Episode 38: The Master and The Apprentice

Magsimula sa umpisa
                                    


Matagal na rin akong hindi nakakatakbo ng ganito. Bibilisan ko na sana ng todo ang takbo ko nung bigla siyang huminto. Napabreak tuloy ako ng wala sa oras, Anak ng! Ano ba talaga ang trip nito?


Huminto siya sa pagtakbo pero hindi siya humarap sakin. " Wag ka ngang masyadong pamisteryoso." Sabi ko. Unti unti rin naman siyang humarap. Haharap naman pala eh.


" Hindi mo na ba talaga ako natatandaan....." Tinignan niya ako sa mata habang nakakurba ang isang mapang asar na ngiti sa labi niya."...Master? "


Natigilan ako sa huling sinabi niya. Master? Tinignan ko naman siya agad ng maigi, at nung may napagtanto ako, unti unting lumaki ang mga mata ko..



T-teka wag mo sabihing ikaw si....


*Flashbacks*


" Ama, pinatawag niyo raw ako."


" Maupo ka " Umupo naman agad ako kagaya ng iniutos sa akin ni ama. Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. " Simula ngayon ay ikaw na ang papalit sa posisyon ko bilang Pinuno ng ating angkan."


Medyo nabigla ako sa sinabi niya." P-po? Pero bakit ama? "


" Masyado na akong matanda para pamunuan ang angkan natin." Ngumiti si ama sa'kin. " At ikaw lang ang nag iisang anak ko at tagapagmana ng posisyon ko. Maintindihan mo sana anak. Wala ka pa sa wastong edad para pamunuan ang angkan natin pero naniniwala ako sa kakayahan at talino mo. Alam kong mapapamunuan mo ang ating angkan ng maayos."


Lumuhod naman agad ako at inuyuko ko ang aking ulo bilang pagbigay ng respeto kay ama. " Gagawin ko po ang lahat para magampanan ang tungkulin ko ng maayos ama."



Simula noon ay ako nanga ang tinaguriang pinakabatang naging pinuno ng aming angkan. Ang angkan ng mga Valderama ay kilala bilang angkan ng magagaling sa paggamit ng Kyusho, isang uri ng Martial Arts. Lahat ng lalaking kasapi ng aming angkan ay sinasanay sa paggamit ng Kyusho. At sa edad lamang na dese sais, papamunuan ko na ang higit limang daang kasapi ng aming angkan.


(A/N : Kung curious kayo about sa Kyusho, search niyo lang sa youtube :) Sigurado akong mamamangha kayo sa mga makikita niyo :) )


Isang araw, habang ako ay nandito sa aking silid ay may biglang pumasok at agad lumuhod sa harap ko. " Patawad sa abala pinuno pero kailangan po namin ngayon ang tulong niyo." Mabilis na sabi niya habang hinihingal pa.


" Ano ba ang nangyari? " Kalmadong tanong ko.


" Sumunod po kayo."



***


" SANDALI LAANG!! BITAWAN NIYO AKO!! "


VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon