F.B.I-21

2.6K 135 10
                                    

"Baby, do you want us to go abroad? How about Thailand? Italy? Canada?" Mom suggested after she sipped on her juice.






I pouted my lips while playing with my fingers. "I don't want to go anywhere, Mommy."






"Sayang naman, anak. Bakasyon mo na, hindi ba? Sigurado ka bang dito ka lang sa mansyon? Ayaw mo naman kaming puntahan sa resort..." Dad sounded glum.






Binigyan ko sila nang pilit na ngiti. "Masaya naman po ako dito sa mansyon tsaka... may hinihintay din po akong bisita."






Tatlong linggo na ang nakalipas simula nung nagtapos ang mga Senior Highschool at iyon na rin ang huling beses na nakita ko si Gellian. Madalas akong bisitahin nila Kyle at ng grupo nila Aaron. Lagi nilang sinasabi na abala si Gellian sa paghahanap sa unibersidad na kanyang papasukan kapag tinatanong ko sila. Noong unang linggo ay hindi ko iyon masyadong dinamdam ngunit tatlong linggo na ang nagdaan pero wala pa rin akong natanggap na text o tawag mula sa kanya. Hindi na rin siya active sa social media kaya 'di ko maiwasang hindi mag-alala.






"Ang daya mo talaga! Sabi mo, hindi ka magaling?!" bulyaw ni Kyle kay Gabriel nung matalo siya nito sa Tekken 7.






Gabriel winked at Kyle. "Wala naman akong sinabing hindi ako magaling. Sinasabi ko sa 'yo, magaling ako sa lahat, Kyle."







"Kaya pala halos magmakaawa ka kay Mr. Arevalo na ipasa ka lang sa Physics," bulong ni Leonard.






Roque tapped the back of Gab. "Grabe ka naman sa tropa natin, Leo. Hindi kasi 'to tinuruan ni Kyle kaya muntik nang bumagsak."






"Kasalanan pa ngayon ng kaibigan namin?" Ezra got the controller from Kyle.






Gaya ng mga nagdaang araw ay maagang pumunta ang mga kaibigan ko sa aming mansyon para maglaro. Hindi man nila aminin ay alam kong nandito sila para samahan ako. Marahil ay hinabilin ito sa kanila ng aking mga magulang dahil wala naman akong ibang kalaro dito maliban kina Nanny Fe at Mang Noel.






"Zein, are you okay? Gusto mo ice cream?"






I snapped back to reality after hearing the voice of Aaron. I darted my eyes at him and shook my head in response. This would be the nth time if I asked them again about Gellian's update, so I'm kind of hesitating if I will utter a word. As every day goes by, my heart seems to yearn for Gellian's presence.







"Gusto mo... puntahan natin siya sa mansyon nila?" Tanong ni Aaron habang nakabusangot ang mukha.






Levi shouted outloud. "Wag niyo nang puntahan 'yon! Kung ayaw niyang magparamdam, eh di 'wag! Hindi siya kawalan."






Roque pinched Levi's cheek, hoping it would calm him down. "Wag ka namang magalit sa tropa namin, babes. For sure... may problema si Gellian kaya hindi siya bumibisita kay Zein."







"Ano naman kayang problema ng batang iyon?" Turan ni Nanny Fe bago nilapag ang plato ng cookies sa maliit na lamesa.






Somehow, my worries lessened because of my friends. We played digital games and helped me decorate my room with colorful designs. They're all teasing each other, making my room filled with laughter. I slammed my body exhaustedly into my bed after we finished.







Flickered By Innocence (Crossing The Line Series 4) ✅Where stories live. Discover now