Araw ng linggo. Maaga akong lumabas para magjogging. Pagkatapos ay naligo para magsimba. Sarado pa at tahimik ang kwarto ng tatlo kaya tahimik akong lumabas. After the mass, I decided to buy some school supplies at nagtingin tingin na rin ng magandang black shoes na gagamitin bukas since start na ng proper wearing of uniform.
Nang tumanghali ay kumain nalang ako sa mcdo para mabilis saka naglibot-libot saglit sa loob ng mall para magpalamig. Di na kayang mamili dahil masyado ng madaming bibitbitin.
"Hello po." Bati ko kay Tita Bing. "Bibili lang po ng tubig." Nanunuyo na ang lalamunan ko kakagala. I need water.
Andito ako sa kanilang grocery store. Malaki at may mga branches na din sila sa iba't-ibang bayan dito sa aming probinsya. Sila din ang nagsusupply ng mga paninda ni mama sa sari-sari store namin sa Bali. Isang mabundok na sitio kung saan talaga kami naninirahan.
"Oh, Cera! Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa mama mo?"
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Ang puso ay agad binalutan ng pangamba.
"Po? Ano pong nangyari?" Bigla akong di mapakali.
"Aba'y puno ng galos ang katawan. Nag-away na naman sila ng papa mo!"
Agad akong nagpaalam. Nakalimutan na ang tunay na sadya roon. Mabilis akong umuwi sa boarding.
"Oh bat ganyan itsura mo?"
Walang pakialam sa mga naglalaglagan na mga pinamili at dumiretso papasok ng kwarto. Hindi pinansin ang pag-uusisa ni Gwen. Kinuha ang cellphone sa maliit na bag at sinubukang tawagan si mama. Nakailang dial pa at walang sumasagot sa kabilang linya kaya naisipang ang malapit na kapit-bahay nalang ang nidial ko.
"Cera?"
"Tita Leonor? Sorry po sa abala. Tinatawagan ko po kasi si mama pero hindi po sumasagot." Kabado pa ding sabi ko.
"Ay saglit lang at pupuntahan ko."
"Maraming salamat po!"
Nakarinig ako ng mga kaluskos sa kabilang linya habang naglalakad ako pabalik balik sa loob ng kwarto. Hindi mapakali at nanginginig ang mga kamay.
"Anak?"
"Ma!" Bigla akong nabuhayan ng marinig ang boses ni mama sa kabilang linya. "Ayos ka lang ba?" Naluluhang tanong ko. My hands were still shaking.
"Ayos naman. Bakit? May problema ba? Nag-aayos ako ng mga halaman sa likod kaya di ko nasagot ang tawag mo. Teka, asan na nga ba yung cellphone ko..."pinakinggan ko ng maayos ang nasa kabilang linya. Sa tono ng pananalita nya ay ayos naman sya. Parang wala namang nangyaring di maganda.
"Pinapakaba niyo naman ako mama! Itong si Tita Bing nagsabing nag-away na naman daw kayo ni papa. Totoo ba yun?" I still need to confirm. Pakiramdam ko di ako matatahimik hangga't di ako nakakasigurong ayos lang si mama.
"Ha? Ano ba yan si Bing. Okay naman ako dito eh. Ikaw nga ang inaalala ko diyan eh."
Napabuntong hininga ako. Saglit lang kaming nag-usap ni mama dahil baka makaabala pa kami lalo kay Tita Leonor. Binaba ko ang tawag pagkatapos magpasalamat sa kanya.
"Cera?" Sumungaw ang ulo ni Ysa sa pinto ko ng bumukas iyon. "Are you okay? Nag-alala kami sayo nang kumaripas ka papasok ng kwarto mo. May nangyari ba?" Pumasok sya at nilapag sa kama ko ang mga nahulog na pinamili ko kanina.
ESTÁS LEYENDO
Hello Maam, It's Lieutenant (FS #1)
RomanceFRONTLINER SERIES #1 Century Ravyne Diva have everything she dreamed of. She found love and passion at the same time, at a young age. How much will she lose fighting the odds? How much courage does she have when the people tells her it's too young...
