Him
" Sasama ka ba mamaya? Sa dating tambayan lang, kina manong lando"
Pag aaya ni caily sakin.
"Marami pa akong tatapusing homework kayo nalang muna at baka mapagalitan pa ako" sabi ko habang palabas na kami ng main gate ng university.
"Kj ka talaga kahit kailan last month ka pa nagrarason eh di naman tumataas yang grado mo hahaha" saad naman ni serene pinsan ni caily. Tumawa din ako kase totoo naman. Hindi ako matalino hindi din bobo medyo langs.
"Paano tataas eh halos lahat ng guro jan may paborito" saad ko habang tumatawa. Mahirap maging top student dito lalo na pag di maingay pangalan mo.
Dalawang klase lang ng istudyante ang nakakapasok dito. Una ay kung mayaman ka pangalawa ay kung may taglay kang talino. Eh wala naman saakin yang dalwang yan kaya nilandi ko yong dean dito para maka pasok charaught.
Matataas ang aking grado nong grade school kaya ako nakapasok dito, tsaka medyo may kaya rin. Mayor ang daddy ko at isa namang guro sa Elementarya ang aking ina.
"Mauna nako ikamusta nyo nalang ulit ako kay manong lando pasabi na rin na saka nalang ako bibisita pag naka luwag luwag na" pagpapaalam ko sakanila dahil nanjan na ang aking sundo.
"Manong nakauwi na po ba si daddy?" Tanong ko rito. Balak ko sanang mag enroll sa isang music school sana pumayag siya.
"Ma'am laging late umuwi ang daddy mo kaya wala pa ito sa inyo gusto nyo po bang sumaglit sakanya?" saad nito. Umiling nalang ako.
Pagdating sa bahay nakita ko si mommy sa kitchen nagluluto alangan naman nagtuturo haha.
"lei... How's school?" tanong nito habang patuloy parin sa pagluluto ni di ako binalingan ng tingin huhu.
"Uhm ayos lang naman po" sagot ko rito habang nagtatanggal ng sapatos.
"Change your clothes and we'll gonna eat na" saad nito. Tumango ako at umakyat na.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama sa sobrang pagod ko. Marami pa akong tatapusin kaso parang di na ata kaya ng aking katawan.
Pumikit ako saglit ngunit pag gising ko umaga na naknangtangina late nako. Pasado alas otso na eh eight ang pasok ko! grrr...
Dali dali akong nagbihis at nagpahatid na, ni di nako kumain pa kasi sobrang late nako diba kakasabi ko lang haha.
"Good morning miss" saad ko sa teacher ko nang nasa corridor nako. Kinunotan nya ako ng noo.
"You're 30 mins late miss Forbis, go to your seat and get any paper cause we'll having a quiz today and it's 50 items. I hope you all review because it's identification." deretsong saad nito. Dali dali akong naglabas ng papel at nagsimula na rin.
"Grabe talaga si Ma'am sa research bigla bigla nalang magpapa quiz wala namang sinasabi kahapon" kamot ulong pagrereklamo ni serene. Talagang napakahirap nong pagsusulit kanina buti may mga alam ako konti don kaya nasa 38 ang score ko ayos na yon yon.
Nasa cafeteria kami ngayon at napaka haba pa ng pila gutom na mga bulate kow jusko.
Nang nakabili na kami humanap kami ng pwesto at nagsimula nang kumain.
"Samahan nyo ako sa school ni kuya mamayang lunch idadaan ko tong libro nya buset ambigat" sabi ni caily at ipinakita ang tatlong makakapal na librong dala.
"College na kuya mo diba? Anong course kinuha nya? " tanong ko rito.
"Ewan ko, sa pang nurse ata yon medtech ba? Eh basta wala akong kaalam alam don haha basta humihinga ako ang importante" sabi nito.
"San nga siya nag aaral don ba sa Francois? " tanong ko ulet wala lang trip ko lang wala akong masabi eh.
"Daming tanong ah type mo ba kuya ko? Ayos lang sakin magkakilala naman tayo" pagtutukso nya. Ngumiwi ako yak ayoko don no parang bakla
"Nanggagago kaba mukhang bakla kuya mo no tsaka wala ngang mga kaibigan eh" asar ko dito at tumawa naman siya.
Napag pasiyahan nga namin na dumaan mamaya kaya pagtapos ng klase eto na kami hinihintay ang service nila.
Nasa main gate kami ngayon ng Francois Univ talagang napakalaki nitong unibersidad, kita mo na ito mula sa labas pa lamang.
"Alam mo ba san dito yong classroom ng kuya mo? Eh walangya sobrang laki nitong paaralan na to! " pagsasalita ni serene.
Pumasok kami ngunit bigla kaming hinarang nong guard. hala
"Sandali lang mga ineng asan na mga id nyo at parang iba ata mga uniporme nyo? Taga ibang unibersidad ba kayo? " tanong ni manong guard saming tatlo. Nagkatinginan kami.
"Ah opo sa West po kami may idadaan lang po sana kami" sagot ni caily at ipinakita ang libro.
"Nako bawal basta pumasok dito mga ineng pero.....sige na nga basta bilisan nyo lang ha" sabi ni manong guard.
"Opo salamat po, tsaka magtatanong narin po ako san po bang building ng mga nag aaral sa nursing ganon po?" tanong ni caily.
"Deretsohin nyo lang tong hallway may pa kaliwang daanan jan may dalwang building don na makikita nyo isa sa nursing isa sa business ad yong kulay dilaw yon don kayo pumunta" sabi ni manong guard. Nagpasalamat ulit kami at tumuloy na.
"Daming mga pogi dito mga beh" bulong ni serene samin.
Maraming mga students ang nagkakalat dito. May mga nag aaral sa silok ng puno, may mga tambay sa mga garden, at tsaka syempre di mawawala ang mga naglalandian.
"Dito na ata tayo...eh ang problema saang classroom naman kaya dito, oh 4th floor pa" kamot ulong saad ni caily.
"Bat di mo nalang tawagan kuya mo para kunin nalang dito kung maghahanap pa tayo edi matatagalan pa at baka ma late pa tayo sa afternoon class" sabi ni serene.
Naglabas ng phone si caily at tinawagan ang kuya nya.
Tinignan ko naman ang paligid at napadpad ang tingin ko sa kaharap na building. Business? Nasa arts and music lang ang interest ko.
"oh? Nasaan? Ah sige sige" rinig kong sabi ni caily sa telepono.
Napatingin ako sa lalaking papalapit ngayon samin. Mukhang pamilyar ang mukha nya san ko ba to nakita. Lumapit ito samin.
"uhm excuse me? Kukunin ko iyong libro ng kuya mo" tuwid na sabi nito.
"Ah hello magkaklase ba kayo ni kuya? Mukhang galing ka sa kabilang building ah siguro hindi" sabi ni caily at inabot na ang mga libro rito.
"No... Sa business administration ako, mauna nako" sabi nito.
Tinignan naming tatlo ang likod nitong papalayo.
"Gwapo shet kaso mukhang may girlfriend, sa mga ganyang mukha imposibleng walang girlfriend tsaka mukhang playboy haha" kumento ni serene dito.
"Oo mukhang maraming chix yan tignan mo naman yong mga babaeng tumitingin sakanya oh parang mga binudburan ng asin ang lalandi" sabi naman ni caily
Damien....
