I'm so confused with her, what he's implying? Hindi ko ibinalik yung libro, inilagay ko sa bag ko iyon at papag-aralin ko sa bahay mamaya. Gusto ko talaga siyang maging maganda.

Because I was confused for her. Pumunta ako sa Students Name at hinanap ang name niya doon.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pero kasi nung nakausap ko siya sa harap-harapan kanina, pakiramdam ko kilala niya ako matagal na.

At iyon ang first time na naglapit kami sa isat-isa na sobrang lapit. Habang nakatitig nga ako sa mata niya ay sobrang hawig nung kay Tintin.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mata ni Tin. Sino ba naman makakalimot sa pinaka favorite ko na parte ng katawan ng taong gusto ko, diba?

Mula pa nung makita ko siya noong naka-away niya si Pablo, natahimik ako at natulala. Dahil kahit ganoon yung itsura niya ay medyo hawig niya talaga kaunti si Tintin.

I don't know bakit hindi nakikita nung apat iyon, pero siguro kinalimutan na nila si Tintin kaya ganun, siguro ako lang ang hindi kaya ako lang ang nakapansin.

Nakita ko yung picture niya sa isang papel kaya alam kung iyon na yung students bio niya here in Libertine. I immediately looked at her name and I could almost let go of the paper I was holding. Biglang nanginig ang mga kamay ko at pumatak ang luha ko na hindi ko namamalayan.

'ATINA MENDOZA BERNARDO'

'Father: DOMENICK SUIZ BERNARDO'

'Mother: MARIANNE MENDOZA BERNARDO'

Nanipit ang puso ko sa nabasa at halos hindi ako makahinga. 'Paano siya naging ganun? Bakit siya naging pangit? Bakit?'

Ang dami kong tanong sa sarili ko at sa kaniya, kaya agad akong umalis sa students name room at hinanap siya.

[LOCKER AREA]

It's a good thing there's no one here in the locker area. Naramdaman niya atang may tumabi sa kaniya kaya agad siyang lumingon sa gawi ko.

Magsasalita na sana siya kaso inunahan ko na siya. "I know, I know everything. I know you, you're Tintin, si Tintin na kaibigan ko noon, si Tintin na kaibigan namin" She just looked at me stunned and in disbelief. "Bakit hindi mo sinabi agad sa am---"

She put her index finger in my lips. "Shhhhh... Hindi pwedeng malaman ng iba, okay?" at tinanggal din agad. Napalunok tuloy ako.

"Bakit?" bulong ko.

"Basta, hindi pa ako handa"

"Tin, matagal na silang nananabik na makita ka"

"Pero, Stell. Hindi pa ito ang tamang oras, may gagawin pa ako, nagsisimula pa lang ako"

"Bakit ka ba naging ganyan, ano bang nangyari sayo mula noong nawala ka?"

"Long story Stell, but don't worry I'll tell you the reason why I became ugly... Pero sana Stell..." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "Sa atin lang dalawa 'to ah. E-promise mo sa akin na wala kang pagsasabihan kanino man, lalo na yung apat. Gusto ko kasi sila mismo makakaalam kung anong pangalan ko, I hope you understand and fulfill, Stell"

"I miss you so much, Tin" I hug her immediately in deeper, yung yakap na pananabik. "Hindi ko hinangad kung anong itsura mo pagbalik mo, basta makita lang kita, masaya na ako" I cried. Bumitaw din agad ako at nagpunas ng luha when I let go. Nagulat ako ng makitang umiiyak din siya.

GANGTHROBWhere stories live. Discover now