Dahil maaga kaming nagdimiss ay bumalik na ako sa condo. Nagtext ako kay Samuel na nasa condo na ako. Balak kasi namin ay magkikita kami after class, kaya lang ay changed of plans dahil nagka-free cut ako instead.

I tried to wait for his reply pero bigla akong naka-tulog dahil inaantok na ako. Nagising lang ako nung maramdaman ko iyong pagvvibrate ng cellphone ko. Inabot ko iyon at sinagot.

"Hello..." sabi ko habang naka-pikit pa rin ang mga mata ko.

"Naka-tulog ka, noh?" rinig kong sabi ni Samuel.

"Yes... Sorry," sabi ko. "Tapos na class mo?"

"Yeah..." sabi niya.

"Okay ka lang ba?" I asked kasi medyo problemado iyong boses niya.

"Pangit lang 'yung recit, but I'm fine."

"Gusto mo pa ba na magdinner?" I asked habang naka-upo na ako sa kama ngayon.

"Yeah. It's Valentine's."

"Pwede namang bukas na lang or sa weekend," I told him.

"No, it's your first Valentine's with a boyfriend," sabi niya. Kinilig ako kasi naisip niya pa iyon, pero ayoko naman na pilitin siya na lumabas kahit obvious naman na wala siya sa mood. Gets ko naman iyong ganyan kasi minsan ganyan din ako kapag bokya sa recit.

"Weekend na lang," I said. "Nakaka-tamad din lumabas ngayon. Ang dami kayang tao," I continued kasi kanina pa lang na naglalakad kami ni Iñigo ang dami na naming naka-salubong, e. Lahat pa ng street vendors may tinda na mga bears at flowers! Valentine's na Valentine's, e.

"Sigurado ka?" he asked.

"Affirmative," sabi ko sa kanya. "Baba na ako. Netflix na lang tayo."

Nagsuot lang ako ng jacket dahil February na at malamig. Itinali ko rin iyong buhok ko tapos ay bumaba na ako. Sakto na pagdating ko sa harap ng building niya ay nakita ko si Samuel. Lumapit agad ako sa kanya tapos ay niyakap siya.

"Bawi na lang next time," sabi ko.

He hugged me back. "Sa 'kin ka matutulog ngayon, 'di ba?" he asked.

I nodded. "May food ba sa room mo or bili muna tayo?"

"Wala," he replied. "Pa-deliver na lang tayo?"

"Okay," sabi ko tapos ay sabay kaming naglakad papasok habang magkahawak iyong mga kamay namin. Pagdating namin sa condo niya ay ibinaba niya iyong bag niya sa may dining chair. Nagsabi siya na maliligo raw muna siya habang ako ay namili na kung saan kami kakain. I tried to order pero lahat ay nagnotify na more than an hour pa iyong delivery. Mukhang gutom na ang jowa ko kaya naman bumalik muna ako sa condo ko at nanguha ng pagkain doon. Pagbalik ko ay akmang tatawagan na ata niya ako dahil akala niya ay nawawala ako.

"Microwavable lasagna and pizza?" sabi ko sabay pakita nung laman ng tote bag.

"Nagpa-deliver ka?"

I shook my head. "Puro late pa madedeliver, e. Galing sa condo ko 'to."

"Okay," he said. "Palitan ko na lang," sabi niya kahit hindi ko naman na hihingin sa kanya 'to. Kapag nandito naman ako sa condo niya ay kahit ano pwede kong kainin kapag nagutom ako. Ako kaya nakaka-ubos ng trail mix niya. Wala naman siyang choice!

Si Samuel iyong nag-ayos ng pagkain habang bumalik ako sa pamimili ng papanoorin namin. Natapos na namin iyong lahat ng season ng Modern Family (na favorite na rin ni Samuel at trip niya na rin panoorin kapag badtrip siya sa school or sa frat niya).

"Movie ba tayo or sitcom?" I asked habang naka-tayo siya sa may harap ng microwave. Ang gwapo talaga ng jowa ko, e! Simpleng white shirt at boxers lang, busog ka na!

Hate The Game (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora