"Acting like a boyfriend kuya?, Walang kay--"

Napatili ako nang tumumba si Grey sa lakas ng sapak sa kanya ni Dreyser.

"Kanina mo pa ako ginagalit, hindi porke kapatid kita ay hindi na kita papatulan" Hinihingal na sabi ni Dreyser.

Maging ang ibang studyante ay nakiusutyo na sa nangyayari. Puro bulungan nila ang maririnig sa paligid. Hindi ko na pinansin ang pinagsasabi nila at dinaluhan ko si Grey na nakaupo parin sa sahig.

"A-ayos ka lang ba?" hinawakan ko ang pisngi niya upang tignan ang sugat na nagawa ng pagkakasapak sa kanya ni Drey.

"AVI!!" sigaw ni Dreyser. Bumaling ang tingin ko sa kanya at masama siyang tinignan.

"Nababaliw kana ba!? Bakit mo ginawa yon sa kapatid mo?!" Naiinis ako sa ginawa niya, sa nangyayare at pati narin sa sarili ko.

"I said that you gonna stay away from him!" sigaw niyang muli

"Bakit ba?! Wala naman siyang ginagawang masama, at saka kapatid mo siya hindi mo dapat siya sinapak" sigaw ko ulit. Hindi kona mapigilan ang sarili ko sa galit.

Unti unti siyang lumapit sakin at hinigit ang braso ko bago ako inilapit sa kanya. "You're not gonna tell me what i do, okay? Now let's go."

Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Kung ganoon ay wag mo rin sabihin sakin na layuan siya, we're quits. At hindi ako sasama sayo, mauna kana gagamutin kopa ang sugat niya"

"You're not f*cking doing this!" halata ang galit na pinipigilan niya base sa kanyang boses. Pero wala akong pakialam, palagi siyang ganyan. Hindi niya makontrol ang sariling galit na maging ang kapatid niya ay nagawa niya nang saktan.

Hindi ko siya pinansin at inalalayan na lamang si Grey na tumayo. Pinagpagan ko ang binti niyang nadumihan bago muling tignan ang labi niyang kitang kita ang cut at dugong patuloy na nalabas.

"HA!!" sigaw ni drey bago nakapameywang na humarap sa amin. Naiiling itong tumawa bago ilahad ang kamay sa akin.

"Take my hand, Now. Now Avi." Nauubusan ng pasensyang sabi niya. Tinignan ko lang ang kamay niyang inaabot ang akin.

"No Drey, Umalis kana" yon lamang ang nasagot ko sa kanya.

"You're not doing this to me, Avi" kumbinsi niya sa sarili niya.

"Umalis kana Drey"

"I'm not going anywhere without you"
Tumambol ang puso ko sa sinabi niyang iyon pero agad rin napunan ng inis.

"Kung ayaw mong umalis, kami ang aalis" inabot ko ang bag sa lapag bago higitin si Grey pero bago ko pa magawa ay muling tumilapon sa pader ang katawan nito.

Sinuntok muli ni Dreyser ang kapatid bago lapitan at higitin sa kwelyo. Agad akong tumakbo palapit sa kanila at awatin si Drey.

"Tumigil kana!"

Nagulat ako ng bigla niyang iwaksi ang braso niyang hinahawakan ko, dahilan ng pag kakatumba ko sa sahig.

Ang sakit.

Tumama ang aking balakang sa isang tubo. Napahawak ako sa tagiliran ng kumirot ang hindi pa kagalingan na sugat na natamo ko nung nakaraan.

"Gag* ka Kuya!!" rinig kong sigaw ni Grey.

Unti unting bumaling sa akin si Dreyser at sa kauna unahang pagkakataon ay roon lamang ako nakaramdam ng takot sa kanya, h-hindi. Hindi siya si Dreyse. Hindi siya ganiyan tumingin sa akin.

Ngumisi ito bago lumapit sa akin at hablutin ang aking batok at itapat ang mukha ko sa kanya. Ramdam ko ang mabilis na pag habol niya sa kanyang hininga.

"P-please t-tumigil kan-na" naiiyak kong sabi. Ipinikit ko ang mata sa takot kong tignan ang mata niyang ibang iba sa naka sanayan ko.

Ramdam ko rin ang panginginig ng tuhod ko sa lakas ng presensya niya. Maya maya pa ay napapiksi ako ng marahan niyang haplusin ang pisngi ko at pinunasan ang aking luha.

"Shh honey, I-i'm sor-ry okay? Don't worry i won't h-hurt you"

Dama ko ang pagbalot niya sa akin para sa isang yakap, duon na ako napahagulgol. Nilabas ko ang takot na kanina pa pala naipon sa loob ko. Hinimas niya ang aking buhok at patuloy na pinatahan ako.

"I'm sorry honey, don't c-cry please. I won't do it again. Please, im sorry" paulit ulit niyang bulong sa akin habang hinahalik-halikan ang aking ulo.

Muli kong naramdaman ang kaligtasan sa bisig niya.

Dreyser...

"What's happening here!!?" rinig kong sigaw ng Isang babae. Si Mrs.Trevencio.

Lumayo mula sa akin si Dreyser at inilahad ang kamay sa akin. Inabot ko naman iyon at tinulungan niya akong tumayo. Bumaling ako kay Grey na inalalayan ng kapatid niyang si Trebb.

Nakita ko ang masamang tingin sa akin ni Mrs. Trevencio. Napayuko na lamang ako at hindi na nagsalita.

"Just a misunderstanding Mom, Don't worry" si Dreyser.

"Don't worry? The hell Dreyser, What's happening with the two of you? Bakit kayo nag aaway ng kapatid mo?"

Alam kong alam niyang ako ang dahilan ng gulong ito. Marahil pinipigilan niya lamang ang sarili sa maaari niyang magawa sa akin sa harap mismo ng kanyang mga anak.

"Mom, i said don't worry. I handle this. Okay? Let's go now" Hinigit na ako ni Dreyser at nagpatianod naman ako.

"A-avi" mahinang tawag sakin ni Grey.

Tinignan ko na lamang siya bago ko muling naramdaman ang paghigit sa akin ni Dreyser.
Nakita ko ang pagkabigo sa kanyang mata bago ngumisi ng makita ang pagkakahawak ng Kapatid niya sa akin.

I'm sorry.

Owned By Trevencio'sWhere stories live. Discover now