Ella si kuya Jay na nagtatago na naman sa kung saan.

"Asan na ba si Jay!?" Galit parin na tanong ni ate Sof kay kuya Art.

"Abay malay ko kausap ko lang kanina bigla na naman nawala eh" nag kibit balikat naman sya.

"Saan na naman ba kasi kayo nag susuot kayong tatlo?" Bungad samin ni kua Jay na bagong gising pa ata.

"Nag punta po kami dun sa Ruins na sinasa-"

"What?" Pagpuputol sa sasabihin ko ni ate Sof. "Paano naman kayo napunta sa lugar na yon at anong ginagawa nyu don?" Galit na namang baling sakin ni ate Sof.

"Ate Sof ang sabi kasi samin ni Kuya Jay maganda daw mag praktis dun" pagpapaliwanag ko sabay tingin sa dalawang best friend's ko.

"Oo nga naman po sabi ni sabi rin po ni kuya Art malakas daw kasi po yung Magic Source dun." Pang gagatong ni Ella sabay tingin kay Al.

"Tsaka sabi po nila di naman daw po kami mapapahamak dun eh, diba kuya Jay kuya Art." Sabay puppy eyes na tingin niya sa dalawa.

Galit na namang bumaling si ate Sof sa dalawa na nag peace sign sa kanya. Pero may bigla namang tumawag kay ate Sof na nag pa ngiti naman sa kanya.

"Sofia? Andyan ka ba?" Tinig ng isang babae sa likod ni ate Sof.

"Joyce!! Andito ka na pala? Kala ko bukas ka pa makakarating?" Tuwang tuwa namang baling ni ate Sof kay ate Joyce.

Nagyakapan naman silang dalawa "Namiss kasi kita, pati narin tong tatlong bullinggit nato." Sabay himas ng ulo naming tatlo.

"Ano ba ate Joyce di na ako ganun ka bata ehh so please don't treat me like a baby." Pag mamaktol ko kay ate Joyce dahil ginugulo nya parin ang buhok ko.

"Okay okay big boy na daw sya" Sabi ni ate Joyce habang tumatawa parin

"You will only treat me like a real man if i do this right?" Nakangisi kong sabi sa kanila at nagsimula ng maglakad papunta sa harap ni Ella, nag tataka naman silang lahat kung bakit ako lumapit kay Ella hanggang sa.

*Smooch* bigla kong hinalikan si Ella sa labi na nakapag pagulat sa kanya pati narin sa kanila. Tsaka ko lang din na realize kung ano yung ginawa ko ng bigla na lang napaupo si Ella ng umiiyak.

"E-ella" tawag ko sa kanya habbang kinakabahan. "H-hehehe s-sorry di ko s-sinasadya." Sabi ko sabay peace sign and awkward smile.

Bigla namang tumayo si Ella at hinabol ako habang umiiyak kaya napatakbo na lang ako.

Habang sila nag tatawanan na ako naman nahihirapan na kakatakbo

*After 10 years*

Nandito na naman ako naka tambay sa isang upuuan malapit sa field. Nakahiga ako parati dito para makapag isip na rin.

"Ano na namang trip mo sa buhay at naka tengga kana naman dyan?" Tinig ng isang babae na kararating lang. Naramdaman ko naman ang pag dating nya pero di ko na lang pinansin.

"Ano na naman bang problema mo? Can't you see? I'm resting" bored na sagot ko sa kanya.

"Pabalik na daw sila ahh di mo manlang ba kakamunstahin?"

"Yeah yeah yeah kaya naman na nila ang sarili nila malalaki na sila" bored ko paring sagot ng di man lang minumulat yung mga mata ko.

Kilala ko naman kasi yung tinutukoy nya kaya di na ako nag balak pang tumayo dahil wala narin naman na akong pakialam pa sa kanila.

"Di mo man lang ba babatiin yung pag balik nila?" Sabi nya habang nakaupo sa bandang uluhan ko.

Pagka mulat ng mga mata ko tinignan ko naman ng masama si Ash dahil kanina pa sya nakikialam sa tulog ko. Si Ashley Santiago isa sa mga babaeng naging kaibigan ko magmula nung iniwan ako ng dalawang best friend's ko.

Di naman nila ako totally iniwan dahil nalipat lang naman sila ng Section at naiwan na lang ako sa kabila. Magkakaklase kami nila Al at Ella pagkapasok sa Fantasia academy, kaso nga lang mabilis ang naging pagtaas nilang dalawa kaya naiwan naman akong mag-isa.

"Matagal tagal na din nang huli nila akong kinausap, sila naman ang nag simulang di ako kausapin ehh kaya hayaan mo silang lumapit sakin para kausapin ako." Sabi ko sa kanya sabay tayo. Palakad na ako paalis ng makita ko ang mga Elite's na kinabibilangan nilang dalawa.

"Ah isa pa nga pala, wag mo na muna sabihin kay Ella ang mga napag usapan natin. Okay lang ba?" Lingon ko sa kanya sabay ngiti.

Binalingan ko ulit ang mga Elite's na kakapasok palang ng academy. Napalingon sakin ang isa sa kanila kaya ngumiti na lang ako at nag nod.

Fantasia The World Of Magician'sWhere stories live. Discover now