45

21 2 0
                                    

FACEBOOK MESSENGER


Prett1est Sissy 💅 •
Active Now

01/22/2022, 07:00 pm

Anarry:
Harris is here, he wants to talk to me

Anarry:
Kausap siya ni Lola sa labas

Brenna:
Oh ba’t pa raw siya andyan? Alam ba niyang makapal ang mukha niya?

Anarry:
He’s begging me

Brenna:
Na?

Anarry:
Bumalik sa kanya

Brenna:
ay

Brenna:
Nagpapatawa ba siya? HAHAHAHA ang funny naman niya

Anarry:
Kahapon si Cherrie nag chat sa akin, ngayon nandito naman ang isang ’to. Ano akala nila sa akin, engot?

Anarry:
Nagkikita pa rin sila


Brenna:
Sinabi ng isang tropa nakita raw niya sila kagabi sa plaza, e, tapos sinundo pa raw ni Harris si Cherrie sa campus

Brenna:
Grabe ang kapal ng mukha nila, ’no? Hahahaa

Brenna:
So, ano na ganap d’yan?

Anarry:
Nagmamakaawa pa rin siya kay Lola, rinig ko hanggang rito, hindi na nahiya

Anarry:
Mukhang hindi natutuwa si Lola, e hahaha


Brenna:
Labasin mo na kaya, diretsahin mo na ayaw mo na siya makita

Anarry:
No. Kaya na ni Lola i-handle sha, kaurat makita siya, alam mo mas maldita si Lola kapag napikon

Brenna:
Hindi pa ba alam ni Lola na wala na kayo?

Anarry:
Hindi ko pa sinabi sa kanya, mukhang sinabi ni Harris

Brenna:
Proud pa sha nyan?

Anarry:
HAHAHA Harris things ems
(Brenna reacted haha.)

Anarry:
Nga pala kumusta na si Draven?

Brenna:
Uy uy uy uy uy I smell something 👀

Anarry:
Baliw. Gusto ko lang malaman kong okay siya, alam mo namang ako dahilan kung bakit siya nagkaganoon

Brenna:
bwhahaa KALMA, defensive mo naman haahhaha

Anarry:
Tsk

Brenna:
Okay siya, hindi na masyadong namamaga mukha niya, mukhang mapapaaga pagbalik niya, e

Anarry:
Buti naman kung ganoon, laking siraulo talaga ni Harris, hindi naman siya ganoon dati, e :')

Brenna:
Oo nga, parang santo iyon dati, nyare do’n? Naalog utak? Hahaha
(Anarry reacted haha.)

Brenna:
Tumatawag si mommy, chat you later babush, love

Anarry:
oks. pakumusta ako sa kuya mo
(Brenna reacted heart.)

Happy Unrelationship [Epistolary]Where stories live. Discover now