Chapter 4

91 15 2
                                    

Freya's POV

"Freya sama ka?"

Napatingin siya sa kaibigan nang lumapit ito sa tabi niya. Kakatapos lang nang klase nila.

"Saan?"

"Sa gym. May practice game daw basketball team natin kalaban ang ibang school basketball team." Sabi nito.

Aayaw sana siya pero naalala niya na kasama sa basketball team si Noah.

"Sige. Wait lang liligpitin ko lang mga gamit ko." She said bago mabilis na pinaglalagay sa backpack ang notebook at mga papel. Once she's done ay sabay silang dalawa na umalis sa classroom.

Nang makarating sila sa gym ay di na siya nagulat sa dami nang ka schoolmates nila na mukhang manonood din. Agad silang humanap ng mauupuan pero halos wala nang bakante sa bench area. Kaya tumayo nalang silang dalawa sa may gilid malapit sa labasan nang gym.

Other than Noah, halos lahat ata ng basketball team ng paaralan nila ay gwapo. Sadyang si Noah lang talaga ang bukod tanging crush niya.

Speaking of Noah, they've been seeing each other almost everyday pag lunch break nila. Hindi niya alam kung parehas ba sila ng schedule pero mula ala una ng hapon hanggang alas tres ay nasa bakanteng silid aralan lang sila.

They don't talk much, simpleng hi o hello lang tas bye. Pero sapat na yun sa kanya. Masaya na siyang makita at makasama ito at mapakinggan ng harap harapan ang pagkanta nito.

Kung dati nahihiya siya dito. Ngayon ay masasabi niyang medyo palagay na ang loob niya sa binata. May kaba man pero hindi na gaano.

"Oh my god." Dinig niyang sabi ni Callie sa tabi niya. Yes her friend name is Callie.

Tiningnan niya ito at nakita itong nakatingin sa harap kaya tumingin din siya sa tinitingnan nito para lang magulat ng makita si Noah na papalapit sa kanila.

Nakapang basketball na kasuotan na ito at may hawak na bag.

"Wala kang maupuan?" Tanong nito nang huminto ito sa harap nila.

Ramdam niya ang gulat ng mga estudyante sa paligid nila.

"Freya?"

Napakurap siya bago umiling. Tumango ito bago walang babalang hinawakan ang kamay niya at hinila siya palakad.

"Oi saan  mo ako dadalhin?" She asked bago hila kay Callie na gulat na nakatingin sa kanila ni Noah.

"I have some chair for you." He said at nang makita nitong nakahawak siya kay Callie ay nagsalita ulit ito. "Chairs I mean." He said bago tuloy tuloy na naglakad.

She look at Callie at napangiwi siya ng makita ang gulat at kuryusidad sa mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"Magpapaliwanag ako mamaya." Sabi niya at buti nalang ay tumango ito.

Gusto niyang tumingin sa paligid pero baka pagsisihan niya lang yun kaya tumingin nalang siya sa kamay niyang hawak hawak ni Noah.

"Here, you guys can seat down here." Sabi nito sabay turo sa dalawang plastic na upuan katabi ng ibang mga players na puro nakangising nakatingin sa kanila.

"Aba binata na ang Noah natin ah." Sabi nang isang kateammate nito bago akbay kay Noah. "Hi girls, I'm Josh ang best friend nang tukmol na to." Sabi nito sabay lahad nang kamay sa kanya.

She was about to shake his hand nang makitang hawak hawak parin ni Noah ang kamay niya. Hihilahin na sana niya iyon nang higpitan nito ang pagkakahawak sa kanya bago siya pinagtaasan ng kilay.

Jusko Noah Alonzo wag kang ganito. Sigaw ng isip niya.

Ramdam niya ang pamumula ng magsitawanan ang mga kateammate nito.

"I didn't know you're possessive bro." Josh said kaya lalo siyang namula.

"Tsk shut up." Noah said bago siya pinaupo sa upua . "Stay here ok. And here." Sabi nitp sabay lagay ng backpack nito sa hita niya. "Wait for me here." Sabi nito bago baling kay Callie na gulat pading nakatingin dito. "Nice to meet you." Sabi nito sa kaibigan niya sabay baling sa kanya. "Don't stare at me too much later."

"Yabang, di kita titingnan oi." Sabi niya na ikinatawa nito.

"Right. Dahil titig ang gagawin mo."

"Tsk." She said bago namumulang napanguso. "Alis na."

Ngumiti ito bago haplos sa buhok niya. At walang salitang umalis.

Huminga siya ng malalim nang makalayo ang binata sa kanya. She look at Callie at halos mapangiwi siya sa paraan ng paninitig nito.

"Ahm."

"Omg Freya. Kailan pa kayo naging close ni Noah?" Putol nito sa pagsasalita niya. "Sh!t kailan pa natutong ngumiti ang lalaking yun?"

Gusto sana niyang magsalita pero nang ilibot niya ang tingin sa paligid, halos lahat nang mga estudyante na malapit sa kanila ay nakatingin sa kanya.

Kingina.

Music of LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu