Chapter 1

53 1 0
                                    

[ Serena's point of view ]

"Bakit mo yun sinabi kay Bettina?" tanong ko kay Haru. Nandito kami sa garden ng school. Malapit sa lumang building na hindi na ginagamit.

"Wala talaga akong balak sabihin yun but she push my limit. Sawa na rin ako sa ugali niyang selosa, I guest this is the best para saming dalawa lalo't ikakasal na tayo." ngumiti siya kaya hindi ko maiwasan makaramdam ng saya.

"Kung ganun pinipili mo 'ko?" nag aalinlangan kong tanong. Tumawa naman siya bago ginulo ang buhok ko.

"The truth is I really like you Serena, hindi ko alam kung kailan nag simula pero naramdaman ko na lang na gusto kita." sunod sunod naman akong napalunok.

Hindi ako makapaniwala na gusto niya ako, ibig sabihin nun ay may pag asa talaga kaming dalawa. Ito na ata ang pinaka masayang araw para sakin.

"K-kung ganun, may balak ka bang ligawan ako?" matapos kong sabihin yun ay agad akong nag iwas ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman.

Ano ba yan Serena. Hindi porket sinabi niyang gusto ka niya ay gusto na din niyang ligawan ka!

Nawala ang ngiti sa mukha niya kaya lalo akong kinabahan. Hinawakan niya ako sa kamay bago ako tignan sa mukha "Sorry but I don't do courting. Isa pa magpapakasal na tayo di ba? Kaya ibig sabihin lang nun hindi ko na kailangan manligaw dahil girlfriend na kita." muli siyang ngumiti bago hinalikan ang kamay ko.

Ngumiti na lang rin ako kahit na nakaramdam ako ng dismaya. Simula kasi noon ay hindi ko pa nararanasan na ligawan ng kahit sino.

Only girl lang ako sa pamilya kaya sobrang higpit nila dad and kuya sakin. Akala ko kay Haru ko yun mararamdaman pero hindi naman pala siya nanliligaw.

Sa kabilang banda naman hindi ko pa din maiwasan maging masaya dahil matagal na 'kong may nararamdaman kay Haru at ang pag amin niya lang sakin ay sapat na.

"By the way, hintayin mo 'ko dito bibili lang ako ng pagkain ok?" tumango naman ako at ngumiti.

"Sige." agad siyang umalis kaya naiwan akong mag isa sa garden.

Habang nililibot ko ang tingin ay hindi ko maiwasan matigilan dahil tila may nakamasid sakin. Tumatayo rin kasi ang balahibo ko.

Napayakap ako sa sarili at nag libot ng tingin ng maigi. Napako ang mata ko sa lumang building at napakurap kurap pa 'ko dahil tila may anino ng tao sa isa sa mga room sa second floor.

Hindi ako sigurado kung anino ba talaga yun dahil medyo malayo din ang building sakin. Nag iwas na lamang ako ng tingin at hindi na ininda ang kilabot na nararamdaman.

"What's the meaning of this video princess?" nasa sasakyan ako habang kasama si Kuya Isaaic at Isaiah sa loob ng kotse.

Pinakita nila sakin ang video kung saan sinasabunutan ako ni Bettina. Napahinga naman ako ng malalim dahil talagang pinost ni Alexa sa fb yun.

Maybe I should cut our connection, I don't need a plastic friend like her. Baka siya pa ang magdala sakin sa kapahamakan.

"Bettina got mad nung malaman niya yung tungkol samin ni Haru." paliwanag ko.

"Then bakit ikaw yung sinaktan niya? Bakit hindi yung boyfriend niyang babaero!?" sarkastikong sabi ni kuya Isaiah "You can't blame her, I'm actually guilty kasi because of me they broke up." kita ko ang gulat sa mata ni kuya Isaiah.

"T-they broke up?" ulit niyang tanong kaya naman napatango ako. Ang nakangising si Kuya Isaaic na kanina pa tahimik ay nag salita.

"They broke up bro so you have now a chance to date her but oh I forgot. Matagal ka na palang may chance pero ayaw niya sayo." agad na binato ni Kuya Isaiah si Kuya Isaaic dahil sa sinabi nito.

KIDNAPPED BY THE RUTHLESS CRIMINALМесто, где живут истории. Откройте их для себя