Tiningnan ko ang nakalista at nakitang knorr cubes at magic sarap na lang ang kulang. Medyo mabigat na rin ang eco-bag na bitbit ko at sumasakit na rin ang aking balikat. Lumapit ako sa isang tindahan at agad na binili ang kailangan. Pagkatapos ay ginala ko na ang tingin dahil wala pa rin si Amadeus.

Lumabas ako ng palengke at naupo sa bench kung saan may iilang tao rin na nakaupo roon. Nagkalat ang mga benches na para talaga sa mga mamimili. Bumuntong-hininga ako at niyakap ang eco-bag na bitbit. Muling ginala ko ang mata at nakita rin si Amadeus. Pero hindi siya nag-iisa dahil kasunod niya si Aiden na may bitbit din na plastik.

"I thought you're alone," gulat na sabi ni Aiden ng makita ako.

Nanatili akong nakaupo at pinagmamasdan sila.

"I told you, I'm with someone." Seryosong sabi ni Amadeus bago bumaling sa akin.

"Sige, mauna na 'ko." They do a fist bump before separating their ways.

Dumiretso sa akin si Amadeus. Nagbaba ang tingin ko sa binili niya. 

"Chicharon lang ang binili mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin. Kinuha niya na din sa akin ang eco-bag ng isang kamay. Lumabas ang iilang ugat doon dahil sa puwersa.

"Yeah... ito lang." Tumango ako kahit nagtataka sa isang pirasong chicharon. 

Panakaw-nakaw ako ng tingin sa kanya na nasa tabi ko lang. Tinitingnan ko rin ang kamay niya na bitbit ang eco-bag. Mabigat 'yon pero mukhang hindi naman siya nahihirapan kumpara sa akin kanina. Punong-puno kasi ang laman ng eco-bag kaya masakit talaga sa balikat.

Umawang ang labi ko ng isabit niya ito sa kanyang balikat. Nakagat ko ang aking ibabang labi at hindi mapigilang mas mamangha sa kanya. 

Ang gwapo-gwapo talaga!

"Saan kayo nagkita ni Aiden?" pagsisimula ko ng usapan.

Mas'yado kasing tahimik ang paglalakad namin at mas lalong magiging awkward kung walang magsasalita.

"Sa tindahan lang," tipid niyang sabi at saglit akong tinapunan ng tingin.

"Munggo ba ang ulam niyo?" mukha siyang natigilan sa tanong ko at taka akong tiningnan. "Ah... kasi may chicharon. Ayan ba ang sahog? Masarap 'yon kung gano'n." Sabay ngiti ko.

Nanatili naman siyang nakatingin kaya bahagya kong iniwas ang mukha dahil ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Bigla na lang akong naging madaldal.

"Yeah..." halos bulong na lang 'yon ng sabihin niya. Tumango naman ako. "How about you? Anong... ulam niyo." He huskily said.

"Ah, hindi ko pa alam, e. Medyo mapili si Tita Kilari sa ulam kaya tatanungin ko muna siya bago ako magluto." Tumango naman ito.

"You're fond in cooking?" ngumiti ako at tumango.

"Noong buhay pa si mama, ang trabaho niya ay isang chef. Masarap siya magluto at ginagawan niya rin ako ng buko pie. Pangarap niya dati na magkaroon ng restaurant at ipapangalan sa 'kin. But she got sicked and..." bahagya akong tumawa. "Hindi niya natupad ang gusto niya dahil sa kanyang sakit. But I promised to her na kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral ay ako na ang tutupad ng pangarap niya. At siguro dahil sa mas'yado kong idolo si mama ay nagaya ko na rin ang ginagawa niya sa kusina. I suddenly love to cook."

Hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi ko. Tuwing naaalala ko si mama ay mas lalo akong ginanahan na tuparin ang pangarap niya. Idol na idol ko siya at sobrang taas ng tingin ko sa kanya. Pero dahil sa nawala si mama ay ang dating pangarap kong maging chef ay natabunan na at binaon ko na lang sa limot. Pakiramdam ko ay hindi ako magiging katulad ni mama pagdating sa kusina. 

Operation: Secret GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon