Chapter 6

10 3 0
                                        


Pagkaalis ng tatlo ay nagpasya muna akong maglinis. Pagkatapos ay naglaba. Then took a shower and did my assignments. Sobrang tahimik ng kwarto dahil wala ang mga maiingay. It suddenly felt weird.




Tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina bago itinuloy ang ginagawa. Past lunch and I was too lazy to cook. Masisira ang konsentrasyon ko sa ginagawa kaya nagpatuloy ako.




Sinimulan ko na ng pakonti konti ang mga instructional materials na kakailanganin ko para sa darating na first demo teaching namin. I choose the Solar System as my topic.




Nasa kalagitnaan na ako ng pagdidikit nang ginupit na araw sa manila paper nang dumating ang tatlo.





"We're home!" Parang sirang hiyaw ni Gwen mula sa pinto.




"Tahimik ah. Wala yata si Cera,"




"Anong gusto niyo, kausapin ko sarili ko habang mag-isa ako?" salubong ko sa kanila sa sala.




"Pwede din naman," pambabara ni Ysa sakin kaya nagtawanan sila. Napailing ako.





Binaba nila ang mga dala sa mesa ng sala kaya sumunod ako. Sabay-sabay silang sumalampak sa sofa at tumingala.




"Mukha kayong umakyat ng dalawang bundok," sinipat ko sila bago magtungo sa kusina.




"Exactly!" madiin na ani Jougen.




"Isang bundok lang. Grabe naman sa dalawa,"





"Anong nangyari?" tanong ko. Naglapag ako ng malamig na inumin para sa kanila.




"Eh anlakas ng trip ni Ysa. Pwede namang sabihin na di pala maganda ang kalsada papunta sa kanila,"





"Hindi ka rin kasi nagtanong," irap ni Ysa. "Ikaw nga diyan. Panay pacute sa poging madaanan. Nahuhuli ka tuloy."




"Hindi ako nagpacute ah. Dati na akong cute,"




"Wala bang sasakyan?" Tumaas ang kilay ko.




"Meron. Walang silbi," nagtawanan sila. "Tumirik sa gitna, girl! Edi nagbabaan kaming lahat."




"Buti nalang talaga may poging kasabay. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Girl di ba kalugar mo yun? Kilala mo?"



"Alin dun?" tanong ni Ysa.




Pumasok ako sa kusina ng magsimulang lalaki na ang usapan nila. Tinignan ko ang laman ng ref para alamin kung ano ang pwedeng lutuin.




"Yung nakablack. May earing sa right ear,"




"Hindi. Saka madalang ako umuwi samin. Kapag andun ako, hindi ako lumalabas. Makaligo na nga,"




"Mukha kang pogi. Tapos mo na ba yung research kay Maam Estrella?"




"Ay pucha! Oo nga pala. Uy, teka, Ysa. Ako muna maliligo. Aabutin ka na naman ng isang oras sa banyo eh!"




"Ako nauna. Lumandi ka nalang muna diyan," narinig ko ang malakas na pagsara ng banyo.




"Ysa!"





"Puro ka kasi pogi. Lahat ng mga yan, mahal ka lang sa una. Sa huli, mumurahin ka na." Ysa's voice from the bathroom.





Natawa ako sa pangangantiyaw nila kasabay ng pagmamaktol ni Gwen. Pagkatapos ko magluto ay inayos ko ang hapag dahil ang tatlo ay saglit na nagpahinga.





Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Mar 24, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Hello Maam, It's Lieutenant (FS #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang