“No. Narinig ko lang kayo.” Nakangiti kong sagot.

“Weeehh???? Bakit may camera kang dala?” Hindi niya naniniwalang tanong.

“Kasali ako sa Photojournalist,” Sagot ko at tumango-tango siya.

“Ah, sige alis muna kami.” Saad niya at hinigit si Avriel na kanina pa nakangiti sa akin.

Luh? Nagayuma ko ba 'yon? Charot! Hala! Wait!

“Hoy! Sandali!” Pigil ko sa dalawa at nakangiti naman na lumingon si Avriel sa akin at si Maria naman ay nakataas kilay.

“'Yong about sa. . . a-archery. . . ” Nahihiya kong sabi.

“Bakit sasali ka?” Suplada niyang tanong.

Napakamot ako sa batok. “Kung p-puwede??” Nahihiya kong tanong.

Ngumiti naman si Maria at nag tinginan sila ni Avriel. “Halika't sumama ka sa amin!” Nakangiting sabi ni Avriel at hinigit ako patakbo kaya hinabol kami ni Maria.

“Hoyyyy!!! Tang1nnaaa avriell!!” Tumatakbong sigaw ni Maria kay Avriel habang si Avriel ay tumatawa lamang habang hawak ang aking braso at sabay kaming tumatakbo papunta kung saan.

Mukha akong third pov dito.

Hingal na hingal kaming tumigil at napaangat ako nang tingin sa building na pinagtigilan namin.

Wait parang familiar 'to.

“Andito na tayo!” Nakangiting sabi ni Avriel na ani mo'y walang itinakbo ay ipinagod kanina lang.

“Sasandali l-ang. . . ” Hinihingal kong saad nabigla ako nang hinigit niya papasok sa loob.

Shet!!! Potang1na kailangan ko ng tubig!

Napabitaw ako at napaupo sa sahig dahil sa hingal. “I-i need w-water. . . ” Hinihingal kong saad at bigla na lang parang may bumara sa dibdib.

No! I hate this!

“W-wait! Kukuha lang ako. Tubig” Saad niya at patakbo na kumuha ng tubig lumapit naman ang iba sa amin at nakita ko si Yella na lumalapit din.

Yella?!

“Ano nangyayari sa'yo?!” Natatarantang tanong ni Yella.

Hindi ako makapagsalita kasi parang may bumabara sa dibdib ko at hindi ako makahinga maya't maya dumating na si Avriel at binigay ang tubig sa akin kaya ininom ko ito ng isang lagukan. Pina Inhale and Exhale nila ako kaya ginawa ko at guminhawa naman.

“May hika ka ba?” Tanong ng isang babae sasagot sana ako nang may pumasok.

“Wuah! Salamat!” Sigaw niya at tumakbo papalapit sa amin. “Anyare?” Tanong niya ngunit umiling lang ako at tumayo tinulungan naman nila ako na tumayo. “Guys! Good news! New student for Archery!” Nakangiting sabi ni Maria kaya napangiti naman sila.

“Sino?” Tanong ng kung sino na babae kaya napatingin kami roon at lumapit siya sa amin.

Mukha siyang mataray

“Athinea, Si Ano nga pala. . .  ano pangalan mo?” Tanong ni Maria kaya ngumiti ako at umayos ng tayo.

“Arabella, but you can call me Ara or Ac. ” Pagpapakilala ko ngumisi naman si Athinea.

“Athinea the Master of Billiard. ” Saad niya at ngumiti bago itaas ang kamay kaya tinaas ko rin at nag shake hand kami. “Welcome for Inter high games.” Nakangiti niyang dagdag at bumitaw na sa pagkakahawak kaya binaba ko na ang kamay ko. “You know Nicole, right? Kimshi or Sirien?” Tanong niya nagtaka naman ako pero tumango rin.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon