14

98.3K 2.4K 636
                                    

EMERY



    "EZAR, SAAN tayo pupunta?" Nakangiting tanong ko habang nasa loob kami ng sasakyan niya.

"In my company." Tipid na sagot nito kaya napatango na lang ako.

"Uhm Ezar..." Napakagat ako sa ibabang labi. "K-Kamusta na si Lorelei?"

Sa halip na sumagot ay kinuha nito ang cellphone sa dashboard at may tinawagan.

"It's me." Sabi nito sa kausap. "She wants to talk to her." Inabot nito sakin ang cellphone niya kaya napakunot noo ako. "Anong gagawin ko diyan?"

"Talk to your frien–"

Hindi kona siya pinatapos, agad kong hinablot yung cellphone sa kamay niya.

"Hello? Lorelei?"

"Emery!" Masiglang bati nito. "Kamusta kana?"

"Okay lang ako..ikaw kamusta kana? Sinasaktan kaba ni Colm?" Sobra akong nag aalala sa kanya kahit pa sinabi ni Ezar na ligtas siya doon.

"Sinasaktan? Ano kaba, nagpapasalamat pa nga ako sa kanya kasi binili niya ako. Wag ka ng mag alala sakin Emery, mas gusto ko dito kesa kay Mama."

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan, mabuti naman at ayos lang siya.

"Basta kapag may hindi ginawang mabuti sayo si Colm tawagan mo ako ah?"

"Opo..sige na, may gagawin pa ako."

"Sige..mahal kita Lei."

"Mahal din kita Emery ko!"

Namatay na ang tawag kaya binigay kona ang cellphone kay Ezar.

"Thank you Ezar." Nginitian ko siya ng matamis. "Pakisabi kay Colm thank you din and sorry."

Tumango lang siya.

"GOOD MORNING SIR!" Bati sa kanya ng mga empleyado ng makapasok kami.

Hindi sila pinansin ni Ezar, dire diretso itong sumakay ng elevator kaya sumunod na lang ako.

"Ang sungit mo naman, hindi mo sila binati." Puna ko dito

"Why would I? I'm their boss." Malamig na sagot nito. "I don't want to be kind to them."

"Okay."

Dire diretso kaming lumabas ng elevator ng bumukas ito, pumasok agad sa loob si Ezar, ako naman ay huminto para batiin si Quen.

"Hello Quen, magandang umaga." Nakangiting bati ko.

"Good morning." Bati din nito. "Emery, Always remember that I'm always here for you."

Napakunot noo ako sa sinabi nito. "Bakit?"

"Pumasok kana." Sa halip ay sabi nito bago bumalik sa ginagawa niya.

Nagkibit balikat na lang ako bago pumasok sa loob ng opisina ni Ezar.

"Why you took so long?" Kunot noong tanong nito. "Tsk, come here."

Agad naman akong lumapit sa kanya, nanlaki ang mga mata ko ng hapitin ako nito sa bewang at inupo sa kandungan niya.

"Hoy, mabigat ako." Sinubukan kong tumayo pero hindi ako nito binitawan.

"I love your Fluppy body." Sumubsob ito sa pagitan ng dibdib ko. "Extrañaré cada centímetro de tu cuerpo."

"Ayan kana naman sa alien word mo." Nakangusong sabi ko.

"You need to learn Spanish Fluppy to understand me." Malamig man ang boses nito ay mahihimigan mo pa din ang malambing na tono. "Emery, what do you want to eat? Except from me."

"Bastos mo." Pabiro ko siyang hinampas sa braso na ikinatawa lang nito. "Gusto ko MCDO."

"Oh right, sit on the couch now." Sabi nito kaya agad akong tumayo. "Let's wait for our food."

Pumirma na ulit siya sa mga papel, ako naman ay umupo na lang sa couch at nagbasa ng magazine.

Ilang minuto lang ay dumating ang pagkaing inorder ni Ezar, hinanda ko agad yun at sabay kaming kumain.

Nasa ganon kaming posisyon ng biglang bumukas ang pinto, iniluwal non si Quen at isang babaeng Maganda, mataba din siya pero mas mataba ako, maputi siya at maganda ang kutis.

"Gerine!" Napatingin ako kay Ezar na may ngiti at kislap ang muka. "Gerine."

Parang sabik itong lumapit sa babae at niyakap ito ng mahigpit, napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko pa nakita ang ganyang kasayang muka ni Ezar kasama ako, hindi pa siya naging ganyan kasabik sakin.

"Ezar, it's been a long time." Dinig kong sabi ng babae. "I miss you."

"Well, I miss you too."

Pakiramdam ko ay sinaksak ng maraming kutsilyo ang puso ng makita kong ilapat ni Ezar ang labi nito sa labi ni Gerine.

"I miss fvcking you, you're my favorite obsession Gerine." Malambing na sabi dito ni Ezar

"Ikaw talaga..Oh, who's that girl?"

"She's Emery my temporary Obsession."

'My temporary Obsession'

'My temporary Obsession'

"Ah, banyo muna ako." Nginitian ko sila. "S-Sige."

Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagbagsak ng mga luha ko, dire diretso akong lumabas at tumakbo papuntang banyo. Nagkulong ako sa isang cubicle at doon umiyak.

"Ganon na lang yun?" Natawa ako ng mapakla habang umiiyak. "Ang tanga ko, naniwala ako sa mga sinasabi at pinapakita niya."

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa cubicle na yun. Pinunasan ko ang mga luha ko at lumabas tsaka tumitig sa salamin.

"Matatag ka Emery." Kausap ko sa sarili ko. "Kakayanin mo."

Ngumiti muna ako salamin bago lumabas.

"Are you okay?" Sulpot bigla ni Quen. "I heard your cry."

"Okay lang ako." Nginitian ko siya ng pilit. "K-Kasalanan ko din naman kasi minahal ko yung kapatid mo diba?"

"Gusto mo bang umalis sa poder niya?" Seryosong tanong nito. "Tutulungan kita, sabihin mo lang Emery at ilalayo kita kay Kuya Ezar."

"Tsaka na siguro, sa ngayon gusto ko munang makasama si Ezar." Tugon ko. "Kapag hindi kona kaya sasabihan kita."

"Don't be martyr too much, you need to let him go."

"Hindi ko kaya.." tumulo na naman ang mga luha ko. "Iniisip ko pa lang na lalayuan ko siya at hindi na makikita ay parang pinapatay na ako."

"Emery..."

"Gustong gusto ko dating mawala sa landas niya pero ngayon kahit saktan niya yata ako ng paulit ulit ay hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si Ezar, Quen."

"He can't love you back Emery. He's Mafia, love is not in their vocabulary. Sumpa ang pagmamahal para sa kanila.."






A/N: SERIES 1 ANG PINAKA-MAIKLI SA LAHAT.

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon