66

94 10 9
                                    

"Hello ate Zurie, ikaw po yung kwinekwento sa'kin ni kuya." naka ngiting wika ng kapatid ni Dammien ng makalapit 'to sa'kin.

"Shh." pag suway sa kanya ni Dammien at masama ang tingin sa kapatid, tinawanan ko naman sya dahil sa naging reaksyon ng mukha nya.

Mag kamukha sila ng kapatid nya, parehas silang mayroong matangos na ilong at makapal na kilay, hindi nga lang sila mashadong mag kaparehas ng mata, Dammien has a shy brown eyes, and his young brother has a natural black eyes.

Nakipag kulitan ako sa kapatid nya, nag paalam kasi sa'kin si Dammien na may kukunin lang daw sya sandali sa loob ng kanilang bahay. Nandito kasi kami sa garden na parte lang din ng kanilang bahay, maraming mga bata at natitiyak kong mga ka-klase 'to ng nakakabatang kapatid ni Dammien.

Spider man ang theme ng birthday party ng cute na bunsong kapatid ni Dammien, naka costume din sya ng spider man.

Ang cute! Sarap pang-gigilan ang pisngi, pero syempre hindi ko 'yon ginawa.

I was surprised because some kids suddenly approached me, I noticed their wide smile.

"Hi ate, ang ganda mo! Bagay kayo ng big brother ni Dave!" nakangiting wika ng batang babae at kumindat sa'kin.

"True!" wika ng i-ilang mga bata na may ngiti sa mga labi, napaurong naman ang dila ko at hindi makapag salita.

"I think you two have a relationship?" lakas na loob na sambit ng isang batang babae na kulot ang buhok.

"Ano ba kayo, friend lang kami ni kuya Dammien nyo okay?" pag-sasabi ko ng totoo, dahil friend lang naman talaga kami ni Dammien.

"Friend huh?" nagulat naman ako ng may mag salita sa'king likuran, pag lingon ko nakita ko si Dammien na naka taas ang kilay at bahagya akong inakbayan.

"Ayiee!!"

"Hoy, nakakahiya sa mga bata!" gigil na bulong ko sa kanya malapit sa kanyang tainga.

"Let's go?" he said with a calmly tone of his voice.

"Saan?" takhang tanong ko naman.

"I'll take you to a special place.." bulong nya malapit sa tainga ko.

The butterflies started flying inside my stomach, as well as my heart beating slowly.




Love Can Wait ( COL SERIES #3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon