“Now, Go. You only have fifteen minutes to clean the whole building.” Sabi ko sa kanila.

Hindi ko na sila hinayaan magsalita pa dahil inutusan ko na ulit sila. Unti-unti silang gumalaw at nakita kong nagtungo sila sa kani-kanilang direksyon kung saan nandoon ang kanilang misyon.

Habang ako naman ay ni hack lahat ng CCTV camera nila para makita ko ang bawat kilos nila kahit nasa malayo ako. Mabuti na lang at tinuruan ako ng Hacker ko kaya naman walang problema para makita ko sila.

Nanatili ako rito sa malaking truck kaharap ang mga computer kung saan ko sila pinanunuod. Aaminin kong kabado ako dahil sa dami ng kalaban namin ngayon. Kulang na kulang ang tauhan namin dahil kinuha nila. Sana lang ay hindi nila pinatay ang mga ito dahil ako mismo ang papatay sa kanila pag nagawa nilang kalantariin ang mga miyembro ko.

Gustuhin ko man sumama sa operasyon at makipagdigma ay hindi ko magawa dahil ayaw akong payagan ng sampung lalaki. Baka daw mapano ako. Mukhang kinalimutan ata nila na nag training din ako kagaya ng ginawa nila. Nagpumilit ako pero hindi nila ako hinayaan.

Maging mata na lang daw nila ako para mapanatili akong ligtas sa huli ay pumayag na rin ako. Hindi ako sasali sa paglusob pero hayaan nilang tulungan ko sila. Labag pa sa loob nila ang pagtulong ko, Mabuti na lang at napilit ko sila.

“Queen, Everyone is asleep including IG, SN and AK.” Sabi ni AC, Ang hacker sa group ko.

Siya ang nauutusan ko na i-monitor ang galaw ng mga kalaban ko o ng mga taong pinaghihinalaan ko.

Si IG naman ang fighter ng grupo, Si AK naman ang tracker at ang huli ay si SN. Ang sniper naman namin. Pinatulog rin namin sila para hindi sila paghinalaan ng mga kasamahan nila. Hindi nga lang ganun katindi ang pampatulog nila.

Kumpara sa iba aabutin ng ilang oras bago sila magising, Hindi gaya sa kanila isang oras lang ay magigising na. Kaya ang kailangan lang na gawin ay maghintay hanggang sa magising sila.

“Good, The Leaders?” Tanong ko. “Still asleep too, Queen.” Sabi niya at muli niyang ibinalik ang tingin niya sa monitor na nasa harap namin.

Nasa loob kami ng isang malaking truck hindi kalayuan sa lokasyon kung saan nagaganap ang tahimik na pananakop.

Nanatili akong tahimik habang tinitingnan silang lahat, Hindi ko maiwasan ang hindi mapatayo sa tuwing nakikita kong may pumapasok na mga bagong tauhan para dumepensa sa kanilang teritoryo. Higit pa sa iniisip ko ang bilang nila!

Bakas na bakas na sa mukha nila ang pagod dahil sa rami ng kanilang kalaban. Kagaya ng utos ko ay walang magpapaputok ng baril dahil baka may maalimpungatan at lalong magkagulo. Naging madugo ang labanan dahil sa sword na gamit nila.

Dumadanak ang dugo sa buong lugar, Puno na rin ng dugo sa katawan ang mga miyembro ko dahil sa talsik na nagmumula sa mga kalaban nila. Marami ng nasawi na miyembro ng kalaban at ganun din sa amin.

“Queen! The right hand, Laegon is awake!” Gulantang na sabi ng kasama ko kaya napatayo ako.

Nagpunta ako sa pwesto niya at nakita ko ang kanang kamay ng boss niya na unti-unting bumabangon mula sa kanyang pagkakahiga sa sahig.

Hindi ba ganun karami ang nainom niya?! Hindi maaaring makalabas siya sa pinaka building nila dahil mahahalata na niya na may nangyayaring palihim na pag atake mula sa kanilang teritoryo.

Mas lalo pa akong nag panic ng unti-unti rin bumangon ang iba habang hawak hawak ang kanilang ulo at umiinda pa ang iba sa kanila.

“Fuck! Stay here. Informed me every minute.” Bilin ko sa kasama ko at mabilis na kinuha ang bow at arrow ko, ang sword ko at ang mga baril ko na nakaipit sa aking tagiliran at sa aking hita.

Scent Series #1 : Scent Of Love | Completed Where stories live. Discover now