Bakit ang dami nitong alam?

“H-hindi ko alam kung paano pigilan ang what if ko” Pag-amin niya.

Tumingin sa kaniya ang dalawang kaibigan at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

“Wag kana umiyak. Tutulungan ka namin, Beb. Do you want me to seduce Lase for you huh—”

Agad na tumaas ang kilay ni Azia at ngumisi ito.

“Akala ko ba iiwasan mo ang doktor? Bakit ngayon namumula ka ha?” Sinundot-sindot ni Azia ang bewang ni Mafe dahil sa biglang pamumula nito.

“Ang init dito! H-hindi ba pwedeng mamula ngayon?” Tugon ni Mafe.

Umiiling si Azia at humighik ng kunti. Minsan lang niya nakitang namula ang kaibigan pero bakit kay Lase? Sa natatandaan niya may naramdaman pa ito kay Carlos diba? May dapat ba siyang malaman?

Umiwas ito ng tingin sa kanila.

“Ang pinag-usapan dito ay si Joce At Baste. Bakit bigla napunta ito sa amin ha? Bakit sa walang modong Doktor pa?” Mafe leered.

Her eyebrow raised together with Azia. Ano bang nangyayari kay Azia at nakangisi itong hindi nila alam?

“Nakalimutan mo agad?”

Sinamaan ng mata ni Mafe si Azia habang siya ay naguguluhan.

“Anong nakalimutan?”

“Hindi ba sinabi ni Baste sayo?” Ngumisi ulit si Azia at lumayo ng kunti sa kanila. “Hindi ko alam na nang-hahalik nalang bigla—”

“Azia!” Namumula na pinigilan ni Mafe ang kaibigan.

Kunot ang noo na tumingin si Jocelyn sa dalawa.

“W-what? Hinalikan ka ni Lase?!” Tanong niya.

“N-no! Ano ba..”

Agad na pinutol 'yun ni Azia.

“Yes.. yes, Beb. At, alam mo bang tumugon si Mafe—”

“Azia!”

Tinaas ni Azia ang kamay at lumayo sa kanila.

“Ops, sorry.” Humighik itong pumunta sa taas kung saan ang kwarto ni Brace.

Sinapo ni Mafe ang pisnge niyang hindi humuhupa ang pamumula. Nahihiya ito dahil sa nalalaman niya?

“I-it's n-nothing.. Beb, naman. Wag mo akong tingnan ng ganiyan”

Napakagat siya ng labi niya.

“Pwede bang humingi ng favor, Beb? Please.. Alam kung hindi maayos ang pakikitungo sayo ni Lase. But can you ask him about Baste?” Ngiwi na tanong niya sa kaibigan.

Napakurap-kurap ang kaibigan at matiim na tumingin sa kaniya.

Ngumiwi rin ito at agad rin naglalambing sa kaniya..

“Beb naman kasi.. Iniiwasan ko nga 'yung doktor eh.” Ngumuso itong niyakap siya.. “Pero, sige na nga. Tatanungin ko siya.”

Ngumiti siya sa kaibigan at mahigpit na niyakap.

“Thank you, Beb..”

“Wag ka nang umiyak, okay? Kung hindi lang kita mahal. Hindi ko gagawin to.” Masungit na ani nito.

Tumawa si Jocelyn sa inaakto ng kaibigan.

“Mabait naman si Lase. Sayo lang masungit, Beb. Baka gusto ka niya?”

Tumingala sa kaniya ang kaibigan.

“Beb!”

Tinaasan niya ito ng tingin.

AlphabetusSeries 2: One Wild NightWhere stories live. Discover now