Aminadong maloko si Zaem pero magalang at mabait siya, wala man kaming makain non at laging inaapi pero tinuruan ko siya ng salitang Respeto ang kaso kapag napikon talaga siya ay nawawala yun sa kanya.

Saglit pa kaming namalagi doon bago kami tuluyang umalis.

"Where do you want to go Young Man?" Tanong nito kay Zaem na buhat niya.

"Gusto ko po pumuntang Mall, pwede po?" Kuminang ang mga mata ni Zaem. "Diba English po sinabi nyo pero naintindihan ko? Bilib na po ba kayo sakin?"

"Then we will go to mall." Tumingin sakin si Ezar. "It is okay to you?"

"Okay lang." Nginitian ko siya ng tipid.

Sumakay kami sa isang kotse, ang sabi ni Ezar ay grab pero hindi ako naniniwala dahil yung driver ay namumukaan ko. Isa sa mga tauhan niya.

"Grab pala ah?" Nginisihan ko si Ezar kaya bahagya siyang napanguso.

"Sorry.."

"It's okay, wag ka lang gumawa ng bagay na mas lalo kong ikagagalit." Tumango lang ito

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mall, kagaya ng dati ay agaw atensyon kami. Syempre, kilalang tao si Ezar.

"Papa, ayun po yung bag na gusto ko!" Tinuro ni Zaem ang isang store ng mga bag. "Ayun po si Ben10 na may gulong."

Hinawakan ni Ezar ang kamay ko na ikinagulat ko. "Then we will go there."

Buhat niya si Zaem at hawak ang kamay kong pumunta kami sa store na tinuro ni Zaem.

"How much is this bag?" Malamig na tanong ni Ezar sa saleslady na nakatulala sa kanya. "Answer me, and stop staring me. You look like an idiot."

Hayst, hanggang ngayon masungit pa rin sa iba.

"Ah, six hundred po." Sagot nito at nahihiyang yumuko.

"I'll buy this." Binaba ni Ezar si Zaem at nagtungo sa isang maliit na table. May dinukot ito sa bulsa niya at napaawang ang bibig ko dahil puro barya iyon. "Zaem, help Papa to count this coins."

"Yes po."

Nakatayo lang ako doon habang pinagmamasdan silang magbilang ng barya, may iba ring nanonood sa kanila at yung iba ay nawi-wirduhan.

"Five hundred ninety ninety nine....six hundred." Napapalakpak si Zaem ng matapos sila. "Sakto po ipon mo po."

Ginulo lang ni Ezar ang buhok ni Zaem bago mag angat ng tingin sa sales lady. "Ito na ang bayad."

Hinawakan nito si Ezar at lumapit sila sakin dala yung bag na gusto ni Zaem.

"Let's go.."

Hawak kamay kaming tatlong lumabas ng store, dala ni Ezar yung bag ni Zaem na hindi na niya pinabalot pa–

*BANG*BANG*

Nataranta kami ng biglang may nagpaputok ng baril sa gawi namin. Mabilis kaming niyakap ni Ezar at hinila palapit sa isang pader.

"Fvck!" May dinukot ito sa tagiliran niya. Baril. "Stay here, I will call my men to get you."

"Papa, saan ka po punta?" Naiiyak na tanong ni Zaem.

"I will be back." Hinalikan nito sa noo si Zaem bago bumaling sakin. "May kukuha sa inyo dito, magkita na lang tayo sa bahay."

Mabilis ako nitong hinalikan sa labi, bago pa ako maka-react ay nakaalis na siya.

Mabilis kong tinakpan ang tenga ni Zaem ng naging sunod sunod ang putok ng baril.

"Tara na bilis!" Napaangat ako ng tingin ng may humawak sakin. "Bilis!"

Hindi ko makakalimutan ang babaeng ito, ang babaeng pinili ni Ezar kay sakin.

"Gerine.."

"I know." Inirapan ako nito. "Tumayo kana!"

Parang bigla akong natauhan at agad tumayo tsaka binuhat si Zaem. Hinila kami ni Gerine patungong fire exit.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko

"Well the fvcking Ramuel ay papansin." Sagot nito.

Binuksan niya ang isang pinto at nasa parking na kami, may humintong sasakyan doon at agad kaming pinasakay ni Gerine.

"Panira sa bonding moment nyo."

"Quen!"

"Grabe, sobra nyo ba akong namiss?"

Lakas ng hangin

"Si Ezar! Baka mapano siya doon!" Hysterical kong sabi. "Balikan natin siya."

"Magiging okay yun." Sumeryoso ang muka ni Quen. "Kayo ang target nila Ramuel."

"Teka, bakit nadamay kami!?"

"Alam na niyang kayo ang kahinaan ni Ezar..."

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon