KABANATA 58

327 14 0
                                    

KABANATA 58


TRIGGER WARNING: Blood, Death, Violence, War.



“Well, Well, Well…Look who’s here?” Sabi ng boses na mula sa aking likod. Gulat akong napabaling sa kaniya.

Putangina. Siya na naman?! Asiwang asiwa na ako sa pagmumukha niya at saka paano siya napadpad dito?!

“I saw what you did while ago.” Nanunuksong sabi niya habang nilalaro ang baril niya. "I had no idea you were so skilled at archery and firing a weapon.” Parang namamanghang sabi niya. Kitang kita ko ang saya niya sa mga sandaling ito.

“Bakit kailangan ba alam mo lahat?” Pilosopo kong sambit sa kaniya.

Gusto ko man siyang seryosohin pero hindi ko makagawa. Hindi kasi siya kaseryo-seryosong tingnan at isa pa parang mas mapipika ko siya kapag hindi ko siya sineryoso.

“You didn’t change at all huh? Mayabang ka pa rin.” Uyam na sabi niya sa akin.

“You, too, haven't changed; you're still the disgraceful, delusional, and pathetic shithead I've known in the past..”

“Shut up! Do you want me to blow your brains out?!” Galit na galit na sabi niya sa akin at ikinasa ang hawak niyang baril at itinutok sa akin.

Mayabang ko siyang tiningnan at diretsong tumingin sa kaniya para ipaalam sa kaniya na hindi ako takot mamatay kahit anumang oras.

“Do it.” Hamon ko pa sa kaniya.

Nanginginig na inilapit niya ang kaniyang sarili sa akin kaya nakakuha ako ng tyansa para agawin ang baril na hawak hawak niya.

“Fuck! Hands off!” Galit na galit na sigaw niya pero hindi ko sinunod.

Patuloy kong inagaw ang baril na hawak niya. Tinapakan ko ang paa niya kaya na bitawan niya ang baril at ng akma akong sisikuhin siya ay hindi natuloy dahil nahawakan niya muli ang baril at kinalabit ang gatilyo.

Napahinto ako at napatingin sa kabilang hita ko na nabaril dahil sa pag kalabit niya sa gatilyo. Kinuha niya ang tiyempo na yon para tuluyan niya akong masaktan.

Marahas niya akong tinuhod kaya napabitaw ang isa kong kamay sa baril. Kaya naman buong pwersa kong kinuha ang baril at inihagis ito sa malayo bago siya sinuntok sa sikmura para mapalayo siya sa akin.

Napaatras siya sa lakas ng pagkakasuntok ko habang ako naman ay bumagsak sa lupa dahil sa panginginig ng paa ko at sa pananakit nito. Pinilit kong tumayo kahit hirap na hirap ako, Pigil hininga ang ginawa ko pero kailangan ko itong tiisin kung gusto kong makalabas dito ng buhay,

“You bitch!” Galit na galit sabi niya at inatake ako.

Walang sabi niyang hinila ang buhok ko kaya napangiwi ako sa sakit pero hindi ako nagpatalo at hinila ko rin ang buhok niya. Pinaikot ko pa ang buhok niya sa kamay ko bago hinila ng hinila.

Panay ang sigaw niya at ganun din ako dahil pareho kaming nagkakasakitan. Ginamit ko ang isang kamay ko abutin ang leeg niya pagkatapos ay mahigpit ko siyang sinakal. Napabitaw siya sa pagkakasabunot sa akin kaya kinuha ko ang tiyempo para makaharap sa kaniya at mas diniinan pa ang pagkakasakal ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakakapit sa kaniyang leeg at pilit itong tinanggal pero hindi ko siya hinayaan mag tagumpay.

“Ahh!” Daing ko dahil sa sakit ng tapakan niya ang hita ko na nabaril niya kaya nabitawan ko siya, Kinuha naman niya ang tyansa na yon para tuluyan akong mapahiga sa lupa. Walang awa niya akong pinagsisipa sa iba’t ibang parte ng katawan ko at wala man lang akong magawa para pumalapag dahil sa pagkakabaril ko. Nang hindi pa siya nasiyahan ay Kinubabawan niya ako binigyan ng sunod sunod na suntok na hindi ko naiwasan dahil sa matinding panghihina.

Scent Series #1 : Scent Of Love | Completed Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin