Part 1

647 37 1
                                    


HABANG naglalakad sa school corridor ay pirmi ang ngiti sa mga labi ni Charlotte. Halos lahat ng maraanan niya ay sa kanya nakatingin. Nagkikislapan sa paghanga ang mga mata ng mga kalalakihan. Halata ang inggit sa mukha ng mga kababaihan. May mga bumabati at kumakaway sa kanya na ginagantihan niya ng ngiti at bati. Para siyang isang celebrity kung ituring ng mga kaeskuwela.

Well, she was quite popular in that school. Charlotte Agoncillo was De La Real University's "Ms. Perfect." Parang lahat na raw kasi ay nasa kanya. Not only was she was beauty and brains, she also had a pleasing personality and class.

She had won two Campus Queen crowns. She was the current president of the Psychology Department Student Council and a consistent dean's lister. She also belonged to a wealthy and reputable family.

Charlotte was perfect in the eyes of many. She was flattered by all the attention and admiration, but she remained humble and approachable. That was why everybody seemed to love her.

Naturally, she had a bunch of suitors. Linggo-linggo ay napupuno ng flowers, love letters, chocolates at gifts ang work desk niya sa student council office. Ganunpaman ay hindi siya tumatanggap ng pormal na manliligaw dahil focused siya sa pag-aaral.

Marami mang babae ang naiinggit ay mas marami ang humahanga sa kanya. She even had a bunch of female freshmen fans who regularly tailed her in school. They all wanted to be like her. In fact, they showed up yesterday with a handheld banner with her face on it to support her candidacy in this year's Campus Queen school pageant.

She had some competition, but Charlotte knew she would get her grandslam win. Popularity at likeability ang labanan sa Campus Queen kaya alam niyang wala nang ibang female campus figure ang makatatalo sa kanya.

Siya kasi ang most followed DLRU female student sa Instagram at matagal nang puno ang friends list niya sa Facebook dahil sa dami ng nagpa-add sa kanyang account. Wala siyang vocal haters at halos lahat ay hinahangaan siya.

Bago lumiko ay naraanan ni Charlotte ang grupo ng mga tsismosa sa DLRU, led by Marie Tessa. Nakangiti ang mga ito sa kanya kaya ginantihan niya ang ngiti ng grupo bago siya mawala sa paningin ng mga ito.

"Wala ba talaga siya kahit isang flaw?"

Napahinto sa paglalakad si Charlotte nang maulinigan ang tanong ng isa sa mga tsismosa.

"Parang wala," sagot ng isa.

"Imposibleng wala." Boses iyon ni Marie Tessa. "Lahat ng tao, may flaw. Nobody's perfect, except God."

"So, ano nga 'yong flaw niya?"

"Malay ko!" sagot ni Marie Tessa, "Pero sigurado akong meron. Tinatago niya lang siguro."

Nagpatuloy na sa paglalakad si Charlotte bago pa siya mahuli na nag-i-eavesdrop sa mga ito. Marie Tessa was right. Walang taong perpekto.

As a mere human being, Charlotte was not perfect at all. She only appeared to be flawless, but she had a few imperfections that were present but invisible, unnoticed, and hidden from everyone.

Siyempre ay wala siyang balak na ipamalita sa lahat ang flaws niya. Sino ba kasi ang gustong ipakita ang kapintasan sa madla? Lalo na kung maraming tao ang humahanga sa kanya. Hindi rin naman puwedeng malaman ng mga ito ang imperfections niya dahil napaka-personal ng mga iyon at hindi talaga puwedeng ilabas.

Despite those secret flaws, she was close to perfection. She had everything a girl could wish for.

Bumagal ang paghakbang ni Charlotte nang matanaw ang tatlong babaeng nakatakdang makasalubong sa corridor. Mukhang nakita rin kaagad siya ni Ayla na napapagitnaan ng mga kaibigan nito dahil nakaangat ang kilay nito habang diretso ang tingin. Kung makahawi ito ng blonde hair ay parang nasa TV commercial ng shampoo at kung makalakad ay parang nasa catwalk. Kunsabagay ay puwede naman talagang pangrampa ang suot nitong dress.

Ayla Tiffany Lopez had one of the prettiest faces in DLRU and she was quite popular as well. But the fashion design sophomore was a prima donna. Unlike Charlotte, Ayla was conceited and self-absorbed. Kaya imposibleng maagaw nito sa kanya ang korona sa Campus Queen. Unfortunately, mukhang hindi alam ni Ayla na hindi lang pretty face ang inilalaban sa school pageant.

Last year ay tinangka nitong kalabanin siya pero hindi ito nagtagumpay. Mukhang nasaling niya ang ego ni Ayla dahil natalo niya ito kaya siguro parang mortal enemy na ang turing sa kanya. Despite Ayla's hostility towards her, Charlotte still treated her graciously. Naiintindihan niyang hindi lahat ng tao ay tulad niyang mature kung mag-isip.

Nginitian niya si Ayla nang magkalapit sila kahit nakaigkas lang ang kilay nito sa kanya. Lalampasan na sana ni Charlotte ito pero natigil siya sa paghakbang nang humarang sa daanan niya ang schoolmates.

"Have you seen my tarp?" tanong ni Ayla habang nakahalukipkip.

Tumango siya. "Yes."

Ayla's tarpaulin was placed beside Charlotte's in the school lobby. Mas malaki iyon kaysa sa tarp niya. At hindi lang dahil malaki iyon kaya naging usap-usapan mula pa kahapon. Nakalabas kasi ang cleavage ni Ayla doon. The girl was indeed determined to win against her this time. Ayla would obviously do anything to catch attention. But this morning, narinig niya na pagmi-meeting-an daw ng school admin officers ang tungkol sa nakaka-eskandalong picture ni Ayla sa school lobby. Malamang na ipa-take down ang tarp nito kahit pa inaprubahan iyon ng facilitator ng school pageant.

"People," sabi ng babae sa kanan ni Ayla na kasing flashy ng huli ang suot, "keep talking about it."

"It's trending," sabi naman ng nasa kaliwa ni Ayla, "on Twitter. Check out the hashtag DLRUCampusQueenAyla."

"Ayla's tarp," dugtong ng nasa kanan, "obviously outshined yours."

Ngumiti si Ayla na mukhang nasiyahan sa sinabi ng mga kaibigan.

Charlotte smiled. "It did. Great job."

Mukhang hindi inaasahan ni Ayla ang pag-agree niya. Nakipagpalitan ito ng tingin sa dalawang kaibigan.

"But we still have barely two months to campaign for ourselves. Good luck!" nakangiting patuloy niya at nilampasan na ang mga ito.

"How did she get my blood boiling without saying anything bitchy?" Nakaabot pa sa pandinig ni Charlotte ang complain ni Ayla sa mga kaibigan.

"Because she's a good bitch?" suggest ng kaibigan nito.

"What?" Ayla hissed. "Good bitch? Is there such a thing? Isn't 'bitch' a derogatory term alone?"

"It's when a person doesn't openly bitch around but still appears bitchy. Parang resting bitch face."

"Huh? Where the hell did you learn that from?"

Hindi napigilan ni Charlotte ang mangisi sa mga narinig. Those girls were amusing. Hindi niya kailangang makipagpalitan ng maaanghang na salita kay Ayla. Hindi niya kailangang makipag-away.

Charlotte was confident that she would win her third crown. She was not DLRU's Ms. Perfect for nothing.

Campus Girls Series #2: Ms. (Im)PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon