"T-teka,akin yan."Sabi ni Cassy habang nakaturo pa sa kinuha kong flavor ng pagkain.

"Pare pareho lang naman yang mga pagkain,wag ka ng maarte dyan."Sabi ko at binuksan yung pagkain na kinuha ko.

"Bro,tang*na...di ba ito paborito mong flavor?"Turo ni Ivan sa isang siopao na bola bola.

"Mukha mo,asado paborito ko."Sabi ko sabay kagat sa siopao na kinuha ko.

"That's mine..."Rinig kong bulong ni Cassy.

"Tss...seryoso ka ba dyan?! Oh! Akin na yang hawak mo."Sabi ko at kinuha ang siopao na hawak niyang siopao at binigay ko sa kanya yung siopao na kinain ko.

"Tang*na,pre...kinagatan mo na yan!"Sigaw sa akin ni Ivan.

"Bakit ba ikaw nagagalit?! Di naman nagrereklamo yang si Cassy ah!"Inis na sabi ko at kinagatan yung siopao na bola bola yung flavor...tsk,ayoko nito eh.

"Kahit na,bro! Kinagatan mo na yun eh!"Sabi pa ni Ivan.

"Leche,kinagatan ko na rin ito! Tsaka naghati naman kami kanina sa isang sandwich lang! Di naman siya nagreklamo!"Sigaw ko pa.

"Ano?! Naghati kayo sa isang sandwich?!"Sabay sabay nilang tanong.

"Oh? Ano namang nakakagulat dun?! Mga ignorante ba kayo?! Di ba uso ang salitang share sa inyo?!"F*ck,daming tanong ng mga ito...maliit na bagay pinapalaki eh.

"Kailan ka pa natutong magshare?!"Tanong ni Adrian sa akin.Tinignan ko naman siya ng masama.

"Binibigyan kita ng kalahati ng mga nakakalaban ko,bro... nagrereklamo ba ako kapag nakikihati ka sa mga gang na nakakalaban ko?"Sabi ko sa kanya.

"Gang?"Biglang tanong ni Nicole at Cassy.

Nagkatinginan pa silang lima,si Abby naman ay mukhang nagtataka rin pero kilala naman kami nan na pala away.

"Wala yun,hahaha...tawag lang ni Edward yun sa mga nakakalaro namin sa basketball."Palusot ni Adrian.

"Suuus..."Pang aasar pa ni Abby.

"Cassy,bakit mo kinain yan?!"Halos matawa na ako sa naging reaction ng loser na Cassy na ito dahil sa sigaw ni Ivan.

"H-ha?"Takang tanong ni Cassy habang may kaunting laman ang bibig.

"Here,tissue."Inabutan siya ni Cash ng tissue dahil halos mailuwa na ni loser na Cassy yung kinakain niya.

"Bakit mo kinagatan yang siopao ni Edward?! Pwede naman kitang bilhan nan!"Sabi pa ni Ivan.

"F*ck it...keep your mouth shut,ang ingay mo."Pagpapatigil sa kanya ni Cash.

"What? Wala namang lason yang siopao ng kinagatan ko ah!"Inis na sabi ko sa kanya.

"Kahit pa! Kailan ka pa nahilig sa siopao,Edward?!"Tanong sa akin ni Ivan.Leche,nakakairita na siya nitong mga nakaraang araw parang baril yung bibig eh.

"Di ba kayo titigil?"Seryosong tanong ni Lukas.Mabilis naman tumahimik si Ivan at umayos ng upo.

Si Cassy naman ay di alam kung kakainin yung siopao o hindi dahil nakatitig lang siya dun.I know she's hungry.

"Cassy,kumain ka lang."Sabi ko sa kanya.Taka niya akong tinignan na para bang ngayon lang ako huminahon magsalita sa kanya.

"The fvck are you looking at?"Pagtataas ng kilay ko sa kanya.Nag iwas naman siya ng tingin.

"What the hell,Edward?"Kunot noong tawag sa akin ni Cash.

"Ohh? Ano na naman?"I asked,bored.

"Magsikain na nga lang kayo!"Seryosong sabi ni Lukas.

"Leche,ang awkward na dito."Dagdag naman ni Abby at binilisan ang pagkain.

"Mga pre,nandyan ba si Cash?"Biglang sulpot ni Josh ma kasama namin sa team.

"Bakit? May problema ba?"Takang tanong ni Cash kay Josh.

"May babae dun sa may gym...hihintayin ka daw niya."Pagkakasabi pa lang ni Josh,alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"Babae? Sinong babae?"Tanong ni Ivan.Napansin ko rin na parang interesado si Cassy pero di niya na ito pinansin ulit.

"None of your business."Maikling sagot ni Cash sa kanya.

"Okay,una na muna kami mga pre...kita na lang tayo sa gym mamaya."Sabi ni Josh kasabay ng pag alis nito.

Natapos na kaming kumain at pupunta na sa sunod na klase.Trip ko sanang mag cutting pero bantayan ko na lang itong loser na ito.

"Edward,Lukas..."Tawag sa amin ni Cash kaya agad kaming lumapit.

"Punta muna ako sa gym...may kailangan lang akong kausapin."Seryosong sabi sa amin ni Cash.

"Tapusin niyo na kung ano man ang maaaring maging koneksyon sa inyo,bro."Sabi ni Lukas kay Cash.

"Alam ko at wala na akong koneksyon pa sa kanya,matagal ng wala yun."Sabi sa kanya ni Cash.

"Sige na,puntahan mo na nang matapos na.Murahin mo pa para naman makadagdag dun sa sakit na ginawa niya sa'yo."Sabi ko naman.Tinap niya naman ang braso ko bago umalis.

"Saan punta nun?"Tanong ni Ivan.

"Bakit ba pakialamero ka?"Tanong ko sa kanya.Sinamaan niya naman ako ng tingin.

Wala na siyang tinanong at dumiretso na kami sa sunod na klase namin.

To Be Continue....

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now