F.B.I-33

2.8K 148 18
                                    

"Wala ka bang balak kausapin si Zein?" Tanong ni Aaron nung magkita kami sa JS Prom.





I burried my face in my hand before letting out a heavy sigh. "Pre, hindi mo alam kung gaano ako nahihirapan na iwasan siya pero kailangan."





"Iiwas ka pa rin ba kung sabihin ko sa 'yong... gusto ko na siya?"






Hindi kaagad ako nakapagsalita nung marinig iyon kay Aaron. Matagal ko nang alam na gusto din niya si Zein pero mas masakit pala kung manggaling 'yon mismo sa bibig niya.





I gave him a forced smile. "Alagaan mo si Zein. Mahilig siyang kumain ng strawberry ice cream kapag malungkot siya. Takot siyang maiwan mag-isa kaya lagi mo siyang sasamahan. Hindi siya kumakain ng gulay pero–"





He cut me off when he punched me straight in the face. "Gellian, kilala kita kaya wag mo na subukang magsinungaling! Alam kong mahal mo rin siya! Papayag ka nalang ba na mapunta si Zein sa iba?!"





Aaron's words registered in my panicked brain. "A-anong gagawin ko? Tuloy na yung alis ko pagkatapos ng graduation. Kahit gaano ko pa siya kamahal, hindi na rin ako... magtatagal."





"Then make the best out of your last month! Alam kong si Tito Allen ang nag-utos sa 'yong layuan si Zein. Isang buwan nalang aalis ka na, pre. Mahal ko si Zein pero hindi ko kayang trumaydor ng kaibigan. Kung totoong mahal mo siya, iparamdam mo 'yon sa kanya."





Natauhan ako sa sinabi ni Aaron. Alam kong nasaktan ko si Zein dahil sa pag-iwas ko sa kanya, pero lingid sa kanyang kaalaman na hindi siya nawala sa puso't isip ko.





"Pre, pupunta daw si Kyle, ah?" narinig kong bulong ni Leonard kay Gab nung bumalik ako sa aking upuan.





"Talaga?! For sure, kasama din ni Kyle sina Ezra at Zein lalo pa't nandito si Levi." Ani ni Gab.






Despite the bruise on my lips, I was crowned Prom King that year, with Krisha as Queen. The emcee advised that Krisha and I should dance on the center floor, but I declined. My first and last dance were already reserved for my baby.





"Get your hands off my partner! He said he wouldn't dance with you, right? I guess it's my chance to dance with him." Zein raised his voice at the girl who was forcing me to dance with her.





Iyon yata ang unang beses na nakita ko siyang galit. Kagat niya ang kanyang ibabang labi at masama ang kanyang tingin sa babae na agad naman akong binitawan at umalis. Mabilis kong hinawakan si Zein at nagsimulang humagulgol.





Fuck! I missed him.





"Zein, I'm sorry." I mumbled between my sobs.





Hinaplos naman niya ang aking likod bago tumawa nang malakas. Buong akala ko'y sisigawan niya din ako dahil nagawa pa namin siyang pagselosin ni Krisha, pero hindi niya iyon ginawa.





Niyaya ko siyang maisayaw sa gitna ng napakaraming tao at hindi maitago ang saya ng aking puso matapos siyang pumayag sa akin. Walang pag-
aalinlangan niyang inilagay ang aking kamay sa kanyang bewang bago siya kumapit sa aking balikat.





Kasabay nang mabagal na kanta ay ang pagtatapat ko ng aking tunay na nararamdaman.





"Mahal kita... Zein,"





Flickered By Innocence (Crossing The Line Series 4) ✅Where stories live. Discover now